"Bakit tumigil ang salamin?" nagtatakang tanong ni Asyanna nang bigla nawala ang wangis ng mga kasama niya sa salamin. "Dahil narating na ito ang dapat mong makita. Kailangan mong maghintay ng tatlong oras para mapanood ang karugtong niyon," paliwanag ng Azthic. Bumagsak ang mga balikat niya sa narinig. Mag-aalala siya ng labis dahil doon. Pero, wala siyang magagawa. Kailangan niyang maghintay ng tatlong oras. "Nais kong makita ang sitwasyon ng Karr," hiling ni Asyanna sa Azthic. Matapos manood ang mga naganap sa Eshner, kinutuban na siya na mas malala ang nangyayari sa Karr. Naroon ang malaking bilang ng Rebellion kaya tiyak na pinahihirapan doon ang mga races, lalo na ang mga upper class. Kinakabahan na si Asyanna sa mapapanood niya. Umaasa pa rin siyang hindi ganoon kasama ang sinap

