Chapter 68 Aliyah Veda Gonzales HANGGANG sa paghatid ni David sa condo, hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko. Parang may sumusunod. Hindi ko makita, pero ramdam ko. 'Yung presensiyang hindi mo kailangang makita para malaman na nariyan. Every turn, every stoplight, parang may matang nakadikit sa likod ko. I tried to shake it off, pero mas lalong kumakapit ang kaba. This is not the first time. Matagal ko na iyong nararamdaman, 'yung pakiramdam na may nakamasid. Pero sa dami ng oras ko sa hospital, sa pagod, lagi kong sinasabi sa sarili ko na imagination lang. Stress. Siguro overthinking na ako. Napansin ni David ang paninikip ng mga daliri ko. “Hey,” mahina niyang sabi, sabay hawak sa kamay ko. Ramdam ko ang pagpisil niya sa mga palad ko, steady, warm. “You’re shaking. You oka

