Chapter 79 Aliyah Veda Gonzales WALA na akong sinayang na oras. Halos hindi ko na namalayan ang mga sinasabi ni Jaxx habang nagmamaneho ako. Nakatutok lang ang mga mata ko sa kalsada, pero ang isip ko, nasa lalaki pa rin. Sa mga mata niyang parang may alam na ayaw pang sabihin. I was connected to that man. Hindi lang basta kakilala niya ako. Hindi rin simpleng pagkikita lang. Malalim. Unsettling. Parang may ugat na nakabaon sa buhay namin nang hindi ko namamalayan. Mas madiin kong inapak ang silinyador. Gusto ko lang makauwi. Now. Parang mas ligtas ang mundo kapag nasa loob na kami ng bahay. Pagdating namin, hindi pa man tuluyang namamatay ang makina ng sasakyan, humarap na ako kay Jaxx. “Listen to me,” sabi ko, seryoso. “Never talk to that stranger again. Ever.” Napakunot ang n

