Nagising ako na sumasakit ang aking tiyan, parang nadudumi ako na hindi ko maintindihan. Pagtingin ko sa taas ay umaga na pala at lampas alas singko na. Tatawagin ko sana si Damon para sana magpa-alalay, pero nakahiga pa pala ito sa sofa at mukhang nahihimbing pa. Inikot ko ang aking paningin, wala na din si mommy, marahil ay naka-uwi na din dahil wala ngang kasama si lolo sa bahay. Napansin ko sa gilid at bandang duko ng silid ang mommy ni Damon, gising na pala at karga si Desmond habang sinasayaw nito. “Damian, gisingin mo na si Rea. Mukhang nagugutom na ang apo mo, panay sipsip na sa kanyang kamay oh!.” “Kanina ko pa ginigising, ayaw nga magising ng anak mo. Ganyan yan noon after mag board exam, naaalala mo? Ayaw niyang bumangon kapag masyadong ginagamit ang brain cells.” Para

