Chapter Two

1130 Words
"Bunso gising na! may pasok ka pa! " Isang malakas na sigaw at yugyog ang gumising sa akin ngayong umaga. "Kuya Sehun ten minutes pa. Please." Sagot ko habang naka pikit ang mga nag mamaganda kong mata. I need to make ipon-ipon my powers kasi baka mamaya makita ko ang kupal at pangit kong EX boyfriend aawayin ko siya ng bonggang bongga. Matitikman niya ang batas ng api char! "Aikko bunso lagpas ten minutes na at twenty minutes na lang ay late ka na." Si kuya Sehun ulit? parang ilang minuto lang yung nakakalipas tapos andito na siya agad ang bilis naman. "Eto na po tatayo na." Bumangon ako mula sa royal bed ko at ngayon lang nag rehistro sa utak ko yung sinabi ni kuya Sehun. "Ano! twenty minutes na lang!" Tumungo na lang si kuya Sehun bilang pag sang ayon niya. Madali akong bumaba at nakita ko sila kuya nanunuod ng T.V "Waaah. Mga kuya tulungan niyo ako male-late na aketchiwa!" Napalingon sila kuya sa akin ng sabay-sabay. Kapag ako lang kasi ang kikilos sa sarili  ko baka abutin ng sampung taon ang kagandahan ko dito sa bahay. "Tulungan natin si bunso!" Sigaw ni kuya Suhong baliw. "Tulungan!" Sabay-sabay na sigaw nila kuya. Kasalanan kasi ito ng ex ko kung hindi niya ako birineak hindi ako mapupuyat sa kakaisip punyeta talaga siya! Si kuya Chio ang nag handa ng baon ko at nag ayos ng payatas kong bag bwisit kasi yung school namin konti lang ang prinovide nilang tapunan. Si kuya Steve naman ang nag paplansya ng polo at slacks ko siya kasi ang pinaka magaling mag plansya sa aming mag kakapatid actually magaling din siyang mag tahi ng damit, o diba ang galing ng kuya ko. "Umayos ka nga kuya Suho nakikiliti ako!" At ang kuya Suho ko ang nagpapaligo sa akin dahil as what I said earlier malelate ako pag ako lang kumilos mag isa pero syempre tinatakpan ko yung tweety bird ko. "Bunso kailangan nating hilurin yang kili-kili mo para matanggal yung libag." "Ang shupal ng muka mo kuya Suho! kahit isa hindi pa nag foform ang libag dito o!" Itinaas ko yung dalawa kong braso para ipakita sa kanya ang clean armpit ko. "Wahahaha." Humagalpak sa tawa ang baliw kong kuya at doon lang rumehistro sa utak ko na nakita niya na pala ang tweety bird ko.Kainis! Mabilis lang natapos ang pagpapaligo ko at heto na nag susuot na ako ng uniform ko. Si kuya Sehun ang mag hahatid sa akin sa school dahil siya ang may motor sa amin. "Bunso yumakap ka sa akin ng mahigpit dahil mabilis akong magpa takbo ng motor." Paalala sa akin ni kuya Sehun kaya agad ko siyang yinapos at naramdan ko kaagad ang abs niya. "Opo kuya enough na ang MMK baka ma-leyte pa akiz." Pagkasabi ko nung huling word agad niyang pinabilis ang takbo ng motor. "Kuya papatayin mo na ba ako?" Grabe halos tumilapon na ako sa kalsada dahil sa sobrang bilis namin pero okay na din malapit na ako sa school ko. "Hindi ka ba natutuwa bunso na nakarating ka na dito agad sa school?" Tanong ni kuya Sehun sa akin. "Thanks." Simple kong sagot at inilapag ko ang helmet na suot ko kanina sa motor "Alis na ako kuya bye." Kumaripas na ako ng takbo papasok ng school. Tumigil ako sa unang pinto ng pangalawang palapag ng building sumilip ako sa butas ng pinto ng classroom nakita kong nag uumpisa na si mam Bernales ng klase, siya ang english teacher namin. Papasok ba ako o wag na lang? Sige na nga wala namang mangyayaring masama tska sayang ang effort ng mga kuya ko kanina kung hindi ako papasok. Pag katok ko sa pinto bumukas agad ito at bumungad sa akin si mam. "Good morning mr.Samonte you're too early for the next subject." As I expected yan naman ang lagi niyang sinasabi sa mga late. "I'm sorry po ma'am hindi na po mauulit." Pag hingi ko ng tawad. "Okay you may get inside we will having a quiz." Binuksan na ni mam ng tuluyan ang pinto para maka pasok ako. "Thank you po mam." At pumasok na nga ako ng bonggang bongga. Habang nag hahanap ako ng magandang seat nakita kong kumakaway ang beshie ko, si Anastacia ang campus top sexiest and gorgeous student. "Beshie sinave kita ng upuan dito oh." Itinuro niya ang upuan na katabi niya. "Aw sweat mo naman beshie." Sabay upo sa tabi ng bestfriend ko. "Okay class please prepare a one whole sheet of paper for your quiz." Grabe naman to si ma'am wala man lang konsiderasyon kakarating ko lang pero heto mag papa quiz sa one whole sheet. Nairaos ko ang mga klase ko ngayong buong araw at uuwi na naman akong mag isa dahil si beshie lumipat na ng bahay kaya hindi ko na siya pwedeng maka sabay ngayon hashtag sad life. Nag lalakad lang ako ngayon pauwi dahil nag titipid ako para sa mga future projects namin. Nang matapat na ako sa bahay namin nagulat ako dahil may naka park na itim na kotse dito, ito na kaya yung banko na sinasabi nila kuya? papaalisin na ba kami sa oh-so-precious house namin? Dumungaw ako sa bintana para makita kung sino ang bisita namin. Nakaupo sila kuya  sa salas may kausap silang matandang babae, mahahalata sa kanya ang karangyaan dahil sa suot niyang damit at mga palamuti. "Andyan ka na pala Aikko upo ka muna dito." Tinapik ni kuya Chio ang space sa gitna nila ni kuya Suho sa sala. "Good evening po madam." Bati ko sa kagalang-galang na matanda sa harapan namin. "Hi, I'm Anita, Milfior Gray's grandmother. Ako na ang pumunta dito dahil I'm excited to tell you these things, nandito ako dahil gusto kong sabihin sa'yo na next month ay magiging part ka na ng Gray family and tomorrow titira ka na sa Gray house ipapasundo na lang kita sa driver ko at pwede mong isama ang mga kuya mo if you want." Naka ngiting wika ng matanda sa harap namin. "Ano po? agad agad?" Pagka gulat ko. Inaasahan ko na ang ganitong pangyayari pero hindi ko pa rin matanggap na ikakasal ako sa isang stranger. Sa isang straight guy! "Oo iho ay....iha pala hahaha." Tawanan nilang lahat maliban sa akin dahil iniisip ko pa rin ang pwedeng maging ugali ng mapapangasawa ko. "Steve hindi niyo ba ininform si Aikko about this?" Kalmadong tanong ng matanda. "Actually po niyan madam kagabi lang po namin nainform si Aikko tungkol dito, payag naman po siya sa kasunduan medyo nabigla lang po siya ngayon." Pag papaliwanag ni kuya Steve. "Great. O paano ba yan kailangan ko nang umalis ,I'll see you tomorrow Aikko Samonte kayo rin Steve." Pag papaalam ng matanda saka tumayo sa inuupuan. "Sige po mag iingat po kayo babay." Pagpapaalam ko sa matanda at sinagot niya lang ako ng ferrero rocher na ngiti. Matapos ang nangyari kanina tahimik kaming kumain hindi nag iingay sila kuya alam kasi nilang pag nagkagulo sila magagalit ako, hehehe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD