CHAPTER 1

1000 Words
ALEX Nakatira ako ngayon dito sa dorm ng tita ko. Simula noong ako ay humantong na ng senior high school kinupkop na ako ng aking tita dito sa Manila upang dito ko na ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Noong una kinakailangan kong mag adjust sa lahat ng bagay maging sa aking kasuotan. Kailangan ko ding gumigising ng maaga hindi dahil sa malalate ako sa klase kundi dahil dapat mauna ako sa CR dahil nasa dorm ako lahat ng oras ay mahalaga. Pero finally! makakauwi na ako after two years dito sa Manila. At after this two months of vacation babalik na naman ako dito para sa next chapter ng buhay ko at yun ay ang college life. TOK!TOK!TOK! Bigla akong nakarinig ng pagkatok sa pintuan ng CR namin at kasunod nito ang pagsigaw sa akin ng tita ko "Hoy Alex! Bilisan mo diyan sa loob ng cr ang haba haba pa ng pila." Sambit ni tiya. Kaya naman agad akong nagsabon, nagshampoo at nagbalnaw ng aking katawan. Pagkatapos ng tatlong minuto natapos na rin ako sa pagligo. Sa paglabas ko bumungad agad sa akin ang mahabang pila ng mga babae. Malamang sa malamang maliligo na rin sila para sa kanya kanya nilang mga lakad. Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko napapaisip ako kung anong damit ang isusuot ko. At dahil naisipan kong sa probinsya naman ako uuwi mas pinili kong magsuot ng simpleng mga damit. Tamang pantaloon at t-shirt lang dahil mahirap magbitbit kung Ang isusuot ko ay masyadong magarbo tulad ng nakasanayan kong damit dito sa Manila. Hays nagbago lang naman ang pustora ng pananamit ko dahil sa mga kaklase ko dahil syempre lungsod dapat bawat lakad ay maayus ang pananamit at dapat ay may make up or blush on para naman maiwasan daw ang panlalait ng ibang tao. Isa rin daw ito sa nakakapagbigay ng confident sa kanila kaya naman ginaya ko na rin. At finally after two hours ng pag-iimpake at pag-aayos natapos din. "Hallah, s**t muntik ko ng maiwan itong regalo ko sa kababata ko, mabuti nalang at nakita ko bago ako umalis." Sambit ko habang bitbit ang mga bagahe ko papunta sa probinsya namin. Pagkalipas ng ilang minuto narating ko na sa wakas ang bus terminal papunta sa aming probensya. Naghihintay ako ngayon ng mga kapwa kong pasahero. Habang naghihintay at dahil Isang sakayan lang naman ang papunta sa probinsya namin, naisipan kong matulog muna upang makapag pahinga. "Alex, Alex gising na." Sambit sa akin ng isang pamilyar na boses. Pero dahil mahimbing pa ang tulog ko hindi ko siya pinansin. "Ano ba. Natutulog pa ako eh." Sambit ko sa tumatawag sa akin habang nakasandal sa bentanang salamin ng bus at habang tinatanggal ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Hanggang ng sabihin niya ang mga katagang "Alex ano ka ba nagagalit na yung conductor. Kung hindi ka pa babangon bubuhatin na kita." Sabi sa akin ng isang pamilyar na boses na agad naman naka agaw sa akin ng atensyon ko. "Eh sino ka ba? Pakialamero eh." Sambit ko sa kanya na may halong pagkainis habang inaalis ko ung muta ko at dahan dahan kong minumulat ang mga mata ko. "Ay potek!" Gulat ko sa nakita ko. "Anthony! Anthony! Ikaw na yan? Oh my gush Anthony sobrang miss na miss na kita." Sabay ng pagkagulat ko ang pagyakap ko sa kanya. Na miss ko ang presensya niya. Habang naglalakad kami papunta sa paradahan ng tricycle papunta sa amin napagtanto ko na sa hinaba haba ng biyahe namin hindi man lang ako nagising at hindi ko man lang namalayan ang paghinto ng sinasakyan kong bus. Mabuti na lang at nandito si Anthony pagkagising ko. Buti na lang talaga kundi baka pinagalitan pa ako ng bus driver. Si Anthony ang boy best friend ko simula palang ng mga bata palang kami. Siya ay matangkad siya, morino, matangos ang ilong, ang mga labi niya ay mapula at ang katawan niya ay katamtaman lang hindi siya mataba at hindi rin siya sobrang masigasig dahil laking probinsya siya sanay siya sa mga mabibigat na gawain dahilan kung bakit humulma ang katawan niya. In short gwapo at sexy siya. Kasabay ko rin siyang naglalaro noon sa putikan naalala ko pa bago siya natuli nakita ko na ang ibon niya hahahaha paano ba naman sabay kaming tumatakas noon at naliligo sa ilog na walang dalang mga damit. Buti nalang at mga bata pa kami noon wala pang malisya. Habang pinagmamasdan siya at inaalala ang mga alaala namin noong kami ay mga bata pa bigla niyang tinawag ang pangalan ko. "Alex, baby girl ano kamusta ang manila? Maganda ba? Marami bang mga buildings? Magkwento ka naman." Sunod sunod na pagtatanong niya sa akin. Kaya naman sinagot ko siya ng mahinahon dahil ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang antok ko. "Grabe no, it's been two years na hindi tayo nagkita at nagkausap ng ganito. Na miss kita baby girl." Sambit sa akin ni Anthony habang nakatingin sa malayo. "Shhhh. Ano ba yan ang drama mo. Isa pa sa two years na un naasar pa rin ako sa pagtawag mo sa akin ng baby girl." Sagot ko sa kanya ng medyo pabalang. Sa tinagal tagal ng pagsasama namin bilang isang magkaibigan hindi ako sanay sa ka dramahan niya kaya agad ko itong pinutol. Sa bawat pag tawag niya sa akin ng baby girl nakakaramdam ako ng hiya sapagkat ako ang unang tumawag sa kanya ng baby boy dahil ayoko kong magpaligaw noon sa mga nagkakagusto sa akin kaya nagpanggap ako na si Anthony ang jowa ko. Habang nagkukwentuhan kami ni Anthony hindi namin namalayan na nasa harapan na pala namin ang tricycle na sasakyan namin pauwi. At biglang naputol ang usapan namin ni Anthony ng biglang nagsalita si manong. "Ano sasakay ba kayo o magkukwentuhan nalang kayo diyan?" Sambit ni manong sa amin na may halong pagkainis sa kaniyang mga mukha. "Ay hehehe sorry naman daw po kuya. Ito na sasakay na po." Sambit ko sa kanya upang mabawasan ang tensyon na nararamdaman ni kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD