Chapter 29.02 Aliyah Veda Gonzales APAT na oras akong nakaupo, nakapikit, inuupo, tinutwis, tinatanggalan ng kung anu-ano sa mukha at buhok ko. At nang sabihin nilang "Okay na, Veda. Tingnan mo." Hindi ako agad tumingin. Pero nang buksan ko ang mata ko at humarap sa salamin. Na shock talaga ako, halos lumaki ang mga mata ko. Parang hindi ako. Malakas akong napasinghap, hindi makapaniwala. Ang buhok ko, na dati laging nakatali at magulo, ngayon ay soft, malalambot na waves na nahuhulog sa balikat ko. May glow siya na parang tinamaan ng araw kahit indoor lang kami. 'Yung kilay ko, finally may shape. 'Yung labi ko may light tint na parang natural lang, hindi siya OA. At ang balat ko, ang linis tingnan, parang ang gaan ng mukha ko. Hindi siya heavy, hindi rin siya makapal. Pero hanep. Pa

