Julia Pov
Dito ako ngayon sa kwarto ni Tito Alfred upang gawin ang inuutos ni tsong sa akin."Tito sorry,king hindi mo lang sana tinanggal noon si taong Hernan Del Prado sa trabaho at hinayaan mo na ang ninakaw niyang 2M hindi ito mangyari sayo.Namatay ang anak niya dahil sayo na pinsan ko.Kaya pasinsya na gagawin ko lang ang utos ng taong nagpalaki sa akin.
"Julia anong ginagawa mo dito?Gabi na ah."Ay,yaya mareng binisita ko lang si tito inaayos ko ang unan n'ya."Ganun ba,matulog kana maaga pa pasok mo bukas.Lumabas lang sanadali si Cassie dito dae sya matulog ngayon."Ganun po ba,sige po yayamedyo inaantok na din ako."
Swerte mo Tito at dumating si yaya.Paano ko kaya magawa ngayon ang inutos ni tsong e dito mamaya si Cassie,may ibang araw pa.
"Ya,ako na dyan matulog na po kayo."Sige iha,si Julia pala nandito kanina,iha may sasabihin ako saiyo,wala akong tiwala dyan sa kaibigan mo."Si yaya talaga bakit mo naman nasabi yan?"Nakita ko kanina kunyari nya lang inaayos ang unan pero itatakip nya sana sa mukha ng daddy mo."Baka nagkamali lang kayo ya,mabait si Julia at baka inayos nya lang talaga."Cassie makinig ka,lahat ng katulong dito habang tumatagal nag iiba ugali n'ya.Pasigaw pa minsan kung mag utos."ho?"oo iha,pwede mo obserbahan."Sige ya,Oobserbahan ko.Pero itonlang masabi ko ya,mabait si Julia."Alam ko naman yan iha na siya ang kasama mo noong naglayas ka at pinatira sa condo niya.Pero iha hindi sapat ang isang taon na pagsasama ninyo noon bilang magkaibigan,ang tao ay nagbabago."Sige ya,salamat sa paalala.
Nagduda na din ako kay Julia dahil iba ang kinikilos nya sa mga nagdaang araw.Gusto kong balewalain ang sinabi ni yaya dahil napakabusy ko sa araw-araw pero kailangan ko itong alamin.Inaayos ko na ang kamang tutulugan ko sa tabi ni daddy ng may kumatok.
"Pasok sino yan?"Ate si Sir Christof po at kaibigan niya dumating."Ha?hindi man lang sila nagpadabi na pupunta sila.Sige inday lalabas na ako, salamat.
Inayos ko muna ang higaan ko at bumaba na."Christof,Patrick ginabi na kayo ah."Hi,sorry hindi na kami nagsabi na darating kami."Alas dyes na ng gabi kumain na ba kayo?"Tapos na Cass,oknlang ba na dito muna kami for 3 nights?"Abay oo naman,may aayusin ba kayo dito?"Cassie can we talk yong tayo lang."Patrick ok lang ba?"oo naman,pasok na ako sa guestroom."Oo,maayos naman na yon.Goodnight sainyo lovers."Lovers ka dyan,doon kana nga.
"Cassie,magpainbestiga ako sorry kung hindi ko sinabi ito sayo. Nag alala lang ako sayo pati si daddy tumulong."Kinakanahan ako sayo ha ano ba sasabihin mo?"About kay Julia,Cassie pamangkin pala sya ng pinaalis ni tito dati na tauhan nyang pinagnakawan s'ya."Ano?
"Oo ang tito niya si Hernan Del Prado."Hernan Del Prado?Pamilyarbsa akin yang tao na yan,oo naalala ko na gusto niyang mag invest sa business ni daddy.Pero his rich at kilala dito sa Cebu."No,nagpapanggap lang sya."Bakit si Julia,bakit niya ginagawa sa akin ito?"Kanina kasi may sinabi si yaya muntikan na si daddy."Dapat paalisin mo na sya dito."Not now,gusto ko ako ang makapagpatunay kung ano pa ang gagawin niya."Tutulungan kita kaya kami pumunta ni Patrick dito."Delikado kayo ngayon ni tito dahil gumaganti si mr.Del Prado.Cassie lahat ng to may ugnayan sa paglayas mo noon,kaya ka napunta kay Julia lahat ay naka plano.Ang hinala ni daddy,sinadyang binangga ang sasakyan nila ni mommy mo.Magaling si tito magdrive sabi ni daddy,kasi isa siyang racer noon."Bakit sabi noong nag imbestiga nawalan ng preno ang track."Binyaran yong driver at palabas ang lahat."Cassie nagpatira ka ng ahas dito sa mansyon."Christof hindi ko alam,wala akong alam na may taong galit kay daddy."Alamin mo mismo Cass,andito lang ako.
Napayakap ako ng mahigpit Kay Christof,natatakot ako sa ano mang mangyari.Kailangan kong alamin ang katotohanan at parusahan ang dapat parusahan kahit sino pa s'ya.Pinaakyat ko na si Christof para makapagpahinga,bumalik ako sa kwarto ni daddy.Hindi ako makatulog sa mga nalalaman ko,oras na mapatunayan ko na totoo lahat ang hinala nila kay Julia ako mismo ang magpapakulong sa kanya.Niyakap ko ang daddy ng sobrang higpit at hindi ko napigilang umiyak.Kakayanin ko ang lahat para sa pamilya natin dad,dalawa pa tayo alam kong gagabayan tayo ni mommy.Totoo kaya ang paalala ni mommy sa akin sa panaginip na dapat mag iingat ako sa mga tao sa paligid ko.
Natulugan ko ang pag iisip ko na yon at kinaumagahan ay maaga daw umalis si Julia dahil madami pa daw itong tapusin,nag almusal kaming tatlo ni Christof at Patrick ng may narinig kaming kumalabog sa taas.