Chapter 11:
Angel pov:
Hi guyz I am ANGEL MAE STANFORD 16 yrs old at isa ako sa mga kaibigan/tauhan ng BFA (Black Fallen Angels).
Umuwi kami ng pinas para dito mag-aral at lilipat kami ng school pero hindi sa kingdom high iba ang papasukan namin at ito ay ang Cole University. Sa CU kmi lilipat dahil gusto lng namin haha.
So back to the reality: Kakalapag lng ng eroplano na sinakyan namin at alam kung naghihintay na yung lima sa amin at ayun nga natatanaw na namin sila.
Nga pala meron akong kasama sila ay sina JADE CRYSTAL COLE 16 yrs old din at kanya yung university na lilipatan namin.
Next JONA LEE PONTERO 19 yrs old nakakatandang kapatid ni Joyce at dun dn sya sa cole university lilipat.
Next BEATRICE TAN 16 yrs old at sa cole university dn sya lilipat.
Next ay sina kuya ACE JHON CRUZ & kuya HANCE JAY CRUZ same age 19 yrs old nakaka-tandang kapatid ni ice kambal sila at mas matanda lng ng 5 min. Si hance kay Ace. Pero sa kingdom high raw sila lilipat dahil babantayan raw nila ang kapatid nila.
Yan kilala nyu na kmi at mukhang hindi pa nila kami nakikita kaya napag-planuhan namin na gugulatin sana namin sila.Pero papunta na sana kami ng may nakabangga sa amin.
"ARAY" daing ko.
"No ba mag-ingat nga kayo" inis na sabi saamin nung naka bangga saamin.
"Hoy kayo tong naka bangga eh" sabat naman ni Beatrice.
"Eh sa kayo tong tatanga-tanga na hindi tumitingin sa daan" sabat naman ng lalaking maputi.
"Hoy Mr. inubos ang pulbos sa mundo, kayo kaya tong tatanga-tanga alam nyo namang naglalakad kami rito tapos kayo tong hindi tumitingin sa dinadaanan ah" singhal ni Beatrice sa lalaking maputi.
"Hoy KA rin Ms. Payatot kayo kaya tong alam nyong papunta kami dito di kayo umiwas, siguro gusto nyo talaga kami maka bangga no *Evil Smirk*" sabat naman nya kay Beatrice at nginisihan pa ito.
Paul pov:
Hello there I am PAUL CLAVEL CORDOVA 16 yrs old at lilipat kami rito sa pilipinas dahil sabi ng leader namin atsaka sa cole university kmi papasok.
Kasama kong bumalik dito sa pilipinas ay sina CLYDE JAVERT MONTENEGRO 16 yrs old din at sa cole university din sya mag-aaral.
Next ay si JACE CHAN 16 yrs old at sa cole university din.
Next is ANDRIE STAR 16 yrs old at sa cole university din sya papasok.
Kasama rin namin sina DONA JOY FORD 15 yrs old nakababatang kapatid ni Dj.
At NATHALIE ANN MONTEVERDE 15 yrs old nakababatang kapatid naman ni Neon.
Silang dalawa naman ay sa kingdom high raw lilipat kasama ang mga kuya nila.
okay back to reality: Nag tinginan lng kami ng naka bangga ko (angel) habang sina andrei at yung babaeng medyo payat (beatrice) ay ayun nagba-bangayan parin hanggang sa may dumating na limang babaeng magaganda at mukhang kasama nung nakabangga namin.
Jade pov:
Mukhang kilala nyo na ako so hindi na ako magpapakilala at taman ang nabasa nyu kanina kay angel na sa school KO lilipat yung mga kasama ko pero sina kuya ace at kuya hance sa kingdom high sila babantayan daw kasi nila si ice eh.
So mukhang si ice pa nga yung magbabantay sa kanila eh dakilang playboy din kasi si kuya ace habang si kuya hance naman ay katulad ng kapatid nyang si ice tahimik lng.
So sina angel at yung naka bangga nya (paul) ay nagsusukatan lng sila ng kanilang tingin habang si beatrice naman ay nagbabangayan parin sa lalaking mukhang multo o nalunok ng gluta (andrie).
Mga ilang sandali pa lang ay may merong dumating na limang lalaki. Well gwapo naman sila pero mukhang kasama sila nung nakabanggaan nina angel.
Neon pov:
Nang makita namin sila ay pupuntahan na sana namin sila pero mukhang may kaaway ata sila. Natigilan naman ako ng makita ko ang mga kasama nila. Wait...
"Teka kapatid ko ba yun? bakit di ko alam to?" Tanung ko kay xander at nang tiningnan ko sya ay naka peace sign na agad. Tiningnan ko lang sya ng blanko dahil hindi nya sinabi saakin na kasama pala ang kapatid ko.
"Sensya na neon sabi kasi ni nath hindi raw sabihin" sagot nya.
Nang makita ko din na kasama din pala ang kapatid ni Dj ay tiningnan ko din sya para malaman ko kung anu ang reaksyon nya.
Pero sya mukhang expected nya na kasama uuwi dito ang kapatid nya. Nang makarating na kami sa harao nila ay nagsalita na si xander.
"Anung nangyayari dito?/Anung nangyayari dito?" Sabi ni xander pero meron syang naka sabay. Teka pagtingin ko kung saan galing yung isang boses ay nakita namin yung limang babae na pinaghihinalaan namin na sila ang kumuha ng mga damit namin.
Myla pov:
Nang makarating kami sa kina-roroonan nina angel, jade, jona, beatrice, kuya hance at ace ay
nagsalita na si xyriel.
"Anung nangyayari dito?/Anung nangyayari dito?" Sabi ni xyriel pero meron syang naka sabay, pagtingin namin ay sila yung mga lalaking nagbuhos ng tubig sa amin at sigurado akong sila rin yung nagflat ng kotse namin at kung hindi ako nagkakamali Xander yung name ng nakasabayan ni xyriel.
"Anu to sabayang bigkasan/Anu to sabayang bigkasan" sabay naman na sabi nina macy at nung ronnie. Nagka-tinginan naman silang dalawa ng masama.
"kayo nga sabayan rin/kayo nga sabayan rin" sabay na sabi naman nina joyce at nung Dj. Nagka-tinginan naman yung dalawa dahil sa bigla.
"Tara na nga/Tara na nga" sabi ko pero parang may narinig akong ibang boses na nakasabay ko at tiningnan ko yung lalaking naka-sabayan ko si neon ata yung name. Nang tumingin ako ay tamang-tama lng na tumingin din sya saakin kay nagka-tinginan din kaming dalawa.
"Tsk" rinig kong sabay na singhal nina ice at yung si nile. Atsaka nagka-tinginan sila ng masama.
"Teka-teka kanina pa yang sabayang bigkasan na yan ha magkakilala ba kayo?" Pigil ni angel saamin at nagtanung pa.
"HINDI!!!" sabay sigaw naming sampu.
"Hayysttt ewan tara na nga inaantok na ako *YAWN*" sabat naman ni jona habang humihikab.
"Palagi naman eh" pokerface na sabi ni joyce. Atsaka umalis na kami dun at naiwan naman sila.