“Ang sarap! Salamat Desmond.” Nakangiti at halatang tuwang-tuwa na sabi ni Eva habang kumakain. “Sumakit ang braso ko kakapisil nung Chef Rea na yun ‘e. Tapos sa asawa mo pa na walang bayag ka nagpapasalamat?.” “Manahimik ka Hector, baka ipalunok ko sayo ang dila mo. Alam mo na ayaw ko ng ganyan na mga salita.” Lihim ako na napangiti dahil kahit papano ay pinagtanggol pa rin ako si Eva. Kaya't silang dalawa ngayon ang nagtatalo. “Ikaw nga nagagalit na ginaganun ako ng ibang tao ‘e, syempre ako nagagalit din kapag ginanun ang asawa ko.” Katwiran ni Eva kay Hector, umiwas ako ng tingin sa lalaki na masama ang titig sa akin. Alam ko naman, deserved ko naman ang ganitong treatment dahil nga naging pabaya ako at uto-uto. “I'm sorry, nilamon ako ng ambisyon ko. Dahil nga matagal akon

