Alas nuwebe y medya ay nakarating na kami sa condo ni Zach. Sumama si Ate sa pag hatid pero agad din na umalis dahil kailangan niya na daw umuwi dahil walang kasama sina Mama sa bahay niya. "Celine! Ingat kayo! Tawag ka, ah." kumaway siya nang nasa pintuan na siya. Tumango ako habang hawak ko ang bata. "Thank you, Ate!" ngumiti lang siya bago lumabas. Nag-aayos si Zach ng gamit gamit. Dinala niya sa kwarto niya kaya kaming dalawa ng bata ang naiwan sa sala, nakaupo sa sofa. Nang bumalik siya ay sinabihan niya ako na pwede nang pumasok para makapag pahinga daw ako. Sumunod naman ako sa sinabi niya, pumasok ako sa kwarto habang nasa likod naman siya, sumusunod. Walang nag bago sa kwarto niya, ganun pa din ang itsura nito. Sobrang ackward ng paligid nang sinarado niya nag pintuan, walang

