Chapter 37 Aliyah Veda Gonzales PAGKATAPOS ng klase ko, diretso na ako sa studio. Hindi ko na hinintay si David para sunduin ako, ayoko nang palalimin pa ang tensiyon sa pagitan nila ni Johan. I promised myself...I will stop caring about my paper husband. Tuturuan ko ang puso ko na unti-unting burahin siya. Kahit pa anong pilit ko dati...he never cared. At kung magpahalik sa ibang babae? Harap-harapan pa. As if my feelings were nothing. Pagdating ko sa building, agad pumarada ang tricycle. Pagkababa ko, napahinto ako. Nandoon ang sasakyan ni David. Expected. Pero ang makita ang sasakyan ni Johan. Nakakapagpaduda. "Seriously?" bulong ko, nanlalamig ang batok ko sa inis. "Ano na naman bang trip mo ngayon? Don't tell me manggugulo ka na naman?" Partner niya si Gillian. Bakit hindi iyon

