CHAPTER 3

1027 Words
ALEX "Alex!" Pagtawag niya sa akin. "Ahm bakit?" Nahihiyang tanong ko sa kanya habang siya ay nasa likod ko. "Isuot mo ito oh para hindi ka lamigin. Baka magkasakit ka pa riyan." Pag-aalala niya sa akin. "Wag na malapit lang naman ang bahay." Pagtanggi ko sa inaalok niyang jacket. "Alex halika ka nga rito. Ayaw mo ba akong kasabay maglakad?" Sambit niya habang ipinapatong niya ang jacket sa aking mga balikat. "Ahm, Anthony hindi mo naman kailangan gawin yan eh at malapit na rin naman tayo sa bahay. Baka mamaya ikaw pa ang magkasakit ako pa ang may kasalanan kasi ako ang nagyayang maligo tayo." Muli kong pagsagot sa mga sinabi niya. "Sus, itong si baby girl ko nag-aalala." Sambit niya sa akin habang siya ay nakahakbay sa akin para hindi mahulog ang jacket na nasa balikat ko. Baby girl ang pinaka ayaw kong pangalan na itinatawag niya sa akin pero ngayon habang kami ay naglalakad parang may kakaiba. Dapat ang nararamdaman ko sa mga oras na ito ay inis dahil yun ang normal kong nararamdaman tuwing binabanggit niya ang katagang "Baby girl" pero this time I feel his sweetness and concerns. "Akin na nga. Ako na maghahawak ng jacket pasimple ka pa eh gusto mo lang naman akong hakbayan." Pagbibiro ko sa kanya para hindi niya mahalata ang nararamdaman ko. "Alam mo, the more na naiinis ka, the more na nagiging cute ka." Pagbibiro niya sa akin habang pinipisil niya ang ilong kong hindi naman masyadong matangos. "Sus, hindi mo lang sa akin sinabi yan no? Pagbibiro ko sa kanya kasabay Ng pagsiko ko sa kanya sa tagiliran niya habang nakahakbay parin siya sa akin. "Hindi ah." Sambit niya habang nakangiti at ibinabaling niya ang mga mata niya sa iba. Habang nagbibiruan kami ramdam ko ang pagnginig ng katawan niya kaya naman minabuti kong ibalik na ang jacket na pinahiram niya sa akin para hindi na siya tuluyang lamigin at baka humantong pa sa sakit. Pero huli na pala ako dahil habang papalapit kami ng papalapit sa bahay dahan dahan na rin ang pag-ubo niya. Natuyuan yata ang likod niya habang naglalakad kami. "Anthony, isuot mo to oh linalamig ka na eh. Sa bahay ka na rin maligo ha para makapag palit ka agad at para hindi lumala yang ubo mo." Pag-aalala ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin tanda ng pagsang-ayon niya sa sinabi ko. Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa bahay. Agad kong inutusan si Matthew para kumuha ng tuwalya para kay Anthony. Pagkatapos kunin ni Matthew ang tuwalya agad ko itong binigay kay Anthony para makapag banlaw na siya at para makaligo na rin ako. "Anthony, ito oh tuwalya mo. Yung sabon at shampoo nakasabit diyan sa sanga ng puno check mo nalang." Pagbibigay ko ng direksyon Kay Anthony. "Sige, salamat." Sagot niya sa akin habang nag-iigib siya ng tubig pampaligo. Agad na akong pumasok sa bahay at maligo rin upang hindi rin ako magkasakit. Pagkalipas ng mahigit tatlong pitong minuto tapos na akong maligo at magbihis. Mabilisan lang dahil lumalamig na rin at kinakailangan ko pang bigyan ng damit si Anthony. Habang naghahanap ako ng damit na maaaring isuot ni Anthony naalala ko na may binili pala akong isang pares ng damit para sa kanya. "Anthony, ito na yung damit mo oh." Sambit ko sa kanya habang inilalapag ko ang damit niya sa upuan namin sa labas na malapit sa gripo. "Sige, salamat Alex." Sagot niya sa akin habang binabalnawan niya ang katawan niya na puno ng bula ng sabon. Habang hinihintay ko sa Anthony na matapos maligo minabuti ko munang magpainit ng mainit na tubig habang inaalagaan ang kapatid ko na si Matthew dahil si inay ay namalengke para sa kakainin namin bukas. "Ate, saan kayo galing ni kuya Anthony." Pagtatanong sa akin ng kapatid ko. "Doon sa dati naming tambayan bunso." Pagsagot ko sa kapatid ko habang naka ngiti. "Ate, bakit basa kayong umuwi ni kuya Anthony." Muling pagtatanong ng kapatid ko habang hawak niya ang kanyang laruan. "Kasi si ate at kuya Anthony mo na miss maligo sa ilog kaya yun, naligo kami. Eh ikaw naligo ka na ba? Paamoy nga kilikili mo bunso. Hm, ang asim ng kilikili mo ah siguro ito ang gagamitin mamaya ni mama para sa sinigang na ulam natin. Pagbibiro ko sa kapatid ko habang siya ang kinikiliti. "Hahaha, ate tama na. Ate tama na." Sambit nito habang siya ay tuwang tuwa sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay narinig ko ang pangalan ko na tinatawag ni Anthony. "Bakit?" Pagtatanong ko sa kanya. "Alex, may nakalimutan ka yata." Nahihiyang sambit nito. "Ano?" Pagtatanong ko na may halong pagtataka. "Ahm, yung damit kasi kulang short at t-shirt lang to walang ano." Mahinang sambit nito na halata sa kanyang mga mukha na siya ay nahihiya. "Ay, oo nga pala. Hahaha, wag ka ng mag brief hindi naman halata kapag malayo ka." Pagbibiro ko sa kanya na kadahilanan para ito ay makaramdam ng inis. "Alex." Dahan dahan niyang binanggit ang pangalan ko kadahilanan ng tumawag ako ng malakas. "Eh, ano ang gagawin ko? Gusto mong hiramin brief ni Matthew? Sambit ko sa kanya habang tumatawa. "Wag na nga uulitin ko nalang yung buong damit pang-ibaba ko." Sambit nito habang nakataas ang sinusuot ang t-shirt na binigay ko sa kanya. "Sorry na, bago yang damit na yan pasalubong ko sayo." Muli kong paglalambing sa kanya para matanggal ang inis niya sa akin. "Salamat sa damit. Pero sa susunod sana complete package na may damit pang-itaas at kumpleto ang saplot pang-ibaba." Pagpaparinig nito sa akin. "Oo na, oh siya bilisan mo riyan at pinag-init kita ng mainit na tubig para sa kape mo para hindi ka lamigin." Sambit ko sa kanya habang naglalakad ako papunta sa kusina. "Alex wag na uuwi na ako agad kasi diba basa ako." Sambit nito sa akin kadahilanan para tumawa na naman ako ng palihim. "Ahm, sige ikaw bahala. Ingat ka sa pag-uwi mo ha." Pagpapaalam ko sa kanya. "Salamat ha, salamat din sa damit." Pamimilusupo nito sa akin. Habang ako naman ay tumatawa ng mahina dahil hindi pa rin mawala sa isipan ko na uuwi siyang basa ang kanyang saplot pang-ibaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD