Nasa loob na muli si Maita ng magarang silid ni Kirito. Matapos niyang kumain ay pinasya niya na bumalik na lang doon kesa naman magpalakad-lakad siya sa malawak na lugar na hindi naman niya kabisado. Isa pa ang awkward din kasi na may nakabuntot sa kanya kahit saan siya pumunta. Hindi naman siya naiinis sa kakasunod ni Henred, hindi lang talaga siya sanay at ayaw niya nang may nakamasid sa kanya. "I will be right back Milady, I just need to fix something urgent." paalam din nito sa kanya kanina nang maihatid siya sa silid. Kakamot-kamot pa ito ng ulo na parang nagda-dalawang isip na iwan siya. Bakit ba naman kasi antagal tagal ni Kirito, maghahapun na ay wala parin ito. Ano bang klaseng pag-uusap ang ginagawa nito at ng ina nito at inabot na ng ganito katagal? Nilatag niya ang sarili sa

