CHAPTER 2: HARANA

1464 Words
Three months straight, hindi talaga pumapalya itong si Tanner. Tinotoo niya, he's sweet, masaya kasama, balanse sa pagiging seryoso at sa biro. Tahimik pa at hindi pa naman kumakalat sa media at sa mga fans ni Tan. Kasama ko ngayon si Tanner sa condo, may dala-dala siyang gitara. At nagulat na lamang ako nang simulan na niyang tumugtog kasabay ng pagkanta niya. ''Minsan oo, minsan hindi." ''Huy, nigagawa mo?", pagputol ko sa kaniya dahil naiilang ako. "Hinaharana ka, ano pa." ''Huh?'' ''Ganito ligawan ang kababaihan, right? Palibhasa ikaw kasi si John Cena imbes na si Maria Clara." Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago ka, ah.", sabi ko habang kurot-kurot siya. ''Aray ko, tama na kasi. Just listen." Minsan oo, minsan hindi Minsan tama, minsan mali Umaabante, umaatras Kilos mong namimintas Kung tunay nga Ang pag-ibig mo Kaya mo bang isigaw Iparating sa mundo Tumingin sa'king mata Magtapat ng nadarama 'Di gusto, ika'y mawala Dahil handa akong ibigin ka Kung maging tayo Sa'yo lang ang puso ko Walang ibang tatanggapin Ikaw at ikaw pa rin May gulo ba sa'yong isipan 'Di tugma sa nararamdaman Kung tunay nga Ang pag-ibig mo Tumingin sa'king mata Magtapat ng nadarama 'Di gusto, ika'y mawala Dahil handa akong ibigin ka Kung maging tayo Kailangan ba kitang iwasan Sa t'wing lalapit may paalam Ibang anyo sa karamihan Iba rin pag tayo Iba rin pag tayo lang Tumingin sa'king mata Magtapat ng nadarama 'Di gusto ika'y mawala Dahil handa akong ibigin ka Kung maging tayo Kung maging tayo Kung maging tayo Sa'yo na ang puso ko Ang ganda ng boses ni Tan, parang anghel. ●●●●●●●●●●●● Nandito ako ngayon sa bahay ni Crystal, at kasama namin ang baklang si Cloud, dito naman kami ngayon nagchichismisan. ''Eh, ano bang balak mo kay Tanner?'', tanong ni Crystal. Napanguso naman ako at kumagat na 'lang sa burger na hawak ko. ''Hmmm. Undecided pa rin talaga si ate gurl!'', sabay ngiwi ni Cloud. ''Don't tell me, si Sh....'' Pinutol ko kaagad ang idurugtong ni Cloud at ayaw kong magulong lalo nanaman ang isip ko. Anong sasabihin ba nila? Na "Si Shaunth pa rin.''? Kahit ako hindi ko maintindihan ang sarili ko, si Tanner na ang nandito, ano pa bang gusto ko? Si Shaunth? Babalik pa ba dito 'yun? Ni hindi ko alam kung humihinga pa ang hayop na 'yun. Bakit ganito? Punyeta, oo. Punyeta talaga. Ano ba itong pinagsasasabi ko. Shaunth nang Shaunth, amporchop. Manloloko at uto-uto 'yun, remember! Erase erase na, Lex. Natulala nanaman ako, tulala na'lang. Wala nang luha, naubos na. Sa tinagal-tagal, wala nang luhang makalabas. Pati luha ko, pagod na. Ilang taon na ba? Halos lima. Oo, limang taon nang pagod. ''Gurl!'' ''Hey!'' ''Yuhuuuu.'' Sabay pitik-pitik pa ni Crystal ng mga daliri niya sa tapat ng mukha ko dahilan para matauhan ako. ''Oh!? Ano!?'', sigaw ko. ''Tulala ka nanaman. Hanggang ngayon ba naman?'' Nangilid ang mga luha ko nang marinig 'yun. "Hanggang ngayon ba naman?'' Akala ko ba kailangan ko mag-focus ngayon sa sarili ko. Bakit hindi ko magawa? Agad kong pinunasan ang pangingilid ng luha ko para hindi nila mahalata, tumunog naman ang cellphone ko. Si Tanner, tumatawag. *Phone Call* TANNER ESTREALLA "Hey where are you?'', bungad niya. ''Nandito ako kila Crystal, bakit?'' ''Dinner with my fam, I'll pick you up." Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko. "Teka, ano, hindi pa ako pumapayag." ''It wasn't a question, baby. Bye, see you." Sabay baba niya ng tawag. Amporchop, nakakahiya, hanep. Jusko anong nakain ng taong ito. Ayaw ko, potek. ''Oh, anong sabi ng manliligaw mong modelo?'' Ito talagang Cloud na'to. May hampas-hampas pa sa akin na akala mo kinikilig. ''Dinner daw kasama family niya.'', sagot ko nang nakabusangot. ''O to the M to the G! First time mangyayari?'', sabi ni Cloud na may kasamang tili. ''Hayyyy! Sana hindi na ganon.'', singit ni Crystal. ''Alam naman nating may trauma ang ate mong gurl sa ganiyan.", dagdag pa niya. From: TANNER ESTREALLA Nasa labas na ako. No choice na ako, ito na 'to. Walangya. Lumabas na ako't nagpaalam kina Crystal at Cloud. ''Ingatan mo 'yan, baka himatayin, isako mo pauwi.'', pagbibiro ni Cloud. Impakta ka talaga, pren. ''Huwag ka kabahan masiyado baka matae ka.'', sabi ni Crystal at bumeso na sa akin parehas. Masiyado akong kinakabahan. Oo, masiyado talaga. Paano kung magalit din sila? Paano kung sabihan rin nila ako ng kung anu-ano. ''Relax...'', biglang sabi ni Tanner at hinawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho. Nakarating na kami sa bahay nila, at mas lalo akong kinabahan. Joskoday. Joskoday talaga, baka matawag ko na lahat ng santo. ''Can you wait for me? Magc-cr 'lang ako.'' ''Wait! What!?'' Is he dead serious? Leaving me alone sa bakuran nilang madilim? Nakakahiya baka may makakita sa akin dito, isipin akyat-bahay ako. Walangya. Putangamasyet. Nagulat ako nang may bumukas na ilaw, dim light nga 'lang. May isang maid na lumabas at lumapit sa akin. ''Ma'am, sunod po kayo sa akin." Hindi ba ako kakagatin nito bigla? Tatagain? O hahabulin ng itak? Baka mag iba ang itsura nito, joskoday. Nakakatakot dine. Napaka lawak ng bakuran at bahay nila, panay sunod 'lang ako at ayaw kong maligaw. Habang naglalakad kami ni ateng maid, unti-unting lumiwanag ang kapaligiran, bumukas ang maraming ilaw. Ang gaganda, nakamamangha. Habang papalapit ay may naririnig akong tugtog ng violin. Pamilyar ito, ha. Oh my waiiiit, ito 'yung tinutugtog ni Ji Hoo sa violin sa Boys over Flowers. Theme 'yung pamagat nito, shakssssss. All time favourite. Nakarating na kami sa napaka liwanag na parte ng bakuran, and there I saw Tanner playing the violin. Nandoon rin ang family niya, ang mommy, daddy at lola niya. Nang matapos ang tinutugtog niya'y nilapitan niya na ako't inabutan ng bouquet of flowers. ''You made all of these?'' Iyan lamang ang nasabi ko, napaka ganda at talaga nga namang nakamamangha ang lahat ng nandito. May isang table for all of us at bongga ang paligid, puno ng ilaw, bulaklak at mga lobo. Ang dami ring pagkaing nakahain sa long table. ''Lex, I'm sorry for being selfish tonight. But, let me ask you now. Will you be mine?'' Nagulat ako lalo, akala ko simple dinner 'lang? Nakita ko ang mommy at daddy ni Tanner na nasa gilid namin, nakatingin sila sa amin, ngiting-ngiti. Nakakalusaw ng puso. Lalo akong kinabahan, hindi ko alam ang gagawin ko. Nakakahiya. Tumingin ako sa paligid bago ibalik kay Tamner ang tingin ko. Ang mga mata niya'y mapangusap, nagniningning. Hindi ko alam paano ako kikilos at mag rereact, baka mahalata nilang natatakot at kinakabahan ako nang sobra. TANNER'S POV ''Can you wait for me? Mag c-cr 'lang ako. ''Wait! What!?'' Napangisi ako habang tumatakbo. Gusto ko siyang i-surprise, mali siguro na ipipilit ko ito at magiging selfish ako ngayon para itanong na. But, I really love her. Yet it is upon her, if she say yes, then I will be the happiest man on earth. If she sa no, then I'll be still thankful and I'll respect what she wants. Puwede ko naman siyang mahalin kahit hindi kami, hindi ba? Tinutugtog ko ngayon ang paborito niyang music, sa Boys over Flowers daw 'yun, 'yung napanood niyang Kdrama. Theme ang title nito, high school pa 'lang ito na ang gustong-gusto niya. Nandito na siya, ang babaeng inasam at inaasam ko. Nang matapos ang tinutugtog ko'y nilapitan ko na siya, inabot ko na rin ang bouquet of flowers na may roses, sunflowers at yellow bells. Mga paborito niyang bulaklak. ''You made all of these?'' ''Lex, I'm sorry for being selfish tonight. But, let me ask you now. Will you be mine?'' Nakangiting tanong ko sa kaniya, ang saya ko ngayon. Iba ang pakiramdam ng saya ko ngayon. Masaya na medyo napapatanong sa sarili na kaya ko kayang higitan ang lalaking 'yun? Medyo nagtagal ang pagsagot ni Lexlie, nahihirapan pa siya. Alam ko, oo, alam ko. LEXLIE'S POV I found myself nodding at him, he then hugged me. ''Thank you, Lex. Thank you!'' Para siyang batang nabilhan ng gusto niya. Ang saya ni Tanner, sana ako rin. Nakipag kuwentuhan naman kami sa parents niya after namin kumain. ''For those years, walang ibang sinabi 'yan kundi Lexlie, glad I finally met you, ija.", sabi ng mommy niya. ''My little Jousche is now a big guy.", dagdag pa ng mommy niya. ''Ma, huwag mo naman ako tawagin ng ganiyan." Bahagya naman akong natawa, dahil dati pa nga niya ayaw sa Jousche na second name niya. ''I am happy that you found a girl as your mom, una pa 'lang sabi ko Mariz na Mariz na, e.", sabi naman ng daddy niya. Hindi ako makapagsalita masiyado, puro ngiti lamang ang naigaganti ko. It is my very first time na mapuri at maganda ang lagay sa pamilya. Mapapa sana all ka na'lang.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD