Manghang tiningala ni Maita ang lugar na pagdarausan ng party ni Marina sa Greece. Napakarangya niyon bagay na alam niyang nararapat para sa kaibigan. Marina is not just a simple girl by the way. She is the dutchess of Kent. Noon pa mang maging kaibigan niya ito sa France ay alam na niya iyon. Kaya naman malaking karangalan para sakanya ang maalala pa rin nito ang pagkakaibigan nila. Humakbang siya paakyat sa mataas na hagdan patungo sa entrada ng bulwagan. Palibot libot ang tingin niya sa bawat taong paakyat ring naglalakad katulad niya. Puno nang pagkamangha ang kanyang mga mata. Alam kasi niyang pawang mga kilala sa bansa o mga respetado sa lipunan ang mga inimbita. Nagkibit balikat na lamang siya. Di hamak na may mas ibubuga pa naman siya sa mga nakikita niyang naroon. Kung ganda at

