Maita shut her eyes. Takot na takot siya sa madilim at masikip na lugar, pero heto siya ngayon at nilalabanan ang takot niya. Pumikit na lang siya para pakalmahin ang sarili niya. Thinking of Kirito's happy handsome face. Ayaw niyang matakot kaya iyon na lang ang inisip niya. Para sa kanilang mag-ina, dapat siyang maging matatag at malakas. That man want her dead. Hindi niya alam ang dahilan nito, pero nakita niya ang kaseryosohan sa boses at mukha nito kanina. And she's hoping na mahanap na siya agad ni Kirito bago pa may magyari sa kanila ng nasa sinapupunan niya. Kanina pa siya walang kain-kain, ni walang tubig. Nangangatog na rin siya dahil sa basang damit na halos patuyo na rin sa katawan niya. Ramdam din niya ang bahagyang pagkirot at paninigas ng puson niya. "Hang in there little

