Nandito na nga ako ngayon sa loob ng opisina, parang na tulog lang kami at uminom doon sa La Union hindi ko akalain na malalasing ako sa wine. Noong una okay lang. Nasa huli pala ang tama. “Andrea, nandyan na ba si big boss? May kailangan kasi dito na pirmahan niya, mga documents.” Naputol ang pagmumuni-muni ko ng kumatok si Michelle at labas ang ulo na sumilip sa maliit na bukas ng pintuan nitong opisina. “Wala pa, kanina pa nga ‘e. Wala kasi siyang schedule ngayon.” Sagot ko sa sekretarya ni Mr. Smith na tumango-tango lang sabay sinarado ng pinto. Kanina pa nga, wala pa rin ang asawa ko, baka na turn-off na sa akin, hindi ko din alam kung ano ang mga pinagsasabi ko kahapon. Basta paggising ko na lang hubo't-hubad na ako at nakapatong sa cherry ko ang kamay ni Damon. Pinakiramdaman

