— Matilda — Apat na buwan na ang lumipas, masayang-masaya kami. Tho, nagiging busy na naman sila mom and dad sa mga trabaho nila at panay ang paglabas sa bansa. Nalulugi na raw kasi ang isa naming negosyo. Nalaman ko na rin noon na hindi na pala sila nagta-trabaho sa politika at naka-focus na lang sa business namin. Kaso, mukhang hindi maganda ang naging pasok ng bagong taon sa business namin. Kami ni Grenda ay mas naging close pa. Kapag wala si Henzo, siya ang lagi kong kasama. Si Henzo ay naging busy rin dahil sa pag-aaral humihirap na raw kasi. Ganoon din naman kami, marami na kaming ginagawa sa fashion designing. Okay naman kami ni Henzo, isang away palang ang nagaganap sa amin. Ayun ’yung hindi ko sinasadyang masigawan siya, paano ba naman, nakalimutan niya akong isabay noon sa pag

