“Anak, gusto ka raw makausap ni Mrs. Walton. Hindi ako nakapag dahilan, hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko ‘e.” Kumakamot sa batok na sabi ni tatay sa akin. Kinakabahan man ay tumango na lang ako. Katatapos ko lang maligo at mag-almusal. Ihahatid ko na sana si Aria sa school bago ako pumunta sa palengke. “Ikaw na lang po ba tatay ang maghahatid kay Aria sa school?.” “Sige anak, balitaan mo na lang ako sa magiging pag-uusap ninyo ni Mrs. Walton.” “Sige po, kumain na pala si Aria. Magbibihis na lang ‘yon. Pakitingnan maigi ang medyas niya tay, alam mo naman yung mahilig mag marunong kahit tagilid ang pagkakasuot.” Natatawa na sabi ko sa aking ama sabay balik ko sa aking silid. Nagpalit ako ng pang-itaas na damit. Blouse na fitted sa katawan at ragged na jeans lang ang sinu

