"Alam mo girl hindi talaga ako makapaniwala,naku ang kasama ko dito isang bilyonarya."Ano ka ba naman Julia pwede ba kung ano ako sa una mo akong makilala,pwede ba iyon parin pagkakilala mo?Wala namang nagbago e.Magkaibigan tayo soon dalhin kita sa bahay."Talaga Cassie ha,gusto ko 'yan."Oo,tulog na nga tayo at bukas off natin diba mag mo mall tayo?
----
"Hi,Cassie how's your day?This is Christof please save my #."Hello,buti nakaalala ka magtext."Sorry i was so busy,regarding sa kaso na isinampa mo sa mga lalake sabi nila magsasalita na sila.Pero ikaw ang gusto nilang makausap."Ah,sige atty.punta nalang ako bukas off ko naman."Cassie may alam din ako kung sino ang may pakana nito sayo na mapahamak ka."Nagkataon kasi na magakatabi table namin noon at narecird ko lahat ng sinabi n'ya.Kaya pati s'ya makukulong hindi lang makulong panghabang buhay na sistensya dahil sya ang may pakana na ipadukot ka at ipapatay.
"Ganun na ba ako kasama?para ipapatay n'ya?"Let's talk tomorrow Cass not now ok?You can sleep now and see you tomorrow.
Kaya pala tinulungan ako ng araw na yon ni Christof dahil narinig na nya ang balak ng kung sino man,kailangan ko makita ang ang video na sinasabi n'ya.Delikado na pala buhay ko dito.
----
"Cassie am here,.Atty.ano na?"Doon tayo mag usap."Julia halika,tulala ka dyan."Cassie hindi e,may sumusunod kasi sa atin kanina pa.ayon oh,kotseng pula."Kung ganun delikado tayo dito."Saan tayo?"Doon sa place ko.
Sumakay kami sa kotse ni Christof at sumusunod parin ang pulang kotse sa amin."Kailangan natin siyang iligaw.
-----
"Saan kaya ang punta ninyo?Kim ano ang binabalak mo.Bakit mo sila sinusundan kanina pa."Pwede ba cousin manahimik ka muna."Isa sa mga tao ko nagsabi na nagpaimbestiga sa nangyari noong isang linggo sa bar.Pag may magsumbong makukulong ako.Hindi ako papayag na matalo lang ng isang hamak na empleyado."Kim,mabait naman si Cassie ah at ano magawa mo kung siya talaga mahal ni Gavin."Hindi ako papayag!bata pa lang kami ni Gavin magkasundo at close kami.Dumating lang siya hindi na ako napapansin."Kasi hindi ka naman lagi nagpapakita kay Gavin,isang kumpanya lang tayo sinasadya mo."Oo,para mamiss nya ako at malaman ko kung hinahanap nya parin ako.
"bahala ka nga ang labo ng plano mo."Saan na sila,ikaw kasi ang daldal mo."Aba ikaw ang driver ako sinisisi mo dyan."Kakainis naman oh,balik na tayo sa mall.May araw din sa akin yang babaeng yun!
---
"Dito na tayo sa condo ko,pagpasinsyahan nyo na wala akong maisip na pagdalhan sainyo.Safe na kayo dito."Salamat atty."Cassie pwede ba Christof nalang masyado kang pormal."sige "Pasok na muna kayo,ano gusto nyong kainin magpadeliver nalang tayo."May maluluto ba dito?I can cook."pero Cassie baka gutom na kayo!Christof mag e eleven pa lang saka magbreakfast naman kami."Masarap sya magluto Christof hayaan na natin sya magluto."Sa kusina halika kayo."Ikaw na bahala tumingin sa ref kung ano maluluto mo,kakahatid labg ni mom ng mga yan kahapon,wala na akong time magluto this past few days,naging busy ako."Dahil ba yan sa kaso na hinaharap mo ngayon?"Oo Cass lalo na sa business din ni daddy."
Tiningnan kobsa ref.marami ngang stock na karne at gulay.Naisipan kong magsinigang na baboy at magprito ng isda.Habang nagbake ng panghimagas namin.Nakita kong busy sa laptop niya si Christof,si Julia naman nag hahati ng mga gulay na pansahog ko sa sinigang.
-----
Hindi ako makapaniwala na ang babaeng may ayaw sa akin na maging asawa n'ya ay hito ngayon sa harap ko at busy sa paglulto para sa lunch namin.Hindi makapaniwala na ang isang prinsesa ng maituring ay alam ang mga gawaing bahay."Napakaganda parin kahit na simpleng damit lang ang suot,naka apron at kayang kaya na gawin ang lahat.Talaga bang matiis mo lahat Cassie para lang makalayo sa akin?"Christof kain na po,tulala ka dyan?"Ah,wala Julia may naisip lang."Whoa,nakatingin ka sa kaibigan ko e.Ganda n'ya noh?
"Ikaw talaga Julia pati si Christof niluluko mo."By the Chris pwede ko makita ang video na nakuha mo?"Medyo madilim lang at di ko gaano nakuhanan ha kasi pasimple lang."Buti naisip mong kuhanan."Abogado ako Julia,kaya dapat lagi may ibedensya."Patingin din ako,madilim nga."Teka nga Cassie diba si...si Kim?"Oo sya nga bakit nya ginagawa sa akin ito?"Syempre,nagseselos.Ikaw kaya maagawan ng minamahal."Pero walang namagitan sa amin ni Gavin,we're just friends."Ikaw kaibigan lang,si Gavin Cassie may gusto sayo.Diba nga nagtapat na sayo."Oo Juls pero nagkasundo na kami na magkaibigan lang kami,kaibigan lang turing ko sa kanya.
"Naku,saan din pupunta 'yan ang pagkakaibigan na yan!Delikado kana sa mall ngayon,papasok pa ba tayo?"Aayusin ko to Iya."Baka sya nga yong sumunod sa atin kanina e."Ipapatay ka n'ya Cassie,wag kana pumasok."Akonna bahala bukas magsabi kay Gavin Cas kung bakit biglaan pagresign mo."Pero julia,saan ako....saan ka kukuha ng pera?My God Cassie umuwe ka nalang sa Cebu,doon sa magulang mo.
-----
Napangiti ako ng lihim sa dalawang magkaibigan at alam na din pala ni Julia na hindi ordenaryong tao si Cassie.
"Julia your mouth,may ibang tao dito."Cassie im not other people, i am your lawyer at karapatan kong malaman kung ano or kung sino ang client ko."Oo alam ko atty.pero hindi sa ganitong pagakakataon."At anong pagkakataon Cassie!
"iyong pagtakas mo?pagtakas mo para...."para ano christof,kilala mo ba ako?Pinaimbestagahan mo ba ang pagkatao ko dahil kleyente mo ako?"No,hindi ibig kong sabihin pagtakas mo sa responsi..."Tama na nga 'yan nagkainitan na e."Christof need na namin umuwe ni Cassie,hindi sa ganito na nagsisigawan e.Nandito kaminpara pag usapan ang plano para dyan sa gagawin ng malditang Kim."Sorry Cassie,tumaas ang boses ko."Kain na muna tayo.
"Hindi na uuwe na kami,salamat nalang at kainin mo na yang hinanda ko sayo."Cassi wait,im willing to help,paano kung aabangan parin kayo ng nakapulang kotse at si Kim yan."Haharapin ko sya,hindi ako natatakot sa kanya."Saka,salamat sa tulong mo.
Dali- dali kaming sumakay ng taxi ni Julia at umuwe na sa condo kung saan kami nakatira."Bakit parang may alam sa akin si Christof sa tunonng mga pananalita n'ya kanina?Baka nga pinaimbestigahan ka Cass."Bakit pati ako?Diba nga he want to help you,baka nag imbestiga kung di sya mapahamak kung mabuting tao ba talaga ang tinutulungan niya.Matatalino ang mga abogado Cass ayaw nilang magkamali baka maling tao din ang tinutulungan nila."Baka alam na nyang naglayas ako sa amin at hindi ako basta bastang tao."Ano kaya kung maghanap ka nalang ng ibang abogado cass kung hindi ka sure dyan kay Christof.Pero sayang ang gwapo pa naman."Julia naman. ."peace hahaha."Ikaw talaga pag gwapo e ano!!"Ikaw naman talaga Cassie hindi na mabiro.
Christof ano nakausap mo ba sila Cassie?Oo pare perobparang galit sa akin e,dikobkasi napigilan sarili ko kanina parang gusto kong sumbatan bakit sya tumakas at tinakasan ako."Pare,hindi ka pa niya kilala paano ka niya tinakasan aber.Buti hindi mo natuloy naku,maghahanap ka nanaman sa kanya.
"Yon nga e,pero kakausapin ko sya ulit."Oo make sure na hindi ka niya iwasan."Gusto ko syang protektahan patrick,kailangan makulong itong Kim.Dahil pag nasa labas ito,hindi ligtas si Cassie."Dapat sampahan sya ng kaso ni Cassie dude!Ako na bahala patrick.
---
"Cass are you ok?"Hindi gutom na ako e..Oo nga sarap pa naman ng luto mo kanina.Mag order nalang tayo."Oo gutom na talaga ako e."Kim bukas pasok ka muna,ipasa mo na resignation ko.Uuwe muna akong Cebu."Paano ang kaso mo dito?Bahala na,basta ayusin ko muna problema ko sa magulang ko.At ikaw punta ka doon i will give you the exact adress."Sige Cassie,pero sigurado ka naba?"Oo,pero bago yan puntahan ko muna si Kim para kumpruntahin,bakit niya ako ipapatay at magsampa ako ng kaso .Hindi pwedeng pabayaan natin ang ginawa niya sa atin na muntikan na tayong mapahamak."Dapat lang noh,baka mamaya maulit sa iba ang ginawa niya sa atin .
Maaga palang ay nag ayos na ako,sasabay ako kay Kim pagpasok at sabay na din kami magpasa nang resignation letter.Dapat magharap harap kami ni Kim hindi yong kami pa magtatago wala naman kaming kasalanan.
End of chapter 8 Abangan po ang susunod na chapter.....