Chapter 20 Aliyah Veda Gonzales NANG matapos ang pag-aayos ng tent, paglalatag ng mesa, at pag-aapoy ng mga ilaw sa paligid, unti-unti nang nabuhay ang kasiyahan. May mga tumutugtog na sound system, nagsisimula nang mag-inuman ang mga tao, at ang buong sitio parang humahalo ang saya sa hangin. Gusto ko sanang lumapit kay Johan. Kahit simpleng "hi" lang. Kahit makita lang niya ako at ngitian, pero natigilan ako nang mapansin kong may dumating na grupo ng mga lalaki—mga barkada niya. Maingay, halakhakan agad, may dalang mga kahon ng alak na agad pinamigay sa mga tao. Kasama nila...mga babae. Mga magaganda. Mga nakaayos. Mga confident. Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita kong may isang babaeng lumapit kay Johan at agad siyang inakbayan. Parang sanay na sanay. Parang close sila. A

