Pagpasok ng Third Year, hindi na training wheels ang tawag dito. Tunay na gera na.
First day. Assembly sa auditorium.
"Good morning Third Year. Welcome sa pinaka mahirap na taon niyo. Dito niyo malalaman kung nurse talaga kayo o hindi. ER duty. OR duty. ICU. Pedia. Psych. Lahat yan dadaanan niyo" anunsyo ni Ma'am Reyes.
Bulungan sa likod.
"Diyos ko Yuna, kinakabahan ako" bulong ni Bea.
"Ako din. Pero sabi nga ni Ma'am, dito tayo titibay" sagot ni Yuna.
Unang duty nila ER. 7pm to 7am. Night duty.
Pagpasok pa lang, maingay na. Sigaw. Iyakan. Takbo ng mga nurse.
Yuna sa isip: "Lord, gabayan mo ko."
Pinares sila ni Ma'am Reyes.
"Benitez, Delacruz. Kayo magkasama sa Trauma Bay. Obserbahan niyo lang muna. Pero pag kailangan tumulong, tutulong kayo" sabi ni Ma'am Reyes.
"Yes, Ma'am" sagot ni Yuna.
"Kasama kita" sabi ni Miguel.
"Oo. Salamat" sagot ni Yuna.
Isang oras pa lang, may dumating na ambulansya.
"20 years old, motor accident! Walang malay! BP 80 over 50!" sigaw ng paramedic.
Nagkagulo. Yung pasyente, duguan. Putol yung paa.
"IV! O2! Suction!" utos ng nurse.
"Ma'am... ano gagawin ko?" tanong ni Yuna.
"Hawak mo tong oxygen. Dito ka lang. Huwag kang titingin kung mahihilo ka" sabi ni Miguel.
"Kaya ko" sagot ni Yuna.
Pinipilit ni Yuna na hindi umiyak. Hawak niya yung oxygen mask. Nanginginig yung kamay niya.
Yung doktor sumigaw.
"We lost him! Time of death 8:42pm!" sigaw ng doktor.
Tahimik. Tapos iyak ng pamilya sa labas.
Paglabas ni Yuna, sumuka siya sa CR.
"Yuna! Okay ka lang?" tanong ni Bea.
"Bea, kaedad ko lang siya. 20 lang siya" sabi ni Yuna habang umiiyak.
"Alam ko. Pero kailangan natin maging matatag" sagot ni Bea.
"Inom ka tubig. Huminga ka. Normal lang yan. Lahat tayo dumaan dyan" sabi ni Miguel.
Tumango si Yuna. Pinunasan niya yung mukha. Bumalik siya sa duty.
4am. Tahimik na yung ER. May isang matandang lalaki. Lasing. May sugat sa ulo.
"Apo, pahingi ng tubig" sabi ng matanda.
"Opo Lolo. Dahan-dahan" sagot ni Yuna.
"Salamat apo. Ikaw ba nurse?" tanong ng matanda.
"Student pa lang po" sagot ni Yuna.
"Magaling ka. Mabait ka" sabi ng matanda.
Ngumiti si Yuna. Sa gitna ng gulo, may isang salamat na nakapagpagaan.
Pag-uwi, 8am na. Tulog siya buong araw.
"Anak, kumusta?" tanong ni Lola.
"Lola... ang hirap po sa ER" sagot ni Yuna.
"Alam ko apo. Pero proud ako sayo. Kumain ka muna" sabi ni Lola.
Isang linggo ang lumipas. Sanay na si Yuna sa dugo. Sanay na sa sigaw.
Pero hindi siya sanay sa lungkot.
Isang gabi sa Pedia Ward. May bata. 6 years old. Leukemia. Si Aya.
"Ate nurse, pwede ba ko makalabas? Gusto ko maglaro sa park" tanong ni Aya.
"Aya, pag gumaling ka ha? Pangako ko dadalhan kita ng laruan" pangako ni Yuna.
"Talaga? Pink ha?" tanong ng bata.
"Oo. Pink" sagot ni Yuna.
Kinabukasan, wala na si Aya.
"Ma'am... nasan si Aya?" tanong ni Yuna.
"Pumanaw kagabi" sagot ng nurse.
Umupo si Yuna sa tabi ng kama. Wala na yung laruan na binili niya.
"Yuna" tawag ni Miguel.
"Bakit ganun Miguel? Bakit bata pa?" tanong ni Yuna.
"Hindi natin alam. Pero tandaan mo yung pangako mo. Para sa susunod na bata, tuparin mo" sagot ni Miguel.
Umuwi si Yuna na may dalang pink na teddy bear. Ibinigay niya sa kapatid ni Aya.
"Salamat po ate" sabi ng kapatid ni Aya.
Doon nagsimulang lumapit si Miguel kay Yuna.
Isang gabi sa break room.
"Ikaw yung pinaka tahimik dito. Pero ikaw yung pinaka may malasakit" sabi ni Miguel.
"Ha?" gulat na tanong ni Yuna.
"Napapansin kita. Kahit pagod ka, ngumingiti ka pa rin sa pasyente" paliwanag ni Miguel.
"Kailangan nila yun" sagot ni Yuna.
"Ikaw? Sino nag-aalaga sayo?" tanong ni Miguel.
"...Si Lola. At si Bea" sagot ni Yuna.
"Sige. Ako na rin" sabi ni Miguel.
Ngumiti lang si Yuna. Hindi sumagot.
Midterms. Bagsak si Yuna sa OR.
"Benitez, 70 ka. Ano nangyari?" tanong ni Ma'am Reyes.
"Ma'am, nahihilo po ko sa amoy ng dugo sa loob" paliwanag ni Yuna.
"Hindi pwede yun. Nurse ka. Kailangan masanay ka" sabi ni Ma'am Reyes.
"Opo. Magre-review po ko" sagot ni Yuna.
Isang buwan siyang nagpupuyat. Si Miguel, binibigyan siya ng notes ulit.
"Eto. Mga tanong na madalas lumabas" abot ni Miguel.
"Salamat. Bakit ang bait mo?" tanong ni Yuna.
"Kasi deserve mo pumasa" sagot ni Miguel.
"...Salamat" sabi ni Yuna.
Retake. 88 si Yuna.
"Good. Yan ang gusto ko" sabi ni Ma'am Reyes.
December. May letter galing kay Mama. Binuksan ni Yuna sa harap ni Lola.
"Anak, may good news. Uuwi na ko sa June. Contract ko tapos na. Magkakasama na ulit tayo. Magtiis ka pa ng kaunti. Mahal na mahal kita" basa ni Yuna.
Napahagulgol si Yuna.
"Aba! Talaga? Uuwi na si Lorna!" sigaw ni Lola.
"Lola, totoo po ba to?" tanong ni Yuna.
"Totoo apo. Dasal natin yan" sagot ni Lola.
Lumakas lalo si Yuna nung nalaman niya yun.
Finals ng Third Year. ICU duty. 24 hours. Walang tulog.
May pasyente si Yuna. Si Mang Tonyo. 60 years old. Heart attack.
"Nurse... masakit dibdib ko" sabi ni Mang Tonyo.
"Kuya, tawag ako ng doktor ha? Kapit lang" sabi ni Yuna.
Tinakbo ni Yuna yung doktor. Naagapan. Nabuhay si Mang Tonyo.
Paglabas, niyakap siya ni Ma'am Reyes.
"Benitez. Proud ako sayo. Naging nurse ka na ngayon" sabi ni Ma'am Reyes.
"Salamat po, Ma'am" sagot ni Yuna.
Last day ng Third Year.
"Tapos na! Third Year tapos na! Isang taon na lang!" sigaw ni Bea.
"Oo nga. Board exam na next" sagot ni Yuna.
"Yuna" tawag ni Miguel.
"Oo?" tanong ni Yuna.
"Ingat ka sa bakasyon. At... proud ako sayo" sabi ni Miguel.
"Salamat Miguel. Ikaw din" sagot ni Yuna.
Pag-uwi, may handa si Lola. Pansit. Lechon manok.
"Para sa Third Year graduate" sabi ni Lola.
"Lola, malapit na. June. Uuwi na si Mama" sabi ni Yuna.
"Oo nga. Kaya lalo tayong magsisikap" sagot ni Lola.
Gabi na. Binuksan ni Yuna yung notebook niya. Dinagdagan niya ulit.
"Para kay Mama na uuwi na. Para kay Lola na hindi sumuko. Para kay Aya. Para kay Mang Tonyo. Para sa sarili ko na hindi bumitaw."
Isinara niya.
Yuna sa isip: "Third Year. Pinaka mahirap. Pinaka masakit. Pero dito ko natutunan na hindi lang kamay ang kailangan ng nurse. Puso din."
At natulog siya. Pagod. Pero may ngiti.