CHAPTER#2 :
AARA'S POV
Mabilis ko'ng inilagay sa bag ko ang kuwaderno ko'ng ginamit sa pagsusulat, Kasalukuyan ko'ng sinusulat ang nobela'ng ini-utos sa 'kin ng guro ko sa English.
Nandito ako sa library dahil gusto ko ng tahimik na lugar, Wala kasi ako'ng maisip na plot ng storya kapag maingay ang paligid.
Napabuntog hininga na lang ako at tumayo. Alas kwatro y media pa lang ng hapon pero makulimlim na ang langit.
Hindi kaya't uulan nanaman o di kaya ay masama ang panahon ngayon? Bakit naman kaya..
Tinahak ko ang daan palabas ng university, Napabuntog hininga mu'na ako bago sumakay ng kotse ko.
Kaunting mga studyante na lang ang nandirito.
"O' nandyan ka na pala, mu'kang pagod ka ah." Ngumiti lang ako ng pilit kay Manang at pabagsak na naupo sa sofa.
"Sina Mommy po?" Tanong ko, Inilibot ko ang paningin ko at nag tipa sa cellphone.
"Sweetie, I'm sorry. Hindi nakapag paalam sa'yo sina Mommy. May business trip kase kami at bukas pa ang uwi namin."
"By the way, Don't forget to take a bath first before you go to sleep hah? Kumain ka 'rin ng madami at lalong lalo ng wag kang mag papalipas ng gutom. Masama 'yan para sa'yo. I love you."
Napangiti ako at nakangiting tumayo, Tinungo ko ang kusina para makapag hapunan na.
"Mukang mapapaaga ang paghahapunan mo ngayon ah?" Natawa ako ng mahina at naupo.
"Wala naman po ako'ng masyadong gagawin, Aayusin ko na lang ang pagkakasulat ng nobela'ng isinusulat ko." Nakangiting wika ko.
"Ga'noon ba, O' s'ya sige. Kumain ka na d'yan, Magpakabusog ka hah?!"
"Manang sabayan n'yo na ho ako." Umiling sya, "Madami pa ako'ng gagawin iha e, Sa susunod na lang." Humalik sya sa noo ko, Sinundan ko pa'ng naglakad ito palayo.
Tulalang inilagay ko ang dalawang kamay ko sa lamesa at tinitigan ang plato ko'ng may lamang dalawang fried chicken at kaunting kanin.
Dinampot ko ang isa at nakangusong pinaikot ikot ito, Hawak ko ang ibaba nya bago ito isubo.
Napatango tango pa ako at tinapos ang pagkain ko, Matapos ko ay inilagay ko sa lababo ang plato ko.
"Manang tapos na ho ako!! Sa taas lang po ako hah." Sigaw ko.
"Ang tao ay gaya ng bituin,
Mahirap sila'ng abutin, kapag ang lalaki ay yayamanin."
"Ka'gaya natin, Mayaman ka't mahirap lamang ako. May gusto ako sa'yo ngunit iba ang gusto, Pumantay ka sa babaeng kapantay mo."
Itiniklop ko ang notebook ko matapos ko'ng mag tipa, Taimtim ko'ng tinitignan ang mga bituin na natatanaw ko mula sa labas ng bintana ng kwarto ko.
"Tama nga naman ang isinulat ko, Hindi ko maabot abot ang bituin ga'noon rin ang lalaking aki'ng mamahalin."
"Mataas at matayog s'ya samantalang ako ay isa lang mababa'ng Princessa."
Natawa ako sa aking ibinigkas.
Ni hindi ko nga naranasang mag mahal, Isa lamang ako'ng ordinaryong babae. Ordinaryo nga lang ba kung gayo'ng may tinatago ako'ng hindi dapat malaman ng iba..
Napatingin ako sa kamay ko, Sinunod ko ang dibdib ko. Isa'ng markang nag uugnay sa kapangyarihan ko.
"Shit." Mura ko ng mahulog ko ang hawak ko'ng bolang papel.
Mabilis ko ito'ng pinulot at itinapon sa basurahan.
Napabuntog hininga na lang ako at sinara ang kurtina sa kwarto ko.
Matapos ko'ng ilagay sa ayos ang mga gamit ko, Magulo at sobrang kalat ng kwarto ko. Madaming papel ang nagkalat, Ganyan ako everytime na nagsusulat ako.
I don't know why i enjoy writing stories, Ang alam ko lang ay doon ako masaya.
Nahiga ako sa malambot ko'ng kama at bahagyang tumitig sa kisame hanggang sa tuluyan na ako'ng lamunin ng dilim.
DRAKE YUHAN'S POV
"Your late." Napatingin ako kay Maxine. Napapakamot ulo ako'ng umayos ng tayo at hinarap sila'ng lahat.
"Let's go." Malamig na saad ni Zein.
Tumango na lang ako at sinimulang mag lakad, Palabas kami ng akademya.
Sa labas ng akademya lang kami maaring gumawa ng portal, May permission din kami kay HM kaya't malaya kami'ng makalabas.
"Here's our permission paper." Inabot ni Allyziana sa mga guard ng akademya ang labing anim na permission paper.
Kusang bumukas ang ginintuang harang ng akademya, Lumabas kami roon at sumalubong sa 'min ang malamig at malakas na simo'y ng hangin.
"Ho, Ngayon na lang ulit ako nakalabas ng akademya." Wika ni Mark.
"Tss, Palibhasa ay tamad ka'ng lumabas dahil ayaw mo'ng makita ang Tita mo'ng ubod ng sungit." Wika ni Ace.
"Tss, Shut up! Let's go." Napalunok na lang ako sa lamig ng boses ni Leander, Wala na talagang pinagbago ang isa'ng ito. Kahit pa kapatid ko s'ya ay hindi pa rin ako masanay sanay sa lamig ng boses nya.
"Let's go, Mga uumaga na sa kanila." Wika ni Zee. Tumango na lang kami, Gumawa ako ng portal gaya ng utos ni Olivia.
"Woah! Nakakahilo 'yun ah, Kahit kailan talaga ay hindi pa rin ako masanay sanay." Sabay sabay sila'ng dumuwal, Napaiwas tingin na lang ako at inilibot ang paningin ko sa paligid.
Ngayon ko lang napagtanto na sa gubat pala kami dumaan.
"Tapos na ba kayo n'yan?" Tanong ko.
"Tara na at ng makapag hanap na tayo ng pansamantalang titirahan, Pagod na 'rin ako." Wika ko pa.
"T-tara na." Sambit ni Akesha at nauna ng maglakad.
"Alam mo ba kung saan ka pupunta?" Tanong ni Han'z sa kanya.
"H-hindi." Napakamot ito sa batok at humilot sa sintido.
"Saan naman tayo pupunta nito?" Sh*t! Napahawak ako sa dibdib ko, Why do i feel this way? May masamang nangyayari ba? Bakit ang lakas nya?
"Drake, Is there something wrong?" Tanong nila. Gusto ko'ng sabihin sa kanila pero hindi ko maibuka ang bibig ko.
"W-wala." Napailing ako at inilibot ang paningin ko, Nahihilo ako at umiikot ang paningin ko.
"Drake, Okay ka lang ba talaga?" Hinawakan ako sa balikat ni Maxine, Na'saan na ang malakas na enerhiya?
"Y-yes, O-okay lang ako..Tara na, Malapit ng sumapit ang umaga." Tumango na lang sila, Ano 'yun? B-bakit ko 'yun nararamdaman?
Hindi kaya't nasa paligid lang ang Princessa? Ga'noon ba talaga s'ya kalakas? O sadyang ang Dark Queen lang 'yon at nandirito s'ya.
Fuck! Hindi puwede iyon!!
"Kuya Alexis, Wala ka ba'ng nararamdamang kahit na ano?" Tanong ko kay Kuya. Nangunot ang noo nito at takang tinignan ako.
"Wala naman, Bakit mo na tanong?" Umiling ako.
"Wala."
"Bro, Kung ano ano nanaman ya'ng nararamdaman mo hah." Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa kalsada.
"Ho, Ang layo pala ng linakad natin." Hingal na wika ni Athena.
"Tss, Kung ginamit n'yo sana ang utak n'yo edi hindi kayo mapapagod." Napatalon ako sa gulat ng nakapamulsang sumulpot si Maxine, Saan naman sila galing?
"Ginamit n'yo ba utak n'yo? Ano'ng silbi ng kapangyarihan n'yo kung hindi n'yo lang rin namang gagamitin." Dagdag nya, Napailing na lang ako at napakamot sa ulo.
"Hehehe, Sorry.."