Punong-puno ng adorasyon ang mata ni Laureta habang minamasdan ang nakatalikod na pigura ng binata. Kasalukuyan itong naghuhugas ng plato. Gentleman din naman pala, in all fairness! Katulad kanina, wala pa rin itong saplot sa itaas maliban sa isang galaxy-liked apron na sa wari niya’y paborito nitong gamitin. “Baka matunaw ang likod ko,” wika niya nang maramdaman ang mabigat na titig ng dalaga. “Alam kong hot ako, pero huwag mo naman ipahalata sa akin masyado na laman ako ng pantasya mo.” dagdag pa nito. “Ang kapal ng mukha mo, Huge!” angil ni Laureta. Mula sa silya na kinauupuan ay tumayo ito upang lapitan siya. Doon ito pumwesto sa mismong tabi ni Huge kung saan siya naghuhugas ng mga plato. Isinandal niya ang sarili sa lababo at saka ipinag-krus ang dalawang kamay. Isang mapaglarong

