Chapter two

2285 Words
Chapter two KAE'S POV'S "kae ikaw ba yan?" nanlaki ang mata niya ng magharapan na kaming dalawa Parang alam ko na kung ano sya ah, boses palang parang kakaiba na eh, at ng makita ko ang leeg niya, may adam's apple sya, shet! Bakla to for sure! "teka kuya, este ate, ay ano ba, hindi kita kilala.." Ngumiti sya na parang naluluha sya, naka dress sya ng fit, sleeveless pa ang damit, matangkad na nga sya nakaheels pa sya "omg naiiyak talaga ako.." pagkasabi niyang yan niyakap niya ako "uy ano ba!" "ang tagal na kae ang tagal na.." umiiyak na ata sya kase yung boses niya nanginginig "hindi mo talaga ako nakikilala?" Nilingon ko ang buong paligid, dalawa na lang kami ang nandito sa cr, tinitigan ko rin syang mabuti, pero hindi ko talaga sya kilala eh "hindi eh pasensya na, sino ka ba?" Nag pose sya at sabay ikot sa harapan ko, ang landi ah, baklang bakla talaga, umaattitude pa, nako, maloloka ako sa baklang to, pose ng pose sa harapan ko. Mukang napagod na sya kapopose niya, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, bigla syang nalungkot "alam mo ba, ang hirap makawala sa traumang yun.." Hinayaan ko na lang syang magsalita, mukang konektado sya sa nakaraan ko, ang lakas kase ng kutob ko na magkakilala kami dahil na rin sa sinabi niya. "nagpunta akong Japan simula nung iniwan kita sa bahay niyo.." "hindi mo parin ba ako naaalala?"tanong niya ulet I smiled, dahil na rin sa sinabi niya, naalala ko na sya, naiyak ako sa tuwa " Migz ang bakla mo na talaga..." sabay niyakap kosya ng mahigpit "kae ang sama mo, nilimutan mo na ako.." "ano ka ba hindi kita nakalimutan, umiba kase itsura mo.." Kumawala kami sa pagkakayakap namin "bat ka nandito?" "bat ka rin nandito?" tanong ko rin "sinundan ko yung ex ko dito sa Canda, ang sakit kae, nung nalaman niyang transgender ako iniwan na niya ako sa Japan, nalaman ko na nasa Canada na sya kaya sinundan ko sya pero wala namang nangyare, may iba na sya, matapos ang malaking trauma nay un sa buhay ko umalis ako ng bansa dahil nabalitaan ko noon na pinaghahanap nila ang mga estudyante ng Arkon,pumunta ako ng japan, at pagpunta ko doon, eto na ang kinalabasan, nagpaayos ako ng mukha at sexchange na rin, hanggang sa nagkaboyfriend, ayun iniwan din lang tulad mo..."napatigil sya "ay sorry.." Nginitian ko sya "ano ka ba, wala na yun, okay na ako.." "sure ka sis?" "oo naman, at may asawa at anak na ako dito.." "WHAT?! Ay ang bakla mo talaga Kae, may anakis ka na? nasaan naman asawa mo?" "nasa labas, Elis pangalan, uuwi kami ngayon ng bansa.." "ako rin uuwi din ako, namimiss ko na si mudra at fader ko.." Sabay kami lumabas ni Migz "bat ang tagal mo? Akala ko na flush ka na.." nag aabang sa labas si Elis "sya ba Kae?" tanong ni Migz "Elis, kaibigan ko, si Migz.." pakilala ko sa kanya "huh?" "ah eh, Maya na lang..." Maya? Sa gabi? Jusko Migz anglandi mo na talaga, pa Maya Maya ka na lang, hay nako... Naiilang si Elis, kase nahalata niya agad na bakla ang kasama ko "mommy love daddy love, ang tagal niyo..." "sabi ni daddy diba wag kang aalis doon?" "eh tagal tagal niyo naman eh.." "aba kamukha ng ina ah.." tinititigan ni Migz, este Maya? Ano ba talaga? Migz na lang nga, yung anak ko "who is she?" tanong ni Kit "tito Migz Kit.." "what?" then tinignan niya mula ulo hanggang paa si Migz "but she's a girl mommy love?" Ay oo nga pala, hay nako ang tanga ko talaga pano ba kase mag explain sa batang makulit na to, for sure magtatanong to ng magtatanong eh. "hon, ibalik mo na dun si Kit.." sabi k okay Elis, mamaya na ako mage explain kay Kit, masyadong madaldal ang anak ko kapag ganitong bagay na hindi niya naiintindihan "sus, Kae ah, ang pogi ng asawa, infairness.. lumilevel kay jairus..." Jairus nanaman, narrinig ko nanaman ang pangalan niya "oh bakit? diba move on ka na? bat ang tahimik mo?" "napagod lang siguro, tara na dun.." Nag hintay lang kami ng ilang minuto at ayan na, pinapasakay na ang lahat ng pasahero sa eroplano, si Kit naman nag explain na ako na gay si tito migz niya pero makulit parin "mommy love, kapag big na ako magiging gaya din ako ni tita Maya?" Halla? "no anak, iba si tita Maya, stop asking na lang anak, sasakay na tayo sa airplane oh.." Pinalayo ko muna si Migz sa amin, kase si Kit tanong ng tanong tungkol sa kanya, hirap mag explain sa bata grabe, hay nako naman. ********* Oras na lang bibilangin bago kami makarating ng bansa Mga katabi ko tulog na, habang ako nakatanaw sa bintana ng eroplano. Naiisip ko parin ang mga nangyare noon, lalo na at uuwi ako ng bansa ko, winawala ko na lang lahat ng naiisip ko sa pamamagitan ng mag ama ko, kapag tinitignan ko sila Kahit papano, nawawala ang lungkot ko. AFTER HOW MANY HOURS..... Halos mag iisang araw rin ang byahe, grabe ang tagal, at heto na nga, malapit nang lumapag ang eroplano Nararamdaman ko na parang ginigiling ang binutka ko sa pagbaba ng eroplano "YEHEY!!! YEHEY!!!" "Kit upo, wag ka magulo.." "mommy love Philippines na to?"  "yes baby.." At tuluyan na ngang lumapag ang eroplano, natuwa ako pagkababa palang namin ng eroplano, iba ang hangin sa pinas, iba talaga kapag nasa totoong bansa mo na. Kinuha na ni elis ang mga bagahe namin, habang buhat buhat ko si Kit, lumapit naman sa amin si Migz "pano bay an Kae mag hihiwalay nanaman tayo.." "tita Maya saan ka punta?" Para hindi mailto si Kit, pinakilala na lang namin si Migz bilang babae, total bata pa naman sya, hayaan na "uwi na si tita baby.." "saan ka ba uuwi?" "sa **** pa ako.." "kami sa **** pa" "medyo malapit lang naman tayo hahaha, text text na lang Kae ha.." "teka sandali lang, punta ka sa amin bukas ng gabi, dun ka na lang mag dinner, para makilala ko rin kaibigan ng asawa ko, at para hindi naman ma out of place si Kae sa mga kaibigan ko.."sabi ni Elis "ay nakakahiya naman, nako Elis nahihiya ako.." nahihiya daw pero tuwang tuwa ang mukha "sige na, para may kasama at makausap din si Kae na kakilala niya, dun ka na rin matulog ng ilang araw, don't worry walang kakain sayo dun, at isa pa, marami akong gwapong kaibigan doon, bahala ka, ikaw rin, baka mag sisi ka.." Jusko ELIS!!  "nako oo nga noh? Baka ma OP si Kae punta ako, anong oras ba?" mas mabilis pa sa alasais sumagot tong baklang to eh "before 5 nandun ka na dapat, sinabi nab a ni Kae sayo lugar namin?" "itetext ko na lang sya.." total nagkuhanan naman na kami ng number nung nasa airport palang kami Nag paalam na kami kay Migz, at yung kaibigan kong lumandi jusko tuwang tuwa, bumulong pa na, sure na sure syang pupunta, saan ba niya nakuha ang kalandiang yun? Hindi sya ganyan dati, nakakailang  "MIKA!!!" "uy ELIS!!!" Nilingon ko kung sino yung biglang sinigawan ni Elis, mukang eto na yung kaibigan niya "kamusta insan, wow may pakwan ka na rin?" "hahahaha abnormal ka parin insan, oo nga eh, magkakaroon na ng kalaro ang anak mo.." tumingin sa akin si Mika at ngumiti Parang ang hinhin niya, maputi sya at maganda, simpleng babae kumbaga, napaka simple niya tignan at mahinhin, uumm.. pumapangalawa lang naman sa ganda ko AHAHAHAHA! "oh sya si Kit? Ang cuteeee!!!" nakatulog si Kit kaya karga ko sya, mukang napagod. Tinitignan ni Mika ang anak ko "hai kae.." "hello.."  "kamusta naman?" "okay naman, kahit may dalawang alagang makulit.." "dalawa? Dalawa naba anak niyo?" "nope, yung tatay makulit din.." Medyo malayo yung pagparkingan ng sasakyan, si Elis at may sumalubong sa kanya kanina na lalake sa amin, mukang tatay ni Mika, silaang naghahakot ng gamit namin papuntang sasakyan Habang kami ni Mika, sabay na naglalakad papuntang parking lot. "kamusta naman kayo ni Elis?" "okay din, kulit nga niya sobra.." "oo ganun talaga yun.." "buntis ka napala.." "ah oo, blessing to para sa amin.." Sumakay na kami sa van, nandoon ang mama at papa ni Mika, papa ni Mika ang driver katabi naman ng papa niya ang mama niya, mababait silang lahat, lalo na si Mika Magkakatabi kami dito sa likod, buti at tulog parin si Kit "nasaan yung loko lokong naglagay ng pakwan dyan ha?" "oy insan mabait si Jake ah.." "sus, pakilala mo yan saken ah.." "oo bukas, sa dinner natin.." Mag uusap yung dalawa nasa gitna nila ako, si Elis sa gilid, tapos ako, habang karga si Kit at si Mika sa right ko naman, na OP ako ah, nasa gitna pa ako. Nag schedule ng dinner para sa mga kaibigan niya si Mika at Elis, yun yung dahilan kaya inimbita din si Migz sa dinner nay un, konti lang naman kakilala ni Elis na kaibigan din ni Mika Pero ako, eto lang dalawa ang kilala ko, tatadtarin ko ng text si Miguel kapag hindi sya dumating. Gabi na kami nakarating ng bahay nila, ang cute nga eh, ang ganda ng bahay nila, malawak. Pagkatapos naming kumain, nagpahinga na kaming tatlo nila Elis, hindi naman na kami inistorbo ni Mika, alam niyang pagod na kami, ang bait talaga nila, pinatira pa kami dito. ****** MIGZ POV'S Its been a long time Without you my friend... Wala lang nagsosound trip lang HAHAHA, hoy kayo, don't judge me, nahawa lang ako sa mga kaibigan ko noon sa Japan, kaya naging ganito ako, may virus ng kabaklaan doon noon kaya nahawa ako Nagpreprepare ako papunta kanila Kae Ang lola niyo gumaganda na, infairness wala na syang bangs hindi tulad ng dati, hahaha, kahit nagmatured ang mukha niya maganda parin sya, at ang gwapo ng asawa at anak niya. Baka malate ako dun, before 5 pa naman sinabi ni Elis, mga two hours pa ang byahe ko papunta sa kanila, 1 palang naman kaya maaga pa, kailangan ko pa magpaganda Ang laki na talaga ng pinagbago ko, ganun din si Kae. Maaga akong umalis ng bahay, sakay dito sakay dyan, bale tatlong sakay lang naman, hirap naman neto, daming nakatingin sa aking lalake, hindi ko pa man din pinatanggal tong adam's apple ko, buti na lang at mahaba ang buhok ko. "eto na kaya yun?" nasa tapat ako ng isang bahay dito sa village na pinuntahan ko Tinext lang saken ni Kae itong lugar, sumilip ako sa gate, at sakto nahagilap ng mata ko si Kae na naka red dress, ganda teh, sexy pa, lalo pa syang pumuti. Nag doorbell ako, saktong si Kae ang tumingin at nakita ako "hhhiiii!!!" batiko "buti at hindi ka late, kinakabahan pa man din ako baka hindi ka pumunta.." "sus, nandyan naman asawa mo.." "syempre makikipagkwentuhan yan sa mga kaibigan niya, nakakahiya eh, nahiya ako dito.." "bat ka nahihiya, makapal kaya yang mukha mo dati, saan nagpunta ang hiya mo?" "baliw ka, halika na nga.." Marami ng tao sa loob, may malaking pavilion dito sa loob, may mga tables na, nasa iisang table kami nila Kae at Kit "hi Kit.." busy maglaro ang bata, wag na guluhin. Palingon lingon ako sa buong lugar, halos lalake ang bisita, iilan ang babae, may nakaupo na may nakatayo "oy kae, tignan mo oh, may nilalanding babae yung asawa mo dun oh ayun! Bilis tingin!" "kaibigan niya yun, at isa pa, tignan mo buntis yung tao, ikakasal nay an, ano ka ba.." "ay ganun ba, malay ko ba, super close sila eh.." "Mika pangalan, ganda noh? Ang hinhin niya.." Mas maganda ako "nandyan na yung mapapangasawa ni Mika, tara dun hon.." biglang sumulpot si Elis, aba, ang bilis naman kanina lang tinitignan ko sya ah. Nakaupo kami ni Kae "nakakahiya, mamaya mo na lang ako ipakilala" "saglit lang to, babalik din tayo dito.." Tumayo na si Kae "Migz, maiwan ka na muna namin dyan.." sabi ni Elis sa akin, syempre ang role ko dito bantayan ang anak na naglalaro ng kung ano ano, baka mahulog tong batang to nako, ang kulit Hindi pa masyadong nakakaalis sila kae at Elis ng may nagsalita "sya yung asawa ni Elis, si Kae.." mukang boses nung sinasabi ni kae to ah, yung si Mika Napalingon ako at "Kae meet Jake..." OH! SHOCKS! Napaluwa ang mga mata ko, napatakip pa ako ng bibig sa gulat. SERYOSO BA TO!!!!! SERYOSO BA NA NAKIKITA KO SA HARAPAN KO SI JAIRUS!!! WHAT!!!!???? BUHAY SI JAIRUS!? "Jai...." Boses ni Kae, jusko mukang pati sya nabigla, nakaside lang si Kae sa akin kaya hindi ko gaanong makita ang mukha niya Ganito ang posisyon, magkatabi si Mika at Jairus, habang nasa tapat nila si Kae at Elis, JUSMIYO!!!! "hon? Anong sabi mo? parang kilala mo sya ah, magkakilala kayo?" tanong ni Elis kay Kae Matagal na hindi nakasagot si Kae "ah oo..." yung kaninang tulalang Kae biglang nabuhayan Nakakapit sa braso ni Jairus tong si Mika "may amnesia sya Kae, hindi ka niya makikilala kahit kilala mo sya.." And the whole world was shocked, tinignan ko ulit si Kae, move on na ata talaga ang ate niyo, wala naman sa mukha niya na ang gulat ngayon. "hi.."sabi ni jairus kay Kae sabay abot ng kamay niya Ang gwapo gwapo ni jai ngayon, naka long sleeve na may kwelyo at naka slocks, grabe lang, para syang business man sa suot niya. Inabot naman kaagad ni kae ang kamay ni Jairus "pano kayo nagkakilala?" tanong ni Elis "oo nga.." second demotion naman si Mika "e-elementary classmate...." Oh gheezz,, she lied, how sad  Ngumiti si Jairus "sorry, hindi kita matandaan.." outch, naman nun. "no its okay..."-Kae "alam mo ba ang true name niya Kae? Pinangalanan ko kase sya ng Jake eh.."-Mika "I want Jake,ikaw nagpangalan saken ng Jake kaya hindi ko na kailangan malaman kung anong tunay kong pangalan" agad na sabat ni Jairus "okay, sabi mo mahal, mas bagay naman talaga sayo ang Jake"-Mika Hindi na nila natanong pa ang true name niya, basta ang alam nila Jake na lang, hindi na rin nagsalita pa si Kae tungkol dun, ewan ko na lang kung narinig nila yung binulong niyang Jai kanina, pero feeling ko wala naman eh  Nagsweesweet moment pa yung dalawa sa harapan ni Kae, jusko. "saan mo kase nakuha ang pangalang Jake ha? Insan?" -Elis "nakita ko sa bandang dibdib niya, ang word na JK na naka tattoo doon, dun ko lang kinuha, mahabang kwento, kung paano kami nagkakilala, wag kayong mag aalala, malalaman niyo rin yun.." Hindi kinakaya ng powers ko to, J and K na tattoo, you mean Jairus and Kae? WHF! "mommy love mommy love!" and the attention  TADAAA!!! Napunta kay Kit ang atensyon nilang apat Alam niyo yung pang teleserye ang moment ngayon, napaka intense lang, hindi ko kinakaya guys, magkasama si Kae at ang asawa't anak niya, at makasama rin si Jairus at Mika, na buntis pa? it means? Sya ang ama? SHET! Teka? Nasaan si Rui?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD