“Nagustuhan mo po ba ang bagong shielter mother Heide?.” Tanong ko sa matandang madre na tumango sa akin habang naluluha ang kanyang mga mata. Napakalawak ng bagong tirahan ng mga matatanda. Inabot ng halos isang taon ang pagpapagawa bago natapos. Ngayon nga ay kabuwanan ko na sa panganay na anak kong si Desmond. Lalaki ang panganay namin ayon sa ultrasound, hinihintay ko na lang na lumabas ito. “Napakaganda ng bagong shielter anak, kahit sa pangarap hindi ko naisip na magkakaroon kami ng ganito kaganda na tirahan.” Madamdamin na sabi ng matandang madre. Ngumiti lang ako ng yumakap ito sa akin at hinanap ng mga mata mata ko ang aking asawa na nakikipag-usap pa rin sa matandang lalaki na kausap niya dati pa. “Alam mo ba, si Damon lang ang kinakausap ng matandang yan? Napakachossy

