Riya’s POV Nagdadalawang isip akong mag-door bell sa gate namin dahil umuwi akong bigo sa una kong misyon. Pagkatapos kong marinig kay Mr. X na bibigyan niya ako ng one week suspension dahil sa nangyari sa Presidente ay tinangap ko yun kahit labag sa loob ko. Nag-alala rin ako na baka mapahamak siyang muli. Kaya habang suspended pa ako ay mangangalap na ako ng impormasyon na makakatulong para matunton namin ang mga kalaban. Continue pa rin naman ang pakikipag-ugnayan ko kay Mon. Binalita rin niya sa akin na gising na si Mr. President at Guantanamo ako nabungangaan daw nito si Commander Gilberto dahil sinabi niyang tinangal na ako ng tuluyan sa TAJSO. Mabuti na rin siguro yun para naman makagalaw ako ng maayos at hindi muna ako makabalik ng palasyo. Wala akong gagawin ng isang linggo

