"Emmm..." Napaungol si Ella nang maramdaman ang sobrang sakit ng katawan at sakit ng ulo na parang binibiyak iyon. Kaya napabaluktot siya at sinapo niya ang kanyang ulo. Parang hindi niya kayang idilat ang mga mata.
Naramdaman niyang may nakayakap sa kanya pero hindi na niya pinansin iyon dahil sa sakit ng pakiramdam nya.
Gumalaw ang katabi na parang sinilip sya. "Are you okey?" Nag-aalalang tanong nito.
Pero lalo lang ipinikit ang mata dahil pumipintig ang sintido nya sa sakit. “Emmm..." ungol niya napasabunot siya sa kanyang buhok pero hindi man lang nabawasan ang sakit kaya isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan niya. Halos ibaon niya ang ulo doon. "A... ang sakit..." naiiyak nyang daing.
"Hey.. are you ok?" Halatang nataranta na ang kanyang kasama. Naramdaman niyang ang paglundo ng kama at pagbaba nito ito.
"Doc. Matagal ka pa ba? Namimilipit na siya sa sakit e." Narinig nya itong may kausap..
Sobrang sakit ng katawan niya parang nagkalasog lasog ang mga iyon at mataas ang lagnat nya. Nagpapagaling palang sya eh, pero dahil naulanan ay bumalik na naman ang lagnat nya at parang mas grabe ngayon.
Ayaw pa sana syang payagang lumuwas pero nag aalala sya sa bata at mukhang galit din si Ron sa kanya kaya napumulit na syang lumuwas na. At tama nga sya. Masakit dahil ipinagtabuyan na sya nito.
Ilang minuto pa ng may dumating. Ramdam nyang pinatihaya siya ng mga ito pero nanatili parin siyang nakapikit.
"Anong oras nong last na pinaiinom nyo sya ng gamot?" Tanong ng tinig. May kung ano ang ginagawa ito sa kanya pero hindi niya pinansin pa. Basta nakapikit lang siya dahil sa sobrang sakit parin ng nararamdaman niya.
"Mga 30 minutes palang ang nakakaraan Doc." Sabi naman nong isang tinig. Alam niyang si Ron iyon. Sumagi sa isip niya ang galit nitong mukha kaya napaungol siya ulit.
Natahimik ang mga ito ng ilang sandali saka nagsalita ang isa pang lalaki.
"Kailan pa siya may lagnat?" Tanong uli ng sumusuri sa kanya. "Ano kasing pangalan niya?" Tanong uli nito.
"Ella po.Hindi ko alam Doc kung kailan pa, kasi kadarating niya lang dito kahapon tapos nababad siya ng ulan kanina." Sagot naman ni Ron sa lalaki.
Nakaramdam sya ng tapik sa braso "Ella, naririnig mo ba ako?" Tanong ng lalaki. Naririnig niya pero parang ayaw bumuka ang kanyang labi. "Ella?" Tapik nito sa kanya kaya napaungol siya. Parang ang sakit ng balat niyang mahawakan. "Anong masakit sayo?" Tanong uli nito at parang pinipiga at pinipisil nito ang bandang siko niya. Iniunat unat pa iyon.
"Ang sakit.." daing uli niya.
"Magpaluto ka ng pwede mong ipakain sa kanya at pakainin mo siya bago painomin ng gamot. Pero iyong gamot na pinainom mo kanina ay huwag mo ng ipainom. Kailangan niyang makainom agad ng gamot para bumaba ang lagnat niya. May dala na akong gamot dito at pwede na ito sa kanya. Ipagpatuloy nyo parin ang pagpunas sa kanya, mas maganda kung lagyan nyo ng yelo ang tubig na pinagbabasahan ninyo ng bimpo dahil mataas pa ang lagnat niya. Pag hindi bumaba ang lagnat niya sa loob ng apat na oras ay mas maganda kung dalhin mo na siya sa hospital."
Mahabang katahimikan hanggang sa wala na siyang narinig, kaluskus nalang.
"Ella kain ka muna bago ka uminom ng gamot." Sabi ni Ron sa kanya at tinapik siya sa braso kaya umungol siya. Naramdaman niyang ibinangon siya nito at isinandal siya nito sa sarili nitong katawan.
"Aa.." untog nito sa kanya. Umiling sya saka inihilig lang niya ang kanyang katawan dito. Napabuga naman ito ng hangin. "Babe. Pag hindi ka kumain dadalhin na kita sa hospital." Punong puno ng pag-aalala ang boses. Hinahaplos haplos at hinahalik halikan nito ang kanyang ulo.
"Huwag mo muna akong galawin. Nahihilo ako." Daing niya dahil parang umiikot ang mundo nya pag nagagalaw sya.
"Pero babe, kailangan mo ng makakain para makainom na ng gamot." Masuyo nitong hinaplos ang kanyang ulo. Hinipan muna nito ang sinandok na sabay ng sopas bago inumang sa kanyang bibig "Come on.. say ah." Pilit nito kaya walang syang nagawa kundi ibuka ang kanyang bibig pero nanatiling nakasandal siya sa dibdib nito. Paminsan minsan ay hinahawi nito ang kanyang buhok na tumatabing sa kanyang mukha at pinupunas ang galid ng kanyang labi. Masakit ang kanyang lalamunan kaya Nahihirapan siyang lumunok.
Ilang subo lang ay umayaw na sya. Kaya pinainom agad siya ng gamot saka uli niya natulog. Ilang oras din syang nakatulog.
Pagkagising niya ulit ay medyo maganda na ang pakiramdam niya, masakit parin ang katawan niya pero hindi kagaya kanina. Naramdaman niyang may katabi siya kaya iminulat niya ang kayang mata.
Bumungad sa kanya ang dibdib ni Ron na nahihimbing din na nakatulog. Nakaunan siya sa braso nito at nakayakap pa siya kaya nakaramdam siya ng pag-init ng mukha. Tiningala niya ito. Matagal niya itong tinitigan sa mukha.
Mas nagmature na ang mukha nito pero parang mas gwapo ito ngayon. Pati awra nito ay nagbago na din.
Ilang taon din siyang nawala, pero hindi man lang nabawasan ang nararamdaman niya para dito. Ang kabog ng kanyang dibdib pag nagtatama ang kanilang paningin. Iwan niya. Wala namang ligawan ang namamagitan sa kanila pero parang matagal na silang may connection sa isa't isa. Parang Itinalaga na niya ang sarili para lang sa lalaki kahit wala namang kasiguradohan kung may babalikan pa siya o wala na. Hindi nya nakikita ang sarili na iba ang kasama pag tanda.
Hindi niya inaasahan na bigla itong didilat kaya nagtama agad ang kanilang mata. Nag-init lalo ang kanyang mukha dahil nakayakap pa siya dito.
"Ayos na ang pakiramdam mo?"Kumulubot ang noo nito. Dinama ang kanyang noo kaya napapikit siya. "Medyo mababa na ang temperatura mo pero medyo may lagnat kapa. Maya maya ulit ay iinom ka ng gamot." Wika nito kaya naidilat niya uli ang mga mata niya. Hindi parin niya inaalis ang braso niyang nakayakap sa baywang nito,
"Pwede mo ba akong tulungang bumangon?" Halos bulong lang na hiling niya.
"Saan ka pupunta?" Tanong naman nito.
"Gusto kung mag CR tapos gusto ko ding magtoothbrush. Ang pait ng bunganga ko e." Nahihiya niyang sagot. Parang loading pa ang sinabi nya dahil nakatitig lang ito sa kanyang mukha. Bumangon sya dahilan para maitungkod niya ang kamay niya sa dibdib nito para makabango. Pero agad ding niyang naiyoko ang kanyang ulo dahil kumirot iyon.
"Okey ka lang?" Nag-aalala nitong tanong sa kanya na nakahiga parin pero nakahawak na ang mga kamay nito sa mga braso niya para maalalayan siya.
"Okey lang." Mahina nyang sagot.
"Okey, saglit lang at babangon lang ako huwag ka munang gumalaw para hindi ka mahilo." Sabi nito at mabilis ng bumangon. Siya naman ay nakayuko at nakasalo ang kanyang kamay sa ulo dahil parang mabigat iyon pero hindi na masyadong masakit.
Laking gulat niya ng bigla siya nitong buhatin at ipasok sa CR. Hinihintay niya itong umalis pero wala yata itong balak umalis.
"Iihi kaba?" Tanong nito kaya tumango siya.
"Sige tatalikod lang ako." Sabi nito at tumalikod na.
Nanlaki ang mata nya. "Hindi kaba lalabas?" Tanong niya.
"Baka mahilo ka. Huwag kang mag-alala hindi ako lilingon."
Napanguso sya. Papaano sya makakaihi kung kasama nya ito sa loob. Oo nga at ang luwang ng bathroom pero kasama parin nya ito sa loob.
“Ihi na.” Pangungumbinsi pa sa kanya ng hindi sya natinag.
“Ella hindi kita iiwan dito kung iyan ang igigiit mo. Hindi kapa magaling at nahihilo kapa.” kaya naman wala siyang magawa kundi tiisin ito. Naghugas nadin siya. 'Bahala sya dyan!.' Aniya na napairap pa sa lalaking nakatalikod sa kanya.
"Tapos na."Aniya pero umupo uli siya sa bowl ng CR.
Inalalayan sya papunta sa lababo at nakita nya na nakahanda na ang toothbrush na may toothpaste at tubig. May malinis ding towel na nakasampay sa balikat nito.
Pinatalikod sya sa lababo at nakaharap sya dito. Inabot nito ang toothbrush "A" inumang nito iyon sa bibig nya kaya napatanga siya.
Seryoso? "Ako na."Tanggi nya at inabot ng toothbrush dito pero inilayo nito iyon.
"Aaa" ulit nito sa kanya kaya napasimangot siya.
Napasimangot sya. "Kaya ko naman na e." Giit niya.
"Huwag nang makulit. Say Ah."Pinaningkitan sya ng mata kaya wala na naman siyang magawa kundi ngumanga. Ito ang nagtoothbrush sa kanya,hinilamusan at nagtuyo ng kanyang mukha. Habang sya naman ay napapasimangot, napapairap minsan at napapanguso. Ang OA lang kasi. .Saka uli siya binuhat pabalik sa kama.
"Sabi ng Doctor may trangkaso ka daw. Kaya masakit ang katawan mo at may sipon at sore thoart, mataas din ang lagnat mo kagabi dahil nababad kapa sa ulan kaya lumalala." Paliwanag nito habang inaayos ang kanyang kumot pero hindi naman siya nakahiga dahil sumandal lang siya sa headboard. Sinusundan lang nya ito ng tingin. Napansin yata nitong pinapanood niya ito kaya napatitig ito sa kanya mata at kumunot ang noo.
"May problema ba?" Tanong nito.
"Salamat sa pag-aalaga sa akin." Sinsero niyang pahayag.
Tipid itong ngumiti at umiling pa sa kanya. "Kahit naman sino gagawin iyong ginawa ko. May gusto ka bang kainin. Magpapaluto ako. Kailangan mo na ding uminom ng gamot.”
Umiling sya habang nakanguso. So, kung iba ba gagawin din ba nito ang ginagawan nito sa kanya ngayon?
Umupo ito sa gilid ng kama paharap sa kanya.
"Sorry nga pala sa mga sinabi ko kahapon. Alam kong naging rude ako sayo." Malambot ang ekspresyon nito ngayon sa mukha.
Napayuko sya dahil naalala nya ang mga sinabi nito sa kanya kahapon. "S-sorry din sa hindi ko pagtupad sa pangako ko." Nakakalungkot dahil sila yata ang literal na pinagtagpo pero hindi tinadhana..
Hindi ito umimik at yumuko lang din pero humugot ng malalim na hininga. “Hindi pa siguro ito ang tamang oras para pag-usapan natin iyan dahil may sakit kapa. Magpalakas ka muna.” Iwas nito.
"Kaya ko namang magsalita a. At saka baka uuwi na din ako mamaya."Giit nya at parang nagulat naman ito sa narinig.
"Uuwi?".
Malungkot syang ngumiti sabay tango. "Oo. Ayaw ko namang lalong makagulo sa inyong mag-ama. Tama ka, Mas mahihirapan siya kung mapalapit siya sa akin."
"Bakit ayaw mo bang manatili dito?" Seryoso nitong tanong na parang nanantya.
"Papayagan mo ba akong manatili?" Tanong din niya. May takot sa kanyang puso.
Napabuga ito ng hangin. “Pag hiniling ko ba, mananatili ka?" Tanong din nito na matiim ang titig sa kanya.
Sumisidhi ang t***k ng kanyang puso. "Bakit hindi mo subukan?" Matapang nyang hamon dito.
Pinakatitigan sya nito sa mata. "Alam mo ang ibig kong sabihin Ella. Paghiniling kong manatili ka hindi lang para sa anak ko ang dahilan." Nanghahamon ding sabi nito sa kanya.
Nakipaglaban naman siya ng titig dito. "Bakit nga ayaw mong subukang hilingin sa akin na manatili dito?"
"Paano ang kapatid ko?" Tanong nito na gumuhit ang sakit sa mga mata.
Nagsalubong ang kanyang kilay. "Anong papaano ang kapatid mo?"
Tumalikod ito sa kanya pero nakaupo parin sa gilid ng kama. Nakayuko ito sapo ang ulo.
Bakit naging problema ang kapatid nito, mula’t sapul naman ay malinaw ang relasyon nila ni Keith.
"Narinig ko ang sabi mo na kaya mong bitawan ang lahat huwag lang ang kapatid ko. Na mahal na mahal mo siya." May lungkot, selos, galit na nababakas sa boses nito.
So,bumalik pala ito noon.
Unti unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. dahil mula noon hanggang ngayon ay nagseselos parin pala ito sa kapatid.
"Isusuko mo na ba ako kay Keith?" Kunyari ay seryoso naman niyang tanong.
"Ella. Alam mong wala akong isusuko dahil kahit kailan ay hindi ka naging akin." Mapait na sagot sa kanya.
"Ayaw mo bang maging iyo ako?" Mapanukso niyang tanong at nilakapan pa ng lambing ang boses.
"Sh*t! Anong klaseng tanong iyan." Kita nya ang paghihirap sa mga mata nito. "Anong gusto mong gawin ko. Makipagpatayan ako sa kapatid ko. Alam kong mula't simula palang siya ang nauna. Dapat ko bang ipaglabang ang taong alam kong hindi naman ako ang mahal ha?"
Napakagat sya sa labi para pigilin ang ngiti. "Bakit mo nasabing siya ang nauna?" Aaminin niya na natutuwa siya sa nakikita niyang paghihirap ng lalaki ngayon dahil lumalabas na mahal parin siya nito. Gusto nyang umasa.
"Tsk! Itigil na natin ang usapang ito." Tumayo ito kaya maagap nyang inabot ang kamay nito at hinila.
"Gusto pa kitang makausap." Nilangkapan nya ang lambing ang boses.
Mabigat itong napahinga. "Saka nalang tayo mag-usap."
"Upo ka muna dito." Lambing niya.
"Wag mo akong paglaruan Ella." Banta nito at halatang napipikon na sa kanya.
"Sinong nagsabi sayong pinaglalaruan kita?" Nakasimangot naman sya. Umalis siya sa pagkakasandal sa headboard at saka gumapang siyang lumapit dito. Siya naman ngayon ang nakaupo kung saan ito nakaupo kanina at niyakap niya ito sa baywang.
Natigilan ito. "Oo. Inaamin kong mahal ko si Keith. At alam kong mahal din niya ako. Kami ang magkasama mula noong lumuwas ako dito sa manila hanggang ngayon. Hindi ko itatanggi iyon. Tama ang narinig mo." Gusto niyang sukatin ang pagtitimpi ng lalaki. Naramdaman nya ang pagkalas nito sa braso nyang nakapulupot sa baywang nito pero hinigpitan lang nya. Kaya lihim siyang napangiti.
"Bitawan mo ako Ella." Mariing utos nito na parang ano mang oras ay makakasapak na.
"Ayaw ko."Pagmamatigas nya.
Pero binaklas uli nito ang kanyang braso.
Hinampas lang nya ang kamay nito at ibinalik din ang braso. Tiningala nya ito at inirapan. "Iba naman iyong pagmamahal ko sayo at pagmamahal ko sa kanya."Paliwanag nya at lalo pa siyang naglambitin sa baywang nito kaya napahawak ito sa braso niya.
"Anong ibig mong sabihin?"