PROLOGUE: Isang Gabing Silakbo

392 Words
"Aahh..." Isang ungol ang pumuno sa kwarto ng pribadong villa, na sinasabayan ng tunog ng mga katawan ng dalawang taong magkasabay na gumagalaw sa ilalim ng madilim na ilaw, ngunit nakabukas na television. Mainit. Mapusok. Walang alinlangan. Si Henry Almendras ay hindi kailanman nag-isip. Hindi ngayong gabi. "Henry... Oooh... More, please..." Habang bumabaon ang mga kuko ng babaeng nasa ilalim niya sa kanyang likod, habang binabanggit nito ang kanyang pangalan sa pagitan ng mga ungol nito, siya naman ay nananatiling tahimik at nanonood sa live stream ng dalawang taong ikinakasal ngayon sa isang bahagi ng resort. Siya ang best man ng matalik niyang kaibigan na si Benedict, ngunit pinili niya itong takasan dahil sa sakit na hindi niya kinakaya sa mga sandaling iyon. Sa bawat paggalaw niya, sa bawat halik, sa bawat mariing hawak sa babaeng katalik niya ay isang imahe lang ang lumulutang sa kanyang isip—ang mukha ng pinakamamahal niyang babae, si Vianca Valmoria, na ngayo'y suot ang isang napakagarang trahe de boda at nakangiti, habang buong pusong tinatanggap ang pagmamahal ng lalaking pinili nito. Kitang-kita niya ang saya at ningning sa mga mata ng dalaga, ganundin sa best friend niya. Kumuyom ang mga kamao ni Henry. Ramdam niya ang pagkapunit ng puso niya. Ubod-lakas niyang binayo ang babaeng nasa ilalim niya. Dito niya ibinuhos ang matinding sakit at sama ng loob na nararamdaman niya. "Oooh! H-Henry..." malakas na ungol naman ng babaeng nasa ilalim niya—si Izza, isang estrangherang nakilala niya lang sa bar isang gabi bago ang kasal. Pinili niya itong isama ngayong gabing ito para ipakita sa kanila na hindi siya naaapektuhan. Bumalik siya sa realidad at tinignan ang nakapikit na babae sa kanyang ilalim. Isang laro lang ito para sa kanya. Isang paraan para takasan ang sakit na hindi niya kayang harapin. Kaya sa halip na sumagot ay sinakop niyang muli ang mga labi nito, at ninakaw ang init na hindi sa kanya, habang sa kabilang dako ng resort, sa ilalim ng buwan, isang babae ang binibigkas ang pangakong sana ay para sa kanya lamang. Ngunit ngayong gabi, sa halip na umiyak—isinaboy niya ang sakit sa ganitong paraan. At hindi niya alam, na sa gabing ito, isang bagay ang kanyang iniwan—isang marka ng kanyang pagkalunod sa isang taong hindi niya inakalang muling babalik sa buhay niya. Dala ang kanyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD