"Naririnig ko rin iyon," wika ni Asyanna. "Bakit kayo lang dalawa ang nakakarinig?" nagtatakang tanong ni Xáxa. "Teka, hindi ba't mga Terra lang ang kayang makarinig ng ingay sa gitna ng kagubatan? Bakit si Yanna? Naririnig niya rin iyon?" nagtatakang tanong ni Serfina. "Yanna, Magium ka ba talaga? Bakit maraming kakayahan ang mayroon ka?" ani Sheena dahil maging siya ay nagtataka na rin. "Huwag na muna nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Ang mahalaga makaalis na tayo rito," sagot ni Asyanna. "Nasaan na tayo?" tanong ni Serfina habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng lugar. "Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko rito," sabi rin ni Xáxa. "Umalis na kaya tayo," suhestiyon ni Sheena. "Hindi na tayo aalis. Paano kung abangan tayo sa pupuntahan natin?" sabat ni Asyanna.

