— Matilda — Ngayon na ang libing nila Pove and Dessie. Nagkasundo ang dalawang pamilya na pagtabihin na lang ang puntod nila. Ngayon, nag-aayos na ’ko para pumunta roon. Sana lang ay hindi maging malala ang pag-iyak ko. ”Get my bag,” utos ko sa maid na naglilinis dito sa loob ng room ko. Inabot niya naman agad sa 'kin 'yon. “I gotta go. Ayusin mo ang paglilinis mo rito.” “Y-yes po,” tipid na sagot niya kaya lumabas na ako at dumaan muna sa kuwarto ni Mathew. “Mat?” tawag ko at kumatok. Bumukas naman agad ang pinto. “Aalis ka na ate? Gusto mong samahan kita?” tanong niya na ikinailing ko na lang at hinalikan siya sa noo. “I'm fine, kasama ko naman si Henzo. So bye, take care here,” paalam ko at saglit na ginulo ang buhok niya. Tumango siya at ngumiti. “Keep safe ate, bye!” Hinalika

