Bad friends

1485 Words
Chapter: 20 Sumama si Jenn sa mga bagong kaibigan niya, gumala sila at hindi na pumasok ng school sa hapon. Kahit hindi pinapansin ni Analiza si Jenn, ay minormonitor pa rin niya kung pumasok ba dahil mag classmates silang dalawa. Kahit si Ryan ay tinatanung si Jenn kung saan siya Pero napansin niya nawawala din ang dalawang kaibigan ni Jenn. Dinala nila si Jenn sa storage room, na walang pumunta doon, at nagkunwari sila na doon sila magtago pagdating nila doon ay nagpaalam sila kay Jenn na bibili sila ng makakain nila. Pumayag naman si Jenn, dahil tiwala siya sa dalawa niyang kaibigan na hindi siya ipapahamak nito. Umalis si Lea at Julia, he locked nila ang room kung saan nandoon si Jenn, bumalik sila sa school at nagkunwari na hindi nila kasama si Jenn. Matagal ng plano ng dalawa ang pagkaisahan si Jenn, pero ngayon lang nabuo ang plano at naisakatuparan nila dahil wala ng kasama si Jenn para ipagtanggol ang kanyang sarili. Nasa school na ang dalawa, tinanong ni Ryan kung kasama nila si Jenn kasi kanina pa niya hinahanap pero hindi talaga niya makita. Tumanggi ang dalawa, at ang sabi nila kaninang umaga lang daw nila nakausap si Jenn, dahil mukhang depressed. Tinanong ulit ni Ryan si Analiza kung nag uusap naba sila dalawa ni Jenn, pero nagsasabi ng totoo si Analiza hindi pa sila nakakausap. Nag aalala na si Ryan dahil kilala niya si Jenn hindi yon lumiliban sa klase, Pati si Analiza ay nag aalala din kay Jenn kahit itinakwil na ni Jenn na kaibigan siya. Pero si Lea at Julia masaya sila at sana daw bangkay nalang ng makita si Jenn para hindi makapag sumbong na sila ang kasama niya. Sobrang init at halos walang hangin na pumapasok sa room kung saan na stock si Jenn. Nanghihina na siya subrang naiinitan sumisigaw siya at humihingi ng tulong Pero kahit isa wala talaga makarinig sa kanya. Parang himatayin na si Jenn, dahil nauubos na ang lakas niya at nag hindi natin siya makahinga. Labasan na sa school, at nag si uwian na ang lahat ng mag aaral ng Saint Minnesota school. Si Jenn, kanina pa dapat nakauwi pero bakit hanggang ngayon wala pa rin siya. Hindi na mapalagay ang magulang ni Jenn sina Alissa at Lito dahil ngayon lang ginawa ng anak nila ang ganito. Nag aalala pa naman si Alissa dahil bago pumasok ng school si Jenn ay galit sa kanyang ina. Hindi na mapakali ang dalawang mag asawa at pinuntahan nila si Jenn sa kanilang paaralan, pero wala ng tao kahit guard wala narin dahil kanina pa naglalabasan ang mga estudyante. Lalo kinabahan si Alissa, tinawagan niya ang mga new friends ni Jenn na sina Lea at Julia, sumagot naman sila kaagad pero hindi daw nila kasama si at hindi nila sinabi na kaninang tanghali pa wala, at hindi pumasok sa last period subject nila. Tinawagan naman ni Alissa si Analiza at tinanong si Jenn kung kasama ba niya. Sinabi ni Analiza ang lahat, na kanina pa niya hinahanap si Jenn dahil last period subject nila ay hindi siya pumasok. Akala niya at umuwi si, at ngayon lang nalaman ni Analiza na nawawala pala si Jenn. Lumabas si Analiza at tinulungan si Alissa hanapin si Jenn, nag aalala sila kung saan si Jenn ngayon. At anong dahilan bakit siya hindi umuwi, sinabi ni Alissa na pinagalitan niya si Jenn kanina umaga. At kahit pinapagalitan naman ni Alissa si Jenn ay hindi naman yon umaalis na hindi nagpapaalam. Naisip ni Lito na ngayon lang ginawa ni Jenn ito, pumunta sila sa police station at isinumbong ang nangyari kay Jenn, pero hindi kaagad umaksyon ang mga police dahil hindi pa daw umabot ng 24 hrs ang lumipas. Nagalit si Lito, dahil kailangan paba umabot ng 24 hrs bago nila hanapin paano kung may masama ng nangyari sa anak nila. Pero wala silang nagawa kasi yon ang patakaran nila na mga pulis. Tinawagan ni Analiza si Ryan upang ipaalam ang nangyari kay Jenn. At kaagad naman lumabas s Ryan at tumulong sa paghahanap sa nawawala niyang kaibigan. Pumunta si Ryan kung saan madalas sila nagpupunta ni Analiza, lahat ng dati niyang kaibigan ay pinuntahan nila. Pati ang old school nila ay pinuntahan nila, Pati mga lugar kung saan siya nag part time job. Pero wala parin siya doon, at matagal na hindi pumasok si Jenn sa trabaho. Naalala ni Analiza na magkasama sina Jenn at Lea, lumabas at parang natatandaan niya na pumunta sila sa may kalayaan sa kanilang school. At may abandona room doon at at parang may naalala siya na sinabi ng isa sa mga kasamahan nila sa school na papunta daw sila Jenn, Lea at Julia doon. Kaagad sinabi ni Analiza kay Ryan at sumakay si Analiza sa kotse ni Ryan at pinuntahan nila ang lugar kung saan niya huli nakita sina Jenn. Naghiwalay ng Paghahanap sina Analiza at Alissa, magkasama sa paghahanap sina Analiza at Ryan. Magkasama naman sina Alissa at Lito, para mapadali ang kanilang paghahanap. Nag aalala si Analiza at sinisisi ang sarili na kung hindi lang niya tinaasan ang pride niya at hinayaan nalang si Jenn na galit sa kanya ay hindi sana mawawala ang kanyang kaibigan. Binilisan ni Ryan ang pagmamaneho ng kanyang sasakyan upang madali makarating sa kanilang pupuntahan. Dumating na sila tinatawag nila si Jenn, dahil naisip nila na baka sa loob, pero tinignan nila ang pintuan naka lock naman. Ayaw sana nila buksan dahil hindi nila maisip na makulong si Jenn doon mag isa. Pero para makasigurado sila ay binuksan nila, kumuha ng bato si Analiza upang pokpokin ang kandado ng pintuan Pero hindi talaga matanggal dahil malaki ang kandado. Pero gumawa sila ng solusyon para maiwasan, kinuha ni Ryan ang nadala niyang mga tools sa kanyang sasakyan. Buti nalang at may nadala siya bunuksan na ni Ryan gamit ang tools ng dala niya ilang sandali na lang at nabuksan na. Pumasok si Analiza at hinanap si Jenn, dahil maliit lang ang room kaagad nila nakita. Pero hindi nila matiyak kasi madilim, kinuha ni Ryan ang cellphone niya at Pina ilaw nakita na nila si Jenn na wala ng malay. " Jenn.. Jenn.! gumising ka? Bakit ka nagpunta dito? At umiiyak si Analiza habang tinatawag ang pangalan ni Jenn, binuhat ni Ryan si Jenn at kaagad isinugod sa hospital. Tinawagan naman ni Analiza ang parents ni Jenn na sina Alissa at Lito. Kaagad naman pumunta sila sa hospital kung saan dinala ni Ryan si Jenn. Dinala ni Ryan si Jenn sa private hospital, hindi na iniisip nila Lito at Alissa ang babayaran sa hospital ang mahalaga ay maging okay ang anak nila. Umiiyak si Alissa at bakit nagawa ni Jenn na magkulong sa room na iyon, napaisip si Analiza dahil malakas ang kutob niya na kagagawan ng dalawa ang nangyari kay Jenn. Pero hindi muna siya magsasalita dahil ayaw gusto muna niya siguraduhin kung ano ba talaga ang totoong nangyari kapag nagising si Jenn. Dahil siya mismo ang makakapag sabi ng totoong nangyari sa kanya. Hanggang ngayon ay under observation parin si Jenn dahil hindi pa rin siya nagigising. Dahil sa trauma at sobrang init, pero ang sabi ng doctor hintayin ang ilang Ora's at magiging okay rin si Jenn at magigising din. Dahil basi sa taste nila nag response din ng good condition ang katawan ni Jenn, kaya hindi na kailangan mag alala ng magulang ni Jenn dahil magiging okay rin siya makalipas ang ilang sandali. Ilang oras din ang lumipas at nagising na si Jenn, doon niya nalaman na kahit anong gawin sa taong plastic ang ugali ay plastic parin. Kahit ibigay mo ang lahat hindi pa rin magbabago ang ugali. Humingi ng sorry si Jenn kay Analiza sa lahat ng sinabi niyang masama sa kanya, Pati sa kanyang magulang ay humingi ng sorry si Jenn. Kaagad naman pinatawad ni Analiza si Jenn, dahil kahit ano pa sabihin ni Jenn sa kanya ay hindi niya ito magawang pagtaniman ng sama ng loob. Tulad ng sinabi ni Analiza na kapag maliwanagan na ang kanyang isip ay nandito lang siya at kahit anong oras pwede siyang lapitan ni Jenn. At ngayon naisip ni Jenn na lahat ng pinakita ni Julia at Lea sa kanya ay puro lang ka plastikan. At Naging magkaibigan na ulit sina Jenn at Analiza. Masaya ang parents ni Jenn na bumalik na ulit si Jenn sa dati. Nagyakapan ang magkaibigan at sumali si Alissa sa dalawa habang sina Ryan at Lito ay nakangiti lang na nakatingin sa kanila. At sinagot na rin ni Ryan ang gastusin sa hospital, hindi sana papayag si Lito pero nagpumilit si Ryan, dahil hindi daw iba si Jenn dahil kaibigan niya ito. Kaya pumayag na si Lito at Alissa na si Ryan ang magbayad ng bill sa hospital ni Jenn. At umuwi ng bahay si Jenn na masaya at malakas dahil sa kaibigan at magulang niya na totoong nagmamahal sa kanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD