"Sigurado kayong ito na ang sinasabi ni Asyanna na Eshner?" tanong ni Xáxa. Kalalapag lang nila sa mapunong kagubatan. Medyo may kadiliman ito. Pero, kung ikukumpara sa Mysta, mas maliwanag nang kaunti ang Eshner. "Sa palagay ko nga ito na," sagot naman ni Sheena. Bumaba siya at hinimas saglit ang katawan ng pegasus. Paraan niya iyon ng pasasalamat. Sa katunayan, ganoon siya sa lahat ng mga nilalang na nakakasalamuha niya. "Ito na nga ang Eshner. Dito ko nakilala si Asyanna. Dito ko nasaksihan ang pambihirang lakas na tinataglay niya. Kaya, sa simula pa lang pinagdududahan ko na hindi siya purong Magium," sabat naman ni Kai habang inaalala ang panahong nakilala niya ang Magium-Azthic young Ladynne. Maya-maya, nakarinig sila ng kaluskos. Kaya, naging alerto ang lahat. Pinakiramdaman na

