Chapter 2: Jim

1520 Words
ISABELLA “Alululululululul….” Paulit-ulit kong litanya habang nakalabas ang aking dila at pinupukpok ang magkabila kong sentido. Tumatak na naman sa utak ko ang mahabang alaga ni K. Ewan ko ba kung bakit pero sa tuwing gabi ay talagang nagpa-pop up sa isip ko ang kanyang maamong hitsura at maalindog na katawan. May ilang taon na ring nakatira si K dito sa aming subdivision mula nang lumipat siya katabi ng aming bahay. Tahimik itong naglipat ng kanyang mga gamit. Madalas namin siyang pagmasdan ng aking ama tuwing nagjo-jogging ito ng hapon at nagbabaka-sakaling kausapin niya kami at makipag-close, pero nanatili siyang distant. Ang tanging alam ko lang ay mayroon siyang isang Siberian husky na aso at yaya na nag-uuwian tuwing alas-singko ng hapon. Isa siyang surgeon sa Chong Hua Hospital at mahilig sa sasakyan dahil tatlo ang kanyang kotse. Maliban doon, at sa paglalabas niya tuwing gabi ay wala na kaming alam sa kanyang katauhan. Pero sa dinami-dami ng nag-attempt na manligaw sa akin, mataas man ang pinag-aralan, tambay o politiko man iyan, siya lang talaga ang nakapagpapabilis sa t***k ng aking puso. “Z… Tawag ng laman lang iyan. Just because you’re attracted to him, doesn’t mean you’re in love with him!” Paimpit kong habilin sa aking sarili habang dinuduro ko ang mukha ko sa salamin. Lumipat ako sa aking kama at nagbukas ng Shopee. Nagtingin-tingin ako sa mga vibrators at dildos na feeling ko ay kasing-haba ng kay K. In-add to cart ko ang lahat ng nagustuhan ko pero wala talaga akong lakas ng loob na bumili. “My goodness, Z! Nagtapos ka naman ng AB Psychology, may kaya naman kayo sa buhay, kasama ka naman sa ‘the boys’ ng malaking talyer ng tatay mo… Pero bakit uhaw na uhaw ka sa katawan ni K!!!” Sigaw ng puso ko habang pagulong-gulong ako sa kama. Nanahimik ako ng ilang saglit para pakinggan ang aking ama kung gising pa siya. Dahan-dahan kong binuksan ang aking kuwarto para silipin kung patay na ang ilaw sa labas. Napangiti ako nang makita kong sarado na ang main door ng bahay at wala ng nakasinding ilaw sa loob. “Good.” Bulong ko sa aking sarili. Nilock ko ang aking kuwarto at pinatay ko ang ilaw. Dahan-dahan kong binaba ang zipper ng aking shorts para hindi lumikha ng ingay. Ibinaba ko ang pang-ibaba ko kasama ng aking panty at sumalampak sa upuan ng aking study table. Binuksan ko ang aking laptop at naglagay ng earphone. “B..L..A..C..K…B..I….Blackbird.” Bulong ko sa aking sarili habang tinatype ko ang pamagat ng paborito kong male adult video na nakita ko sa isang porn site. “Para makatulog na ako.” Isip-isip ko at nagsimula ko ng laruin ang aking kumikislot na kabibe habang pinapanuod ang nakakalibog na video ng lalaking nakamaskara na ito. --- KHALIL Pagkatapos ng aking show ay mabilis akong nagbihis para tignan ang babae doon sa may mesa. Nakita kong tumayo ito at tila papunta sa CR. Isinuot ko ang aking maskara at sinubukang salubungin siya doon. “Ooooops! Sorry!” Wika ko nang sadyain kong banggain siya habang pasuray-suray siyang naglalakad papasok ng ladies’ CR. Nabigla siya sa akin at napatingala. Sa tangkad ko ay halos kasukat lang niya ang height ng dibdib ko. Napahawak siya sa dingding ng CR habang nakakulong siya sa aking bisig na nakadantay sa pader. “You…” Nangangaralgal niyang sabi. Mabilis kong pinagmasdan ang kanyang suot at bag. Nakita kong nakalaylay ang kanyang ID sa bulsa ng kanyang blazer—Kathrine Codar, dentist. Ibinaling ko ulit ang aking mga mata sa kanya at lalo kong itinutok ang aking labi sa kanyang pisngi. Nagsalita ako upang lalo niyang malasap ang init ng aking hininga. “Are you a virgin?” Napasinghap siya sa aking sinabi. Idinaan ko sa kanyang pisngi ang basa kong labi at tumuloy papasok sa CR para iwan siya sa ganoong sitwasyon. If she is going to be my next target, I need to leave her craving for more so she’ll be yearning to meet me the next time. Pagpatak ng alas-onse ay nakita kong lumabas na ang kanilang grupo. Nagpaalam ako agad sa may-ari ng club para sundan sila. Hinatid siya ng kanyang mga barkada sa isang modernong bahay. Nag-doorbell ito at nakita kong bumukas ang pintuan. Sinalubong siya ng isang bata. “Nick! Bakit gising ka pa? Nasaan si yaya?” “Hinintay kita, Mommy. Ayokong nagagabihan ka.” “Bata ka! Alam mo namang bawal sa iyo ang magpuyat. Tara na at pasok sa loob!” “May pasalubong ka ba sa akin, Mommy?” Tanong ng kanyang anak sa kanya. Mabilis kong hinugot ang aking cellphone at pinicturan ang mag-ina. Zinoom in ko ang larawan para tignan ang physical features ng anak nito. Maputla, namamaga ang ilalim ng mata, may bitak ang labi at medyo lumolobo ang tyan. Huminga ako ng malalim at ibinaba ang aking cellphone. Pag-uwi ko sa bahay ay kaagad kong inistalk ang f*******: Profile ng dentista. Mabuti na lamang at tunay na pangalan nito ang gamit niya sa social media platform at mabilis ko siyang nahanap. “So I am right.” Bulong ng isip ko. Kinagat-kagat ko ang bukong-bukong ng aking daliri habang bina-browse ko ang kanyang profile. Pinagmasdan ko ng mabuti ang kanyang anak. Maaaring hindi masyadong pansinin ang kakaibang paglobo ng kanyang tyan dahil malusog ang bata pero bilang isang magaling na surgeon, kakaiba ang kutob ko rito. Napapikit ako nang marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng mga mensahe na dumarating sa aking mga social media platforms. Isa-isa kong pinatay ang mga CPUs ng aking mga PC at nagdesisyong huwag na munang mag-entertain ng mga libog na kliyente. Pinatay ko ang ilaw ng kuwarto ko at tanging ang lampshade lang ng study table ko ang nakasindi. Binuksan ko ang blinds ng glass window at dumungaw ako sa labas. Malalim na ang gabi pero ni isang bituin ay wala akong maaninag sa langit. Ipinikit ko ang aking mga mata ng mariin at tumulak papunta sa malaking bote na may lamang Origami paper cranes. Dumampot ako ng isang papel sa tabi nito na kulay asul. Kahit na nahihirapan akong gumawa ng hugis tagak na papel dahil sa dilim ng aking kuwarto ay sinikap ko pa rin itong likhain. Pagkatapos ay itinabi ko ito sa garapon. “Jim… Konti na lang.” Malungkot kong bulong sa garapon. Umakyat sa lalamunan ko ang pinipigilan kong pag-agos ng aking emosyon. Lumunok ako ng paulit-ulit upang pigilan ang aking pag-iyak. Hinaplos ko ng banayad ang garapon at mabilis na pinunasan ang kaunting basa na namuo sa gilid ng aking mga mata. Binalikan ko sa study table ang aking laptop at nag-isip ng malalim. Pagkatapos ay nag-send ako ng private message sa profile ni Doc. Kathrine Codar. “This is Blackbird. The dancer awhile ago that you fantasized about. I’m sorry for stalking your account. I don’t usually do this but I think you would like my proposal. I am offering you a ticket to heaven. Will you grab the chance?” “Come on, Kathrine. I wanna help you…” Pangungumbinsi ko sa laptop. Sana lang ay gising pa ito sa ganitong kalalim na gabi. Bigla akong nabuhayan ng loob nang mapansin kong nagre-reply na siya. “What chance?” Maingat nitong sagot. Tinantya ko kung anong klaseng babae ang kausap ko. Doctor ito at alam kong may pinangangalagaan siyang titulo. Kailangan kong akitin ito ng may pag-iingat. “I know you were drawn to me earlier. I felt it when we crossed paths in front of the restroom. I could see it in your eyes—you wanted to feel my body. Do you want to share a steamy moment with me?” Matagal-tagal din bago siya nag-reply. Hindi ko alam kung nag-aalinlangan ito sa aking alok o natatakot siya na baka may makaalam sa kanyang sikreto. “How much do I need to pay you?” Napangiti ako. Minasahe ko ang aking mga daliri at mabilis na nagreply. “Free of charge. Pero may dalawa akong kondisyon.” “Ano ‘yun?” “We’ll do it in your clinic.” “What?????” “I know you’re a dentist. Nakita ko sa mga photos mo. There’s a thrill in knowing you could get caught any moment. Kaya I want to try it in your clinic.” “And why would I risk my life with that?” “Because you want to experience it. I know.” “…Okay.” “One more thing.” “Ano pa?” “Gawin natin ito bukas ng takip-silim. Kapag magsasara ka na. I’ll be there in your clinic at 6:00 p.m. Kung ayos ka sa deal, just type in—PATUROK.” Walang reply. Tumayo na ako sa upuan at nawalan ng pag-asa. Inisip ko na lamang na maghanap ng bagong kliyenteng paliligayahin at tutulungan sa buhay. Ngunit mabilis kong binawi ang aking desisyon pagkatapos kong mabasa ang kanyang reply. “PATUROK.” Napaluhod ako sa saya at napatingin sa garapon ng paper cranes. “This is all for you, Jim.” Bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD