"Come here Omorfi, let me carry you," ani sa kanya ng binata habang ina-alalayan siya pababa ng sasakyan. "No, I can walk baby. Hindi mo naman ako kailangang buhatin pa e," sansala niya rito. Kalalabas lang niya sa ospital at maayos naman na ang pakiramdam niya. Sino ba naman kasing hindi gagaling agad kung ganito kasigasig, kakisig at kagwapo ang palaging mag babantay at mag aalaga sayo. Kirito or she must say Karloz never leave her side for long. Dapat na ata niyang sanayin ang sarili na tawagin ito sa totoong pangalan nito. Kung aalis man ito, saglit lang at babalik din agad. Hindi rin ito umaalis nang walang ibang mag babantay sa kanya. Over protective. Hinayaan na lang niya iyon, ayaw na rin naman kasi niyang maulit na naman na palaging matigas ang ulo niya at hindi nakikinig. B

