Prologue

944 Words
Prologue Aliyah Veda Gonzales "ARE you hurt, Mister?" tanong ni Jaxx, seryoso ang tono. Kung paano magsalita ang batang iyon, parang matanda. Umiling si Johan, pilit na ngumiti. "Hindi naman. Gasgas lang ito." Tapos tinuro niya ang dibdib niya, sa mismong tapat ng puso. "Pero ito... ito yata 'yung masakit." Namilog ang mata ng anak ko. "You have heart pain?" tanong niya agad, parang nakuryos. "My Mama can heal hearts. She's a heart doctor." Mahinang tawa ang sagot ni Johan. "A heart doctor, huh? You think she can fix a broken heart?" Mabilis na tumango si Jaxx, parang sigurado. "Yes! Because when my heart hurts, Mama sings to me a lullaby. Then I feel better." Napangiti si Johan. “Then maybe...she can sing me a lullaby too." "Of course!" sagot agad ni Jaxx. "My Mama's voice can heal. She told me, even if the world is bad, I should still be kind." Dahil sa sinabi niya para akong tinamaan. Pero ang sunod na sinabi ni Jax ay hindi ako handa. "Mr., alam mo ba?" Sumeryoso bigla si Jaxx, parang nag-isip muna bago nagsalita. "I'm broke too... because I don't have a Papa." Nakita kong napatigil si Johan. Ang mga mata niya, biglang namasa. "Where's your Papa?" tanong niya, halos pabulong. Nagkibit-balikat si Jaxx. "He left us. Mama said... he didn't love us enough to stay." Huminga nang malalim si Jaxx, saka tumingin sa kanya nang diretso. "But it's okay....because Mama loves me twice as much." Parang gusto kong tumakbo sa kinaroroonan nila at yakapin ang anak ko. Pero hindi ko magawa. Parang may nakapako sa mga paa ko. Tahimik lang si Johan, nakatitig sa anak namin. Hanggang sa muling nagsalita ulit si Jaxx. "You look like my Papa, Mister." Ngumiti siya, 'yung tipong inosente pero matalim. "I saw your face in a big painting sa mansiyon ng mga Santibañez. Ang sabi ni Nanay Dolor ikaw daw ang Papa ko. Why did you leave Mama? Hindi mo ba mahal ang mama ko? Hindi mo ba ako mahal?" Halos malaglag ang puso ko. Gusto kong awatin ang anak ko na tama na, pero wala akong boses. Si Johan, natulala na lang sa sinabi ng bata. "I didn't mean to leave.... I—" Pero pinutol siya ni Jaxx. "You're bad, Mr." Diretso niyang sabi, walang pag-aalinlangan. "Sinaktan mo ang Mama ko. Madam Claudia said you didn't choose her because you don't love her. That's why she always cries when she thinks I'm asleep." Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Tahimik lang, pero ramdam ko ang punit sa dibdib ko. Nakatingin lang si Johan sa bata, nanginginig ang baba. Tila gusto niyang yakapan ito, pero natatakot. At sa unang pagkakataon, nakita kong hindi na siya 'yung lalaking iniwan ako, kundi isang lalaking pinaparusahan ng sarili niyang puso. "Do you still love my Mama?" tanong ni Jaxx, walang filter, wala man lang takot. Natahimik si Johan. Hanggang sa mahina niyang sagot, halos hindi marinig: "Every day...since the day I left." Naramdaman kong tila bumigat ang hangin sa paligid. Bawat pag-hinga ko, parang may kaluskos ng sugat na muling binubuksan. Napasandal ako sa malamig na pader, pinipigilang wag umiyak. Gusto kong tumakbo, gusto kong yakapin si Jaxx, gusto kong sigawan si Johan. Pero wala akong nagawa kundi tumingin, sa dalawang pusong parehong sugatan, na ngayon lang muling nagtagpo. Inabot niya ang maliit na kamay ni Jaxx. Ramdam ko kahit malayo — nanginginig ang mga daliri niyang iyon. "I just. ..I just want to make things right," mahina niyang sabi. "Gusto kong bawiin lahat ng pagkukulang ko." Tumingin lang si Jaxx, walang ngiti, walang kislap sa mga mata. Para siyang matandang kaluluwang nakatira sa katawan ng walong taong gulang na bata. Umiling siya. "No." Tuyo ang boses, pero may bigat sa hinanakit. "No, I don't need a Papa anymore." Napatigil si Johan. "Jaxx..." "Sanay na akong wala ka," tuloy ng bata, mabagal, bawat salita parang kutsilyo. "Lumaki akong walang Papa. Kapag inaaway ako ng mga bata sa school, wala akong tatay na kakampi ko. Kapag sinasabihan nila akong 'wala kang Papa', tumatawa lang ako... pero pag-uwi ko sa bahay, umiiyak ako sa unan ko, tahimik lang, para hindi ako marinig ni Mama. Dahil ayoko masaktan pa siya lalo dahil sa akin." Kumunot ang noo ni Johan, nangingilid na ang luha. Pero hindi pa tapos si Jaxx magsalita. "Kahit nasasaktan ako, I don't cry in front of them. I just stand there and smile...kasi sabi ni Mama, brave boys don't run away." Huminga siya nang malalim, saka tumingin diretso sa mga mata ni Johan. "But you know what, Mister? Being brave hurts so much." Parang may sumabog sa loob ko sa mga salitang 'yon. Hindi ko alam na sobrang nasasaktan ang anak ko. Pinilit kong pigilan ang hikbi, pero wala na. Hindi ko kayang ang mga salita ng aking anak. "You weren't there when I was sad," mahinang sabi pa ni Jaxx. "And you weren't there when I was happy. You missed everything — my first drawing, my first medal, my first time riding a bike. Lahat. Wala ka." Bumaba ang tingin ng bata, nilaro ang kanyang mga daliri. "My Mama was there. Always. Even when she's tired, even when she cries alone at night. So... no, Mister. I don't need you now. You're too late." Napaupo si Johan, parang pinutol ang hininga niya. Tahimik lang siya. Luha na lang ang bumagsak sa mga sugat sa pisngi niya. Ako nanatiling, nakasandal pa rin sa pader, nanginginig at nasasktan. Gusto kong yakapin ang anak kong pinilit maging matapang sa mundong hindi marunong umintindi. At gusto kong sigawan ang lalaking ngayon lang naramdaman kung gaano kalalim ang sugat na iniwan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD