Chapter 5

1348 Words
Chapter 5: I'm Dead D A L I A Katapusan ko na ba? Totoo ba ang rumour na may condition siya na kapag nakakakita siya ng babae ay nagiging monster siya? Pumikit ako at huminga ako nang malalim. "W-what are you doing here?" tanong nito. Halata sa tono ng kaniyang boses na parang kinakabahan siya. Minulat ko ang mga mata ko at dali-dali akong tumayo. "S-sir may naghahanap kasi sa inyo. Ang ganda niya, siguro girlfriend niyo 'yon no." Tinaas baba ko ang kilay ko at bahagyang hinampas si Gohan sa kaniyang balikat. Napansin ko naman na nagulat siya sa ginawa ko, naningkit ang mga mata niya. Ay nako Dalia! Ano bang ginagawa mo! Naisip kong gawing dahilan yung magandang babae na naghahanap sa kaniya kanina. "Whoever that person is, I don't care." He said. Seryoso lang siyang nakatingin sakin. "So, get out!" Napapikit ako nang bigla siyang sumigaw. "S-sorry po sir." Nang matapos kong sabihin 'yon ay naglakad na siya palayo sa akin. "Lalabas na po ako," pagpapaalam ko kahit na nakatalikod na siya sa akin. Dali-dali kong pinagpagan ang sarili ko at kaagad na hinawakan ang doorknob para lumabas ng kitchen area nang biglang... "Wait," sambit nito. Muli akong napalingon sa kanya. Nakatalikod na 'to sakin at kasalukuyan na ulit nagluluto. "P-po?" I said. "I saw on your resume that you are a Culinary Arts Student. You also said that you have a good skills in cooking." Napangiti ako nang marinig ko 'yon mula sakanya. Bihira kasi akong makarinig ng taong interesado na malaman ang tungkol sakin. Natutuwa din ako kapag may taong nakikipag-usap sakin, when it comes in Culinary. "Yes sir!" Proud kong sagot. Napansin kong huminto siya sa pagc-chop ng gulay at lumingon ito sakin. "Then, show me what you got." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko 'yon mula sakanya. Bumilis ang kabog ng dib-dib ko, dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Kaba, na may halong excitement. I didn't expected it. "A-ano po?" "Hindi ko mo ba ako narinig?" Seryosong sambit niya. "Let's see, kung totoo nga ang mga nilagay mo sa resume mo." "O-okay sir," sambit ko at naglakad palapit sakanya. "Go ahead." He said at naglakad siya ng kaunti palayo sa mesa para bigyan ako ng space. Naisip kong gawin ang specialty ko na Beef Calderata Ala Dalia. Dali-dali akong kumuha ng beef sa refrigerator. Hiniwa ko ito into cubes. Mabilis ko 'yon nagawa. Aba syempre, kailangan kong magpabibo sa boss ko no. Dali-dali din akong nag-slice ng carrots at patatas. Seryoso lang siyang nanonood sakin habang nakapamulsa. Kumuha na din ako ng peanut butter at kumuha ng gata powder. Pansin kong naningkit ang mga mata niya dahil sa nakita niya. "W-what are you doing?!" reklamo niya. Kinindatan ko siya. "Chill ka lang diyan sir." Pinaningkitan niya ako ng mata at alam kong nagdududa siya sa ginagawa ko. Sinalang ko na ang lahat at sinimulan na ang pagluluto. Pinanood niya lang ako hanggang sa matapos. Pansin ko na nagugulat siya sa way ng pagluluto ko. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na din ang niluto kong Beef Caldereta Ala Dalia. "Tsaran! Beef Calderata Ala Dalia— sir," medyo napahinto ako sa pagsasalita nang mapagtanto ko na ginamit ko yung totoo kong pangalan. Baka kasi maghinala siya. "Ala Dalia? You're still using your real name ah," tinaasan niya ako ng kilay. "Naalala ko si Klioh ayaw niyang matawag siya sa totoong pangalan niya, pero ikaw proud ka ah." "O-opo sir. B-bigay kasi ng parents natin ang name natin. So we need to cherish it." I lied. Napangiwi ako. Seryoso lang siyang tumingin sa akin at tinaasan lang ulit ako ng kilay. Psh! "S-sir, tikman niyo na po habang mainit pa." I smiled. Natawa ito bago siya nagsalita. "Hindi mo pa nga ako kilala." Napatingin lang ako sakanya ng seryoso. Ano'ng ibig niyang sabihin? My gosh, hindi man lang ba niya titikman 'tong pinagpaguran ko? Sayang ang effort ko ah. "P-po?" naguguluhan kong sabi. "Hindi ako kumakain ng pagkain na luto ng iba." He explained. Hala? Arte! "Nako sir, kapag natikman niyo 'yan baka 'di mo na tigilan at hahanap-hanapin mo pa." Proud kong sabi. Naningkit ang mata niya na tila ba may naalala. "W-wait, I almost forgot, may paborito pala akong pinago-orderan ko ng Special Caldereta. Yung napakasarap lang na Calderata na 'yon ang kinakain ko, aside from that wala na, sariling luto ko na lahat." Dahil sa sinabi niya ay naalala ko bigla ang mga pa-order ko last week na hindi ko na nabigay. Bago kasi ako naging server dito sa restaurant ay rumaraket ako ng online lutong ulam. Nagpapaorder ako ng mga lutong ulam at dinedeliver ko ito. "Nako sir, panigurado akong mas masarap 'yang caldereta ko kaysa dun sa pinago-orderan niyo." Proud kong sabi. Napansin kong napatingin siya sa phone niya nang magvibrate ito. "Let's see." He said. Napangiti naman ako dahil titikman na niya yung pinagpaguran ko. Naglakad siya palapit sakin habang patuloy lang ako sa pag-ngiti. Nagulat ako ng nilagpasan niya ako nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa pintuan ng kitchen area. Binuksan niya ito at bumungad sa'min ang isang napakgwapong lalaki. Matangkad ito at matikas ang kanyang katawan. Natulala ako sakanya ng ilang segundo. Nagulat ako ng mamukhaan ko siya. Naalala ko na regular customer ko siya sa Online Lutong Ulam business ko. "How's my cousin?" Nakangiting sambit nito. Napansin kong ngumiti si Gohan. First time kong nakita siyang ngumiti. Napakagwapo niya tuloy lalo. Niyakap niya lang ito na parang excited sa kanyang pinsan. Naglakad sila papunta sa direksyon ko at napatitig sakin si Wanco. Sana ay 'di niya ako mamukhaan. Niyuko ko ang ulo ko upang 'di niya ako gaanong makita. "Dylan." Sambit ni Wanco. Mabilis kong tinungo ang ulo ko at nginitian ko siya. "Good afternoon po sir." Kaagad din akong yumuko. "You have to taste it for me Wanco, luto 'yan ng bagong server ng restaurant ko." Sambit ni Gohan. "Natutuwa ako na nakikipag-interact ka na sa mga babae." "Is he?" sambit ni Gohan at tumawa sila pareho. Pssh. Napansin kong kaagad na kumuha ng kutsara si Wanco at dali-daling tinikman ang luto kong kalderata. Napatingin ako kay Wanco habang kasalukuyan niyang nginunguya ang niluto ko. Napangiti ako nang mapansin kong nakangiti ito. Nagtinginan sila ni Gohan. "You should taste it too." Nakangiting sambit niya kay Gohan. Bigla namang nagring ang phone ni Gohan. "Excuse me." Naglakad siya at pumasok sa isang pintuan na sa tingin ko ay pintuan papunta sa kanyang office. Naiwan kaming dalawa ni Wanco sa kitchen area. "Caldereta Ala Dalia." Halos mapanting ang tenga ko nang marinig ko 'yon mula kay Wanco. Nakilala niya ako? "You don't have to hide yourself to me." He added. "P-po?" Nauutal kong sambit. "I know who you are." Sambit niya. "But you don't have to worry, I was the one who asked Klioh na maghanap pa siya ng server, as Gonnie request." Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang sinabi niya. Nginitian ko siya. "Thank you." Ngumiti lang din siya bilang tugon. Napaatras ako ng mapansing bumukas na ang pintuan ng office ni Gohan at bumungad samin ang galit niyang mukha. "Vianna is here!" Galit niyang sabi. Pansin ko ang nakayukom niyang kamao. "Calm down," sambit ni Wanco. "Vianna is here with my girlfriend Aemielle." Halos mapanting ang tenga ko nang marinig ko 'yon mula kay Wanco. Girlfriend niya ang ate Aemielle ko? Si Wanco ba ang dahilan kung bakit naghiwalay nanaman sina ate ate at ng boyfriend niya? "You get out," galit na sambit nito sakin. "Say to that girl that I don't want to see her anymore!" Bumilis ang kabog ng dib-dib ko nang marinig ko 'yon. Hindi ko maaring gawin ang inuutos niya dahil makikita ako ng ate Aemielle ko. "Hindi mo ba ako narinig?!" Sigaw niya. "Get out!" Napatingin ako kay Wanco na pasimpleng nakangiti. Kakaiba ang naramdaman ko sa ngiti niyang 'yon, ano kayang ibig sabihin nun. Iba ang kutob ko sa kanya. "O-opo sir." Tarantang sagot ko kay Gohan. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng pintuan at isa lang ang tumatakbo sa isipan ko. I'm dead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD