— Matilda — "Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" Napakurap-kurap ako nang dumating si Henzo dala ang pagkain namin. "What happened? Bakit ganiyan mukha mo?" panibagong tanong niya. Nakagat ko ang labi ko at napailing. Gusto kong pumatay ng isang Wykes! "Ang tagal mo namang kumuha," sabi ko na lang habang tinitingnan ang mga pagkain. "Nambabae ka pa yata," dugtong ko na ikinatawa niya at umiling-iling. "Tayo na ba?" tanong niya na ikinatigil ko. "Hindi pa, so puwede pa 'kong mambabae," nakangising dugtong niya. Napairap tuloy ako dahil sa inis. Pinagti-trip-an na naman niya 'ko. Ang sarap niya ring patayin. "Tsk, kumain ka na nga," sabi niya nang hindi na ulit ako nagsalita. "I'm just kidding, okay? Kumain ka na," patuloy niya na ikinairap ko lang at kumain na nga. "Nakita ka n

