Ilang minuto Ang lumipas nakarating kami ni kuya sa Mall, at agad Akong dumiretso sa parlor at nag pagupit matapos Yun ay namili Naman Ako nang damit at sapatos sobra kasing girly ni Malia Hindi bagay Sakin mga dress nya nakapalda na nga sa school nang pakaikli ikli tapos haba pa nang medyas naka long sleeve pa init init pa Naman Ngayon,
•••
Namibia Ako matapos ay umuwi agad, Hay nakakapagod mag shopping makatulog na nga bukas Patay Sakin lahat nang nambubully Sayo Malia lintik lang walang ganti kahit bunbunan nila bubukulan ko,
Kinabukasan Maaga Akong gumising para gumayak at nag ayos din Ako nang kaunti, ilalabas natin yang Ganda mo Malia, mag hahabol Ang crush mo Sayo, kung naging magkaibigan Tayo Hindi ko hahayaan na tratuhin Kang basura nang mga panget nayun, lagot Sila Sakin,
Agad Akong bumaba para Kumain,
‘Oh anak Kumain kana, Sandali parang Ang laki nang pinag bago mo anak, ‘Alam ko Ma maganda talaga ko mana lang si Malia sainyo, ‘I mean mana lang po kayo sa Inyo,
‘Hahatid ka namin nang Dady mo anak, ‘Wag napo kaya Kona po Ang Sarili ko ayus lang po Ako Isa pa alam ko bussy kayo sa work wag nyo napo Ako alalahanin, Uhm busog napo Ako pasok napo Ako ah, kuya Tara na alis na Tayo,
Habang nasa byahe nag Tanong Ako driver ni Malia / bodyguard.
‘Kuya Nung mga nakaraan may napansin ba kayo Sakin tuwing uuwi Ako galing school, ‘Opo ma'am lagi kayo iika ika at parang masakit Ang katawan nyo at Ang dumidumi nyo palagi tinanong ko kayo noon pero Hindi Kay nag sasalita, ‘Ganon ba Sige kuya malapit naba Tayo. Saan Pala Kong section nakalimutan ko Kasi alam mo nman nag ka amnesia ko, ‘Ah grade 11 room 203 second floor po class 2-7, ah ok Sige,
Nang makarating kami sa room agad Akong bumaba nang kotse,
‘Maam pag uwian andto lang po Ako sa labas text nyo lang po Ako pag may kailangan kayo, ‘Sige kuya salamat,
Anlaki nang school ni Malia school de mayaman Ang atake mukang mayayaman Ang mga nandto, di Pako nakakapasok nang gate nakatingin na Sakin lahat nang studyante sa labas na parang Ako pa may kasalanan, Sasama mag sitingin nang mga bwiset nato ah, okey Malia welcome sa school mo excited Nako manapak,
Naglakad Ako papasok nang gate nang school at kinain Ang paburito Kong lollipop, at nag lakad sa mismong gitna nang school habang pinag titinginan nang mga studyante at pinag bubulungan,
“Huy tingnan nyo si Malia ba yan maganda Pala sya bakit Kasi Hindi sya nag aayos Balita ko na aksidente sya at nag ka amnesia sa tingin nyo naaalala nya kaya mga nangyari sa kanya noon para syang ibang tao siga nya mag lakad dati nakayuko lang sya at sa gilid dumadaan Diba,
Habang nag lalakad napatigil Ako para Manita,
‘Hoy kayo nasa likod ko lang kayo oh rinig na rinig ko mga chismisan nyo masama yan ah,
•••
Nag patuloy Ako sa pag lalakad at dumiretso sa room.
Okey Malia Nakita Kona Ang room mo,
Pag pasok ko nang room tumahimik Ang lahat nang kaklase ni Malia at tumingin Sakin na parang nakakita nang multo,
‘Oh ano startruck yan Gandang Ganda, mag chismisan lang kayo wag nyokong intindihin,
Pero patuloy Padin Sila sa pag tingin Sakin,
‘Ano ba titig na titig hoy Ikaw seatmate San ko makikita Yung palaging nang bubugbog Sakin,
‘Ha wag Mona Silang hanapit bilang ka nang 20 second darating na Sila para Sayo, ‘Ano para Sakin edi ayos Pala Hindi Nako mag hahanap sa kanila,
Naupo Ako at nag bilang nang 20 second, Classmates binabalaan ko kayo ibang Malia makikita nyo Ngayon Patay na Kasi si Malia eh spoiler lang para di kayo ma shocks sa mga makikita nyo,
Ok 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, and 1,
“Malia nandito na kami, bilis mo maka recover ah,
Habang nakaupo tumatawa ko na parang baliw, Ahahahahaha exciting Pala Yung ganto sana Ginawa ko din to noon,
Tumayo Ako at pinahawak Ang lollipop ko sa ka seatmate ko,
‘Sino ka nga ulit. Ah Alex pakihawak nga tong lollipop ko baka masayang Isa lang Kasi yang baon ko,
‘Kamusta ka Naman Malia nice hair ah, alam mo na miss ka namin Wala Kasi Akong kalaro Nung na aksidente ka eh 1 week din Yun ah, ‘Ah Ganon ba so everyday Pala pinupuntahan nyoko para gawing punching bag nyo, bakit Hindi natin batuhin everyday pupunta kayo Sakin para bugbugin ko, ‘Balita ko nagka amnesia ka ah gumapang ka ata bigla, ‘Ah Oo second life Kona to binuhay Ako para Sayo, para maging Masaya ko, ‘Ikaw gusto mo bang masaktan, ‘Alam mo Hindi ko ugaling makipag chismisan bago makipag away eh, kating kati na Kasi Ako manapak,
Agad Kong sinampal Ang Babae na nambubully Kay Malia sinampal ko sya at tila nahilo ito,
Anong pangalan mo mean gir patingin nang name tag mol. Ah Jessica, tatandaan ko yang pangalan mo,
Hinawakan ko ito sa kwelyo at sinampal nang Lim Ang beses, agad Naman Akong sinugod nang dalawa pang babae, binitawan ko si Jessica at sinabunutan Ang dalawang Babae, at pinag untog ito, bagsak agad Yung tatlo,
‘Kayong limang lalaki Jan Kasama kayo Hindi ba sugod na Hindi ba Wala kayong bayag nananakit kayo nang babae. Tulung tulong na kayo tutal Gawain nyo Naman yon,
Isa Isang sumugod Ang mga lalaki na Kasama ni Jessica at Isa Isa ko itong binugbog, Ikaw na panget na Nakita halika tanda mo Nung tinapakan mo Yung muka ko ganto Yun diba,
Tinapakan ko Ang muka nya kagaya nang ginawa nila Kay Malia,
Ano Masaya sa Inyo to Diba bakit Hindi kayo mag si tawa Ngayon Masaya Hindi ba,
Seatmate akina lollipop ko 30mins na pagod Nako, Oh ano Hindi pa kayo tatakbo, takbo na kita Tayo nang lunch time Doon sa soccer field Nakita ko sa video Minsan nyo Nako binugbog don pag di kayo dumating bukas triple yang sakit na ibibigay ko alis na, Go sandali Ikaw na mukang ipis halika sinikmuraan Moko Nung nakaraan eh halika Dito bilis, (Agad Kong sinikmuraan Yung mukang ipis) Sige na alam Kong dika makahinga alis na baka masapak pa kita,
Nakatulala Ang mga kaklase ko Sakin kahit umalis na Ang mga nambubully Sakin,
‘Oh ano tulaley Ngayon lang nakakita nang bugbugan Diba lagi Naman kayo nanonood noon,
Eyes on the board padating na teacher Diba, ‘Uhm seatmate vacant Tayo 2hrs pa Tayo walang classe, ‘Ah Ganon ba seatmate pwede lumabas mag lilibot lang Ako, ‘Oo pwede Naman, ‘Sige Gawin Moko 15mins bagonmag start klase Ah eto number ko, thankyou sa pag hawak nang lollipop ko bantayan mo bag ko pag may humawak Sabihin mo Sakin kukutusan ko, ‘Ok Sige,
Agad Akong lumabas nang class room at pumunta sa canteen,
Hay Malia ansarap sa feeling nabira ko din mga Ang bubully Sayo,
Naglakad Ako papuntang canteen at sa harap mismo nang canteen Nakita ko si Jonas at dala nitong kaibigan, na nakatambay,
Malia swerte ko Ngayon Nakita ko crush mo ano Masaya kaba, well alam Kong kinikilig ka Ako Kasi kumukulot dugo ko sa kanya eh sorry Malia pero pasampal nang Isa sa crush mo pampagaan nang loob,
Nag lakad Ako papasok nang canteen at hinarang Ako nang dalawang kaibigan ni Jonas,
‘Hay Malia Ang Ganda mo Ngayon ah mahilig ka Pala sa lollipop,
‘Paraanin nyo sya tumabi kayo, Malia Daan kana pasensya kana nga Pala,
Hindi pa man din natatapos si Jonas sa pag sasalita agad ko itong sinampal.
‘Hoy Ikaw akala mo kung sino Kang gwapo basura Naman ugali mo, pasensya mo muka mo,
Matapos Kong sampalin si Jonas pumasok Ako sa canteen,
‘Pare ayus ka lang ba si Malia ba talaga Yun Hindi ba crush ka nya, ‘Para na syang ibang tao Ngayon wag nyo na syang pakelaman deserve ko Naman masampal nya alam Kong Galit sya Sakin.
Papasok ko nang canteen nakatingin Sakin Ang lahat nang studyante pero Hindi ko ito pinansin at bumili nang tubig. Matapos Kong bumuli pumunta ko sa bench para umidlip nahiga Ako at nag earphone para sana matulog. Maya Maya pa habang nakahiga at nakapikit Ako may nagpatong sa hita ko nang jacket,
‘Miss bawal matulog dto kababae mong tao kung San San ka nakahiga baka Makitaan ka,
Naupo Ako at nakipag talo sa lalaki,
‘Ano bang pake mo sino kaba, ‘Ako si Elon teakwondo varsity kagiling kabilang school kaka transfer ko lang Dito pwede mo ba Kong samahan mag libot, ‘Ano inistorbo Moko sa pag tulog para samahan ka naaksidente ko at nagka amnesia kakapasok ko lang Ngayon us if Naman naaalala ko tong school nagkamali ka nang napag tanungan kaya layas na, ‘Ang sungit mo Naman paupo nga tubg moba to painom ah, ‘Hoy Wala ka bang Pera bumili ka sa canteen, ‘San ba Yung canteen, ‘Duon deretso layas na gamitin mo Yung mata mo para Makita mo 15mins ko nga hinanap Yung canteen para bumuli nang tubig tapos inubos mo lang, ‘Bakit kaba nandito Wala ka bang klase, ‘Vacant daw Namin 2 hrs kaya layas na matutulog Ako, ‘ Wag kana matulog Tara sa canteen lilibre kita nang tubig, ‘Aray ano ba bitawan monga Ako kung ayaw mo masaktan, ‘Ayoko nga, ‘Talagang inuubos mo pasensya ko ah,
Agad Akong pumalag at sinipa sya,
‘Aray Ang lakas mo ah, Hindi Ako pumapatol sa babae eh, ‘Ows Ang Sabihin mo Hindi Moko kaya teakwondo varsity ka Diba patingin nga nang skills mo, ‘muka Naman marunong ka lumaban varsity ka din ba, ‘Hindi basagulera lang Jan sa kanyo, puro ka dakdak sugod na, ‘Ok,
Agad Akong sinugod nang lalaki at pinaulanan nang Sila, pero nakaiwas at nasalag ko lahat,
‘Sandali lang pag ba napuruhan kita Hindi kana makalaban, ‘Oo bakit pupuruhan moba ko,
‘Oo sana pero wag nalang baka mapilay kapa, kasalan kopa, Tara na samahan kita sa canteen Kunin mo cellphone ko sa upuan bilis. ‘Yes ma'am,
‘Ano nga Pala pangalan mo, ‘Malia, ‘Ah Ako si Joshua but you can call me Josh, Wala kabang friends, ‘Wala eh, pero Ngayon Meron na Ikaw, (agad Kong inakbayan si Josh at sabay headlock) ‘Aray aray. Bitawan Moko baka maipitan Akong ugat. ‘Ay oo sorry Libre Moko ah inistorbo Moko sa pag tulog eh pa thankyou Mona Kasi di kita binalian, ‘Oo na thankyou ah,
Nag lakad kami ni josh papunta sa canteen kagaya kanina nakatingin pa din Ang mga tao Sakin, Maya Maya pa ay may lumapit na mga Babae Kay Josh,
‘Hi Josh Dito kana ba mag aaral pwede ba mag pa autograph, ‘Ah pasensya na kayo nauuhaw na Kasi si Malia eh Sige ah, ‘Ano Yun sikat ka Pala, ayus ah Ginawa mopa Kong way. Para makatakas, (sabay hawak ni Josh sa balikat ko at tinulak papasok nang canteen)
Wag monga Akong tulak babalikan kita Jan,
Pag pasok Namin sa canteen Nakita ko Ang mga nambubully Sakin lahat Sila may benda at nag yeyelo sa muka para matanggal Ang pamamaga,
‘Huy mean girl ano Hindi mawawala pamamaga nyan dika makakakain Hanggang mamaya mag lugaw ka nalang. Ikaw ano kamusta ipis makakahinga kana ah very good mabilis Ang pag rerecover nyo, see you mamaya sa soccer field ah,
‘Ano Yun bakit Kasama nya si Josh close ba Sila, ‘Rining ko Dito na mag aaral si Josh eh,
(Pag bubulungan nang mean girls,)
‘Huy Malia Ikaw ba may gawa non sa kanila, ‘Ah Yun ba oo bago ko magka amnesia binubully nila ko wag Moko I bash kung mapapanood mom lang mga ginagawa nila Sakin nakipo mang gigigil ka, ‘Buti Hindi na na office, ‘Hindi Sila mag susumbong sa lala nang ginawa nila Sakin,
“Oh pano mean girls aalis na si Malia, bye sa Inyo,
Agad Akong hinatak ni Josh palabas nang canteen,
Aray ko Naman nakakarami kana ah, wag Mona pansinin mga Yun Tara na,
Pag labas Namin nang canteen naka salubong Namin si Jonas Kasama Ang girlfriend nya,
‘Uy Malia sino sya new crush mo Kasi Hindi mo makuha si Jonas.
Agad Kong dinakot Ang muka nang girlfriend ni Jonas at itinulak,
Tabi nga sa Daan ko muka Kang pusit nakakasira ka nang Araw saksak mo sa organs mo Hindi aagawin yan Sayo,
‘Sino Naman Yun crush mo, ‘Hindi crush ni Malia Yun Chaka Kona explained pag close na Tayo ah, ‘Di paba Tayo closed nito, ‘Hindi no, balik Nako sa classroom ko, ‘Sandali Malia san Yung grade 11 room 203 huy, ‘Hanapin mo bala ka Jan, ‘Kita Tayo mamayang lunch ah,
Agad Akong umalis at iniwan si Josh para bumalik sa classroom,
‘Oh Malia tatawagan palang sana kita eh,
‘Salamat sa pag bantay nang bag ko seatmate ah, ‘Wala Yun binantayan ko yan mabuti at walang lumapit sa bag mo, ‘Thankyou ah,
Maya Maya pa ay dumating na nga Ang teacher Namin,
‘Good morning class Meron kayong bagong kaklase magpakilala ka,
‘Hello I'm Joshua Caleb but you can call me Josh transferee Ako galing sa kabilang school teakwondo varsity, nice meeting you,
Hay Nako Ang madaldal na to, talaga Naman,
Oh Josh Upo kana, sa bakante sa likod,
Naglakad si Josh palapit samin at kinausap si Alex na seatmate ko,
‘Malia tabi Tayo dto sa kabila. ‘Ayoko, ‘Sige na Uhm Alex pwede ba Jan nalang Ako para katabi ko si Malia, ‘Pano mo nalaman name ko, ‘Edi ayan name tag mo, nakatahi sa uniform mo, ‘Ay oo nga Sige dto kana,
‘Malia sabay Tayo mag lunch mamaya, pangungulit ni Josh Sakin habang naka dukdok Ako,
‘Ayoko nga pwede ba wag ka makulit, (Niyugyog Ako) ‘Sinabi nang wag Kang makulit eh (akma Kong susuntukin,)
‘Malia ano yan, sigaw ni ma'am Sakin, ‘Ah Wala po nag kukulitan lang kami ni Josh magkakilala po kami at sobrang closed (sabay akbay Kay Josh na pa headlock) ‘Ah Ganon ba tama na kalokohan start na nang klase, ‘Yes ma'am,
‘Ikaw wag Kang makulit gusto mo bang balian kita nang di kana makalaban,’Nako wag Ako Ang ace sa team Namin pano na Sila pag nawala Ako, ‘Ang hangin mo din no Ewan ko Sayo ,
•••
Matapos Ang klase namin agad Akong dumiretso sa canteen para mag lunch at si Josh sunod nang sunod Sakin na parang nawawalang Bata, sobrang kulit,
‘Malia hintay ano kakainin natin, ‘Pwede ba Josh tanggalin mo yang kamay mo sa balikat ko Ang bigat bigat eh, ‘Ayoko nga so ano nga kakainin natin, ‘kahit ano wag lang gulay, ‘Huh Hindi ka kumakain nang gulay bakit Ang lakas mo player ka din ba Anong field mo, ‘Sabing Hindi nga laki kong Kanto eh laki ko sa disiplina nang magulang ko napalo kana ba nang dospordos, ‘Ha kahoy Yun diba, ‘Oo kahoy ipapalo ko Sayo Yun pag dika tumahimik tanggalin Mona kamay mo baka pagkamalan pa Tayong mag Jowa. ‘Ayaw,
Nang makarating kami sa canteen kumuha kami nang pagkain at sabay Kumain at napansin Kong pinag uusapan nila kami ni Josh,
“Guys si Josh Caleb Kasama ni Malia grabe sobrang gwapo nya no narinig ko na nag transfer sya Dito para umiwas sa away Kasi Diba pag athletes ka bawal ka Basta makipag away Buti nalang Dito sya lumipat may gwapo nanaman sa campus,
Agad Kong binaba Ang kutsara ko para sana sitahin Sila,
“wag Mona pansinin Malia masanay kana gwapo ko at sikat kaya laging pinag uusapan tikman moto masarap to gutom lang yan, (Sunubo Yung tortang talong Sakin) ‘Hoy bakit sinubo mo Yung kutsara mo Sakin, ‘Ayus lang Yun wag kana maarte Jan napansin mo Yung kutsara ko dimo namalayan napakain kita nang gulay. ‘Gulay bayon, ‘Oo tatlong, ‘Talaga masarap ah.
Nagpatuloy kami sa pag kain at habang kumakain kami ni Josh dumating na Sila mean girls.
‘Oy mean girls and friends ano ready na kayo hintayin nyoko kakain lang Ako,
‘Hoy Malia Anong gagawin mo, ‘mind your own business labas ka Dito alis Nako wag Kang susunod,
Agad Akong tumayo at inakbayan sila mean girls at pumunta kami sa soccer field,
Tayo kayo lahat Jan sa gitna wag kayong gagalaw Jan sandalincheck ko lang Yung pinag gagawa nyo Sakin nakalimutan Kona Kasi thankyou sa pag send nang video ah wait panoorin ko lang,
Pinlay ko Ang video at pinanood,
Ipis sinampal tapos sinikmuraan at kayong tatlong mean girls kinaladlakad nyoko Mula dto papunta sa dul haba ah,
Habang pinanonood ko Ang video dumating si Josh at inagaw Ang cellphone at pinanood Ang video nang pang bubully nila Sakin,
‘Josh Sabi ko wag Kang makelam Dito, akina yan, ‘Malia Ikaw to, bakit mo hinayaan na bugbugin ka nila bakit Hindi ka lumaban, Napansin ko Ang gigil ni Josh matapos nyang mapanood Ang video Yung mga mata nya kung pano sya tumingin Sakin Minsan nang naging Ganon Ang mata ko Nung muntik Nakong makapatay, ‘Uhm Josh Sabi ko Sayo nagka amnesia ko Diba Anong gagawin mo bakit mo hinubad yang bag mo hoy tumigil ka Josh wag Kang makelam Dito ano ba,
Agad na sumugod si Josh at pinag susuntok si ipis, agad ko Naman itong inawat,
‘Josh ano ba bawal Kang manakit tumigil ka Sabi ko, ngunit ayaw mag paawat ni Josh kaya niyakap ko ito, para mapahinto sya, ‘Sabi ko bwiset ka tumigil kana, Umalis na kayo bilis kung gusto nyo pa mabuhay, Agad na nag takbuhan Sila mean girls and friends nya,
‘Josh okey na Wala na Sila halika maupo ka muna mag usap Tayo,
Nag lakad Ako papuntansa bench at naupo agad Naman na sumunod si Josh Sakin,
‘Bakit mo Ginawa Yun alam mong pwede Kang matagal bilang athlete, ‘Alam ko, ‘Bakit monga Ginawa, ‘Ewan ko diko alam Nakita kita na binubugbog ano gusto mong maging reaction ko, diko maintindihan Malia malakas ka at marunong lumaban bakit dika lumaban sa kanila, ‘tanda mo kanina sinabi ko na naaksidente Ako, car aksident Yung sa video si Malia Yun Hindi Ako Yun, ‘Anong ibig mong Sabihin, ‘ Hindi Ako si Malia Ang totoo Nung Araw nang aksidente gusto nang tapusin ni Malia Ang Buhay nya Kasi Hindi na nya kinaya binangga nya kami Kasama ko Ang parents ko namatay Nako Josh Ako at parents ko at etong si Malia nabuhay sya, pero ibinigay ni Malia Ang katawan nya Sakin Kasi sobra syang na guilty dahil kami nang pamilya ko namatay kami pero sya nabuhay kaya bilang pag sorry nya gusto nya maging Masaya ko gamit Ang katawan nya syempre di Ako pumayag Sabi nya tinapos na nya Ang Buhay nya Nung Gabi nayun kinuwento nya Sakin lahat Sabi ko bigyan nyako nang Oras aayusin ko lahat sa parents nya at Dito sa school pero ayaw na nya bumalik at Nung umuwi Ako sa Bahay nya sa kwarto nya Nakita ko tong phone nya Araw Araw syang binubugbog pero pumapasok parin sya alam mo kung bakit para sa lalaking mahal nya si Jonas nabasa ko Ang Sulat ni Malia para Kay Jonas pero Hindi nya inabot kung itatanong mo kung sino ko Ako Yung namatay sa aksidente si Dali si Dali na pasaway sa magulang pero mahal na mahal Ako nang parents ko si Dali na nag umpisa lagi nang gulo nakikipag away kung saan saan si Dali na walang ibang gusto kundi mag enjoy pero tanggap at mahal Ako nang magulang ko Hindi Ako nagalit Kay Malia Hindi ko sya sinisi sa nangyari kita mo Naman sa video kahit sino gugustuhin talagang mamatay Hindi Ako nagalit kahit nawala Ang parents ko dahil Wala Naman kasalanan si Malia, kaya nag pasya ko na iganti si Malia sa mga nambubully sa kanya Kasama Ang lalaking mahal nya na walang Ginawa kundi itrato sya na parang basura, si Malia mabait na sya tahimik matalino at ni Isang kaibigan Wala sya, si Dali Naman maraming kaibigan pasaway na anak at studyante laging nakikipag away, magkaiba kami ni Malia Ngayon alam Mona na Hindi Ako si Malia ano makikipag kaibigan ka parin ba Sakin,
‘Pwede moba Kong samahan Malia, ‘Saan Naman, ‘Kung San ka nakalibing, ‘Para saan, ‘Gusto kita bigyan nang bulaklak pwede ba, ‘Uhm Ikaw bahala pwede bang sunflower favorite ko Kasi Yun eh, ‘Walang problema, ‘Tara na mag cut class Tayo bilis, ‘Ha baliw kaba, ‘Alam Kong athlete ka dimo pa na experience to Diba parehas kayo nang katawan ni Malia Tara bilis Masaya to, Agad Kong hinatak si Josh at tumakbo at umakyat kami nang bakod para mag cut class,
Umakyat kami nang bakod at pag labas Namin Nakita ko Ang body guard ko,
‘Aray Malia napaka bigat mo Naman, ‘Wag ka malikot baka malaglag Ako nakatapak Nako sa balikat mo umupo ka nang dahan dahan bilis, ‘Oo eto na kumapit ka ha,
Ok na bumaba kana sa balikat ko, (pag lingon Namin Nakita ko si Kuya)
‘Hi kuya kamusta ka hehehe, ‘ ma'am San kayo pupunta, ‘Kuya wag mokong susumbong ah pakihatid kami Kay Dali,
Sumakay kami nang kotse ni Josh,
‘Maam sino yang Kasama nyo, ‘Oh mag hi ka Josh driver ko bodyguard na din, ‘Hello po kuya Ako po si Josh kaibigan ni Malia, ‘Maam sigurado po ba kayo na pupunta kayo Kay Dali, ‘Oo kuya wag gusto ko sana mag Sorry Daan mo sa flower shop.
Dumaan kami sa flower shop at dumiretso sa cemetery,
Kuya saan dto Yung puntod, ‘Deretso lang ma'am pag may Nakita kayo na mga magkaka barkada na nakatambay dun mismo Yun,
Agad Akong tumakbo para Makita, nagulat Ako sa Nakita ko, dahil Ang mga kaibigan ko inaalagaan Ang puntod ko Hindi ko mapigilan umiyak habang nakatago sa Puno pinanood ko Sila at pinakinggan Ang mga usapan nila,
“Dali alam mo umiwas kami sa away Ngayon Kasi Sabi mo Diba ayaw Mona na makipag away Tayo Ang lungkot lungkot Namin palagi Wala na kami Kasama mag cutting class Wala nang nag sasaway Sakin na mag diet Ako Wala nang nagagalit samin sa tuwing nag aaway kami, ‘Oo nga Dali miss kana namin Wala na kami Kasama tumambay alam mo Yung school natin dumadami nambubully Kasi Wala kana Sayo lang Naman takot mga kaklase natin eh, Wala nang mag papatino sa kanila namimiss na Namin pag pingot mo sa tenga Namin miss na Namin Yung pag papatawa mo pag malungkot kami bakit kaba Kasi namatay Hindi namin maaway Yung gumawa Sayo nito Kasi baka multuhin mo kami eh mag paramdam ka Naman kahit sa panaginip lang, sobra na kaming malulungkot dto tingnan mo si kulangot umiiyak nanaman, ‘Hoy Hindi ah Hindi Ako umiiyak napuwing lang Ako, ‘Napuwing daw tingnan mo nga Yung ilong mo kamatis na,
•••
Hindi ko mapigilan umiyak dahil nakikita ko si kulangot si chubs at si usok na umiiyak,
‘Malia ayus ka lang ba, mga kaibigan moba Sila, ‘Oo kaibigan ko sila Nung si Dali Pako, umiiyak Sila Ngayon Kasi miss na miss na nila ko sobrang miss Kona din Sila anong gagawin ko Ngayon panonko sasabihin sa kanila, ‘Pwede mo Naman Sila maging kaibigan kahit si Malia ka ah Kilala mo Naman Sila edi iparamdam mo sa kanila na Ikaw si Dali halika lumapit Tayo, punasan mo muna yang luha mo,
Tumayo Ako at pinunasan ni Josh Ang luha ko at dahan dahan na lumapit sa kanila,
‘Sino kayo Anong Ginagawa nyo dto, wag kayong lalapit sa kaibigan namin, ‘Chubs sandali ito Yung Babae na bumangga sa sasakyan nila Dali, ‘Ano Ikaw ba Yung Malia na pumatay sa kaibigan namin, halika nga Dito bakit Buhay ka Diba gusto mo nang mamatay dapat Ikaw Yung nandito Hindi si Dali eh.
Agad na inawat ni Josh si chubs bago pa man makalapit Sakin,
Anong iniiyak mo kasalanan mo kung bakit namatay Ang kaibigan namin mag sorry ka sa kanya kung ayaw mong ilibing ka namin sa tabi nya,
Agad na lumapit si Josh at inilagay Ang bulaklak sa puntod ko, agad Naman akong lumuhod para mag sorry sa katawan ko,
Matapos Kong mag sorry tumayo Ako at lumapit Kay Chub's,
‘Chubs Sabi ko Sayo wag ka nang kakain nang junkfoods Hindi ba Ikaw kulangot bakit umiiyak ka Diba Sabi ko ayoko nang iyakin at Ikaw usok nag yoyosi ka nanaman gusto mo bang pakain ko yan Sayo nag cutting nanaman kayo para tumambay, natahimik Ang mga kaibigan ko sa sinabi ko, at agad Akong umalis,
“Sandali tinawag nyakong Chub's pano nya nalaman na ayaw ni Dali na kumakain Ako nangjunkfood, ‘Oo nga tinawag nyakong kulangot Tayo lang nakaka alam nang tawag Sakin ni Dali, ‘Sinabi nya ba na papakain nya Sakin Yung yosi ko si Dali lang nag Sabi Sakin non,
Naglakad kayo palayo at Maya Maya pa ay tinawag Ako ni Chub's,
‘Hoy sa tambayan mag dala ka nang paburito Namin,
Agad Akong napahinto sa sinabi ni Chub's at nag lakad pabalik sa kotse,
‘Malia ayus kalang ba? ‘Oo Josh tingin ko may idea na si Chub's sa kanilang tatlo si Chub's Ang pinaka matalino, pag pumunta ko sa tambayan Namin sigurado Ako maniniwala Sila na Buhay si Dali mong gagawin ko, ‘Alam mo Malia sunduin mo Ang puso mo miss Mona Sila Hindi ba kita ko Naman na totoo mo Silang kaibigan at Hindi ka nila ipapahamak, ‘Thankyou Josh ah pag iisipan Kong mabuti Ang sinabi mo,