Chapter 02

1357 Words
Tumayo si Principal saka lumapit sa akin sabay tayo sa tabi ko. "Ito pala si Ms. Sawada ang bagong English teacher dito at homeroom teacher ng 4D.", pagpapakilala ni Mr. Antonio sa akin sa kanila. Nginitian ko sila tapos bigla na namang gumana imahinasyon ko tungkol sa mga magiging estudyante ko. "Goodmorning,Teacher Rie!" "Goodmorning!" "Kamusta po ang araw niyo?" "Naku napakaganda dahil-----" "Ms.Sawada!" "Yes, mahal kong estu—", hindi ko na natapos pagiimahinasyon ko dahil pagkalingon ko ay pagmumukha ni Head Teacher ang bumungad sa akin. "Head Teacher?", gulat kong tawag dito. Ngumisi ito sa akin sabay seryoso ulit ng mukha at tingin sa mga kapwa ko teacher na nandoon. "Huh?", tangi kong nasambit. Inilapag niya ang isang folder sa mga kamay ko na naka-angat pa pala, taka kong binuklst ito at binasa ang nakasulat doon. "Black Section?", basa ko sa first page. Napatingin silang lahat sa'kin, saka sila sabay-sabay na lumapit sa'kin na ikinagulat ko. "Sigurado ka bang ikaw ang magiging homeroom teacher nila?", Mr. Reyes, ang teacher sa Science at tumango ako bilang sagot dito. Isinara ko ang folder sa mesa ko at saka tumayo't tumingala. "Ipinapangako ko na aalagaan ko ang mga mababait kong estudyante!", madamdamin kong sabi. "Mababait?", takang sambit ni Mr. Tan. "Tuturuan ko ang mga masunurin kong mga estudyante sa abot ng aking makakaya!", pagtutuloy ko. "Masunurin?", Mrs. Sandoval. Magsasalita pa sana ako kaso biglang tumunog ang school bell na indikasyon na para magumpisa ang klase. "Okay! Oras na para sa klase!", excited kong sabi. "Ms. Sawada, ihahatid na kita sa klase mo.", Head Teacher. "Okay!" Naglakad na kami ni Head Teacher papunta sa classroom ng mga bago kong estudyante... Tumigil kamo sa bungad ng isang pasilyo na. "Ma-Madilim?!", sambit ko. Nilingon ko ang pasilyo, pumikit ako at dumilat ulit. Napakagat ako sa mga daliri ko. "Nasa dulo ng pasilyo na iyan ang classroom ng mga magiging estudyante mo." Nilingon ko si Head Teacher saka nilingon ko ulit ang madilim na pasilyo. "Seryoso?", hindi makapaniwalang sabi ko. Tumango siya ng sunod-sunod. Humarap ako sa madilim na pasilyo. "Okay! Para sa mga mababait kong estudyante papasok ako sa madilim na pasilyo na 'yan,Head Teacher!", sabi ko sabay lingon kay Head Teacher na nasa likuran ko. "Nawala siya.", sambit ko saka bumuntong hininga. Naglakad na ako sa madilim na pasilyo. Habang naglalakad sa madilim na pasilyo ay palingon-lingon ako. "Walang multo...", paulit-ulit kong sabi sa sarili ko hanggang sa may narinig ako na parang tunog ng isang nahulog na bakal. "EHH!", sabi ko sabay tayo ng matuwid, tatakbo na sana ako buti nalang at narinig ko ang huni ng isang pusa. Naglakad ulit ako pero ng nasa gitna na ako ng daan ay bigla akong nakarinig ng sipol. "Ah!", sigaw ko sabay takbo. Pumasok ako sa isang pintuan na hindi ko alam kung ano ang nasa loob nito at doon ako nagtago. "Ngayon alam ko na kung bakit takot na takot ang kalbo na 'yun sa lugar na 'to.", bulong ko sa sarili ko. Unang araw ko bilang Teacher tapos ito agad ang bubungad sa akin ang saya. Napabuntong-hininga nalang ako sa isiping unang araw ko bilang teacher ay mga pasaway at matitigas ang ulong mga estudyante agad ang hahawakan ko. Oo inaamin ko na hindi ako isang ordinaryong babae lang pero hindi naman ata makatarungan na gawin akong Homeroom Teacher ng mga basagulerong estudyante kasi kaunti lang ang pasensya ko baka mabugbog ko lang sila kung nagkataon, napa-buntonghininga nalang ako. Tumayo ako saka bumuntong-hininga. Bigla akong natigilan ng may maramdaman akong mga matang na nakatingin sa'kin. Dahan-dahan akong lumingon. Nanlaki mga mata kong makita ko ang mga estudyante na naroon, nakatingin silang lahat sa'kin. Nginitian ko sila, ngiti ng napahiya. Tinalikuran ko sila, lalabas na sana ako ng makita ko ang nakasulat sa blackboard. 4D d' BLACK SECTION Tiningnan ko ang dala kong class record. "Kung gan'un..." bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa mga estudyante. Nagkalat na mga upuan. Mga estudyanteng nakaupo sa mesa na ang mga paa nakapatong sa upuan. Mga estudyanteng hindi nakasuot ng maayos ang mga uniporme. Ang iba ginawang basketball court ang classroom. Ang iba nagbabasa ng magazine. May kumakain,natutulog at nagce-cellphone. "Mukhang nasobrahan ako ng pangangarap.", saad ko saka napabuntong-hininga. Ngumiti ako. Lumakad ako papunta sa teachers table. "Goodmorning!", bati ko sa kanila habang nakangiti pero parang hindi nila ako narinig. "Goodmorning!", ulit ko ngayon mas malakas na boses ko pero dinedma pa rin nila ako kaya naubos na din pasensya ko."Tatahimik kayo o itatapon ko itong Teachers table sa inyo?!", sigaw ko sa kanila kaya bigla silang natahimik lahat at napatingin sa'kin. "Ang ingay mo! Ito dapat sa'yo!", sabi ng isa sabay bato ng bola ng tennis sa'kin. May nakita akong makinang sa paanan ko kaya yumuko ako. Tumama ang bola sa blackboard at tumalbog pabalik sa kanya, sapul siya sa noo kaya bumagsak ito sa sahig. Napatingin sila sa kaklase nila at saka sa'kin. "Ah! Sampung piso!", nakangiti kong sabi habang hawak ang sampung piso. Napatingin ako sa kanila. "Bakit?", taka kong tanong sa kanila. "Aish!", sabi ng isa sa mga estudyante na nasa likod. Binulsa ko ang sampung piso at bumalik sa teachers table, binuklat ko ang class record at sila naman ay nagpatuloy sa pag-iingay. "Okay! Attendace muna tayo!" Nagpatuloy lang sila sa pag-iingay.... Isa-isa kong tinawag ang mga pangalan nila at sa awa ng Diyos sumasagot naman sila. Hindi naman pala nakakatakot ang mga batang 'to. "Blaze Solis?" Nagtaas ng kamay ang isang estudyante na nasa likuran, blonde ang buhok niya at titig na titig ito sa laptop nito. "*sigh*", ako, sabay check sa attendance niya. "Aeron Ramirez?" "Shut up!" Tiningnan ko ang sumigaw, hawak nito ang noo at galit na nakatingin sa katabi niya. "Aeron Ramirez?" "What?!", galit niyang baling sa'kin. "Wa-Wala!", sabi ko sabay check sa attendance niya. Okay....last student... "Kaiser Gomez?" Tumahimik silang lahat at tumingin sa natutulog na lalaki sa likuran. Siya ata si Kaise, chineck ko ang attendance niya. Napatingin ako sa mga estudyante ko... bigla akong natigilan, bigla kong binilang ang mga estudyante ko, tapos tiningnan ko ang class record ko. Dalawangput lima silang lahat na estudyante ko pero dalawangput apat lang ang narito. Si Seven Gonzaga ang wala dito,siguro absent siya o may sakit. "Okay! Bago ko umpisahan ang klase, magpapakilala muna ako sa inyo!" Humarap ako sa blackboard, magsusulat na sana ako ng pangalan ko sa blackboard ng may makita akong papel na nasa ibabaw ng class record ko. Kinuha ko ang papel at binasa ang nakasulat doon baka kasi nagkakamali lang ako ng basa. WARNING! MGA ESTUDYANTENG DAPAT IWASAN: -KAISER GONZALES -LOUIE DAMIAN -SEVEN GONZAGA -GRAY DAMASO -BLAZE SOLIS -AERON RAMIREZ -CHANNE JAVIER "Eh?!", gulat kong bulalas ng mabasa ko nakasulat sa papel na hawak ko. Bigla na naman silang lahat natahimik at napatingin sa'kin. Galit kong linukot ang papel at galit na ipinatong ang mga kamay ko sa teachers table at dahil sa lakas ng pagkakapatong ko ay kumalabog ang mesa. "Anong kalokohan 'to.", galit kong bulong. "Anong problema niya?", Aeron. "Ang weird niya.", Gray. "Anong klaseng mga tao sila?! Paano nila nagagawang tratuhin ang mga batang 'to na parang mga patapon!", galit kong bulyaw. "Eh?!", bulalas ng mga estudyante ko kaya napatingin ako bigla sa kanilang lahat. "A-Ah!", sambit ko sabay tawa saka harap sa blackboard saka nagsulat ng pangalan ko. Pagkatapos kong isulat ang pangalan ko sa blackboard ay hinarap ko na sila. "So, ga— tapos na ang klase? Pero walang akong narinig na bell.", bulong ko sa sarili dahil wala na ang mga estudyante ko, nilayasan ako. "Hoy." Nilingon ko ang nagsalita. "Ah! Kaiser!" "Tapos na ang klase. Wala ka bang planong umalis na?", seryosong tanong niya sa'kin. "A-Ah. Ganun ba. Aalis na rin ako pagkatapos kong iligpit mga gamit ko!", sabi ko sabay ngiti sa kanya. Tiningnan niya lang ako saka siya umalis na. Napailing nalang ako sa inakto niya. Saka ko kinuha mga gamit ko at lakad palabas ng classroom ng 4D. Hindi ko akalain na ganitong mga estudyante ang bubungad sa akin sa unang araw ko bilang guro at doon ko biglang naalala si Choco, lagot talaga sa akin ang lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD