"Hindi ka namin pipilitin iha kung ayaw mo talaga."Thanks Dad."Okey be prepare kasi may meetimh tayo with our new client,isama mo secretary mo para masanay na din si Julia."Ok dad,sana madali lang ting trabahong to para sa amin dad."Iha kaya mo naman kaya ko pinahawakan sayo agad ang position na ito.
Lumipas ang mga oras ay busy talaga kami ni Julia,lahat na details at gawin ay pinaliwanag sa akin ni daddy.Alam kung hindi madali ito,unang araw pa lang naman at makakayanan din namin.Dito ako sa office ko ngayon at abala sa papanood about sa company rules and regulations pati ang pagpapasikot sikot sa mga gawain parapabilis.
"Hello iha,how's your day?"Hello mom,ito po busy."Ito o kain ka muna galing sa restaurant natin."Thank you mom hindi pa talaga kami naglunch,si daddy po tatawagan ko para sabay sabay na tayo kumain."No need dito na ako."Hello honey!Kain na kayo."Ang daya mo hon dati sa office ko ikaw dumidiretso ngayon dito na kay Cassie."Aba,nagseselos si daddy."Hindi ah,alam ko naman na miss na miss ka parin ng mommy mo."Saka honey,syempre nauna itong kwarto ng anak mo kaya dito na ako pumasok sa office niya."O sya sige kain na tayo aba'y 12 na ng tanghali."Julia kain na tayo!"Sige po tita,may tinatype lang ako."Mamaya na yan beshy dapat sabay sabay na tayo tuwing kakain,we're family here!
"Thank you Cass,susunod na..Masaya kaming kumaing apat,nagpaalam din agad si mommy para daanan pa ang isang branch niya sa pasay."Hatid na kita hon!Tapos na din ako sa oagturo sa anak mo,nanonod nalang s'ya sa mga iba pang dapat gawin."Oo nga mom,mas safe pag si daddy maghatid sayo sa restaurant at makauwi ng maaga at makapagpahinga na."Iha,basta tandaan mo lang mga tinuro ko,kaya mo na iyan."Opo dad,ingat po kayo ha."I love you mom and dad."We love you more iha.
Ang sarap lang sa pakiramdam na masaya kaming tatlo,sinilip ko si Julia busy ito sa ginagawa niya.Inuulit ulit ko ang panood ng mag ring ang telepono ko."Hello,hello maam kayo po ba si Kristina Cassandra?"Opo,ako po."maam wag po kayo mabigla ha,nandito po sa hospital ngayon ang daddy at mommy mo at malala po ang condition nila."Ha?saang hospital?Dali dali kung inoff ang cellphone ko at nagmamadaling pumunta sa Doctors hospital.Nanginginig ang buong katawan ko,Nakita kong nagtatakbo din si Julia na sumusunod sa akon.
-----
Where's my parents?"Miss relax lang under observation pa po sila."Cassie just relax ok?maging maayos din din sila tita at tito."Hindi ko kaya Juls na magrelax lang.Baka...baka ano ang mangyari sa kanila.
Nanginginig ako,nang biglang lumabas ang doctor sa emergency room."Doc hows are they?
"Sorry iha,ginawa na namin ang lahat na maligtas lang ang mommy mo.Pero wala na siya iha.Yong daddy mo under observation parin at 50/50."No doc please iligtas ninyo ang daddy ko.Si mommy,kailangan ko siyang puntahan.
Iyak ako ng iyak habang pumupunta sa kwarto kung saan nilagay si mommy.."Kung alam ko lang ang na ganito ang mangyari sana hindi ko na lang sila pinayagan na umuwe agad kanina sana pinigilan ko na si daddy na ihatid si mommy."Cassie,tahan na please.Hindi matutuwa si tita nyan..Yakap yakap ko ang walang buhay na si mommy,ayon sa mga pulis liliko na sana ang kotse ni daddy ng may mabilis na ten wheelers truck ang s'yang nakabanggaan nilang sasakyan."Nawalan daw ng preno ang trak kaya nabangga nila ang kotse ni daddy.Patay din ang sakay ng trak pati ang driver."Miss Cassie yong daddy ninyo hinahanap ka sa kabilang kwarto..
Dali dali akong pumunta sa kwarto kung saan nakaconfine si daddy at nagmamadali din sila Christof at family niya kasama si Patrick."Cassie iha how's your mom and dad?Tito si mommy po wala na,si daddy naman po nag aagaw buhay.Pupunta po ako sa kwaryo niya ngayon."Iha kaya mo yan nandito lang kami.Humagolgol na ako yakap si tito Arman.
"I..iha halika anak,ang mommy mo kum..kumusta siya?"Dad,'wag po muna kayo magsalita.Pagaling po kayo dad!"Anak,ba..baka hindi na ako magtatagal mahal na mahal kita anak kayo ni mommy mo."No dad pagaling ka,hindi ko kayanin pati ikaw ay mawala sa akin."A..anong ibig mong sa ...sabihin?"Patay na ang mommy dad,wala na siya.."No,hin..hindi totoo 'yan..."Dad..dad!!!Dok si daddy please save him dok...
"Labas ka muna Miss kami na bahala sa daddy mo,gawin namin lahat ng makakaya namin...Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa chapel ng hospital,alam kung tutulungan ako ni Bro,kahit si daddy man lang itira niya sa amin.
End of Chapter 15 abangan po ang susunod...Salamat sa pagsubaybay.