Kinabukasan ay nakalabas na ako ospital. Nakakainis lang ang pagka OA ng asawa ko. “Ano ba Damon, buntis ako at hindi imbalido. Kaya ko maglakad.” Naiinis na sabi ko sa aking asawa. Lalabas lang ako para magpahangin sana. Diretso kasi kami ngayon sa bagong bahay daw namin mag-asawa. Maganda ang bahay, twenty minutes lang galing dito nasa work ka na. Ang pinaka nagustuhan ko dito ay may malawak na hardin. Maganda ang Village at malayo ang pagitan ng mga bahay, maraming punong kahoy at halaman na namumulaklak. Dalawang gate din ang pagda-daanan mo bago ka makapasok sa mismong kabahayan. May umiikot na sasakyan ng gwardya, sabi ni Damon ay limang beses sa isang araw. “Nagustuhan mo ba dito, baby?.” Tanong ng aking asawa habang pinipisil-pisil ang binti at paa ko. Napangiti ako dahil na

