“Sinong nakakita? Well, Oo doon ako nagwowork. Hindi ba ang sabi mo ay walang bakante sa mga restaurants mo? Hindi ko din naman akalain na same kami ng building.” Nanatili akong nakapikit habang nagsasalita para hindi niya mahalata na kinakabahan ako. Dasal ko na sana makalusot ang malamya na pagdadahilan ko. “Ewan ko Eva, ano na lang sasabihin ng mga kaibigan ko sa akin? Di kita kayang buhayin?.” “Bakit, Desmond? Pinakilala mo ba ako bilang asawa mo sa ibang tao? Tatlong kaibigan mo lang, hindi mo kayang patahimikin ang bibig? Very supportive naman sila sa lahat ng ginagawa mo hindi ba? So bakit parang problemado ka ngayon? Don't worry, single mom ako sa labas ng bahay na ‘to. Kahit magka-salubong tayo hindi kita papansinin, para hindi naman nakakahiya sayo.” Hindi na umimik pa ang

