Hindi ko alam kung paano ako magpapakilala kay Andrea. Siya ang nawawala kong anak, siya ang bunga ng pagmamahalan namin ni Arnaldo, ang kinalakihan na ama ni Andrea. Adopted son si Arnaldo, hindi lingid sa kaalaman ng lahat. Minahal ko ang kuya ko at naging bunga ng pagmamahal na ‘yon si Andrea. Matagal akong nagtago noon sa probinsya ng Isabela, ang alam ng magulang ko ay nag-aaral lang ako doon. Kalahating kasinungalingan na hinabi ko, at kalahating katotohanan. Nag-aaral ako habang nagdadalang tao kay Andrea. Nalaman ni daddy ang lahat, matapos ko ipanganak ang bata. Pinalayas ni daddy si Arnaldo at ninakaw ng magaling na kapatid ko ang anak namin. Matagal niyang tinago ang bata sa akin. Tuwing malapit ko na mahanap ang kinaroroonan nila ay lumipat sila ng tirahan. Halos maikot

