Chapter 54 Aliyah Veda Gonzales MATAPOS akong magbihis, sinubukan ko pa ring humabol. Lumabas ako ng mansiyon sakto nang makita ko si Johan sa driveway, papasakay na sa sports car niya. Mabilis ang kilos niya, diretso, parang may hinahabol na oras, o iniiwasan. “Johan,” tawag ko, pilit na steady ang boses. “Sabay na sana ako—” Hindi pa man ako tapos magsalita, umiling na siya agad. “Magpahatid ka na lang kay Kuya Renato,” sabi niya, hindi man lang lumilingon. “Didiretso ako sa planta. May naghihintay sa ’kin doon. Ayokong pabalik-balik.” Ayokong pabalik-balik. Nakaraang araw, kahit pabalik–balik siya okay lang. May quickie pang nagaganap sa amin sa sasakyan niya. Tumango na lang ako kahit masakit sa loob. Kahit ilang minuto lang ang nakaraan, narinig ko pa kay Lola Carmelita na pu

