Chapter 13

1951 Words

Austeja Isang pitik na lang siguro, mababaliw na ako sa pinsan ko. Well, hindi sa kanya mismo kundi sa mga sinasabi niya. Ayokong isipin na may gusto siya sa akin o type niya ako dahil. . . hindi ba't nakakadiri iyon? Hindi ba't incest iyon? Ano ba ang tumatakbo sa isipan niya? Tsaka, bakit ba ang lakas ng loob niya na sabihin sa akin ang mga gano'ng bagay? Hindi ba siya natatakot na baka magsumbong ako kay Mama? Sa mommy niya o 'di kaya ay sa daddy niya? Isa pa, may girlfriend siya! Ano ba ang gusto niya sa akin? Bakit gano'n niya ako pakitunguhan? Nakakalimutan ba niya na magpinsan kami? Na magkapatid ang nanay ko at ang nanay niya? Hinagod ko ang mga braso ko nang maramdaman ang pagtaas ng mga balahibo ko. Hindi ko rin maiwasang hindi kabahan dahil baka gano'n rin siya kay Althea?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD