— Matilda — As the days, weeks, months and year passed, medyo nahihirapan na ako, lalo na sa school at sa paghihintay kay Henzo. Marami na kaming ginagawang projects sa fashion designing lalo na't graduating na kami. Halos araw-araw, sobrang busy ko. Minsan, hindi na kami nakakapag-usap ni Henzo sa kahit call lang—dalawang araw lang naman yata ang pinakamatagal na walang communication. Pareho kaming busy at naiintindihan namin ang isa't isa. Kung papasok ka sa isang relationship, dapat maisip mo na ang mga ganito. Kung ano-anong klaseng challenges ang mga puwede niyong pagdaanan. Dapat alam niyo na kung paano lumaban para sa inyong dalawa. Dapat, ’yung seryosohan. ‘Yung matibay, may tiwala at higit sa lahat, kayang magtiis at maghintay. Luckily, matibay pa rin kami ni Henzo. Nai-impr

