“Mom, hindi pa ba kayo uuwi?.” Tanong ko sa aking ina na mukhang libang na libang makipag-usap kay Andrea, nagtataka ako kung saan nagkakilala ang dalawang babae na ‘to. Hindi naman mahilig lumabas si mom, same with Andrea. “Anak, pabayaan mo ang mommy mo, halika at uminom muna tayo, may mga alak ka ba d’yan? Para matunawan ako, masarap magluto ang sekretarya mo, ganyan ang mga babae anak na ina-asawa, marunong sa kusina.” Napa-iling na lang ako sa sinabi ng aking ama, si mommy marunong naman sa kusina, pero mga basic na lutuin lang ang alam. More on bake talaga si mommy. “Nalaman ko kay Rico na may pinapahanap ka daw na tao, bakit?.” Parang gusto ko sakalin ang aking kaibigan dahil sa kadaldalan. “Kung init lang ng katawan ang nararamdaman mo, iligo mo lang yan. Kilala mo kami ng

