Pagkarating namin sa condo ko ay humagulgol ako ng sobra. I hugged Isaac too tight and he didn't say anything. Niyakap lang niya ako ng mahigpit habang paulit-ulit na hinahalikan sa noo. "Look at me," dahan-dahan na sambit niya kalaunan saka maingat na hinawakan ang dalawang pisngi ko para tingnan ako sa mga mata. He caressed my slapped cheek before sighing hard. "D*mn," umiigting ang pangang sambit niya kaya dahan-dahan akong napalunok saka lumayo ng kaunti. "I'm tired," mahinang sabi ko at dahan-dahan na akong pumasok sa kwarto at sumunod naman siya. Umupo siya sa kama saka dahan-dahan niya akong hinila paupo sa mga hita niya. Kagat labi ko siyang tiningnan kasi nahihiya ako dahil nakita niya pa kung paano ako tratuhin ni Daddy at ni Tita Kristina. Hindi na niya dapat nakita iyon.

